Chapter 37

358 16 0
                                    

Natanaw na nila ang bughaw na van, si Gilo ang nagmamaneho nito noong huminto ito sa tapat nila.

"Iyan na ba ang sasakyan natin?" tanong ni Ara.

"Iyan na nga," si Mossi ang sumagot. "Nasira kasi iyong pula ninyong van."

Napansin ni Gilo na tensyonado si Mossi, hindi niya ito masisisi dahil alam niya na hanggang nandito sila lalo na ang mga kasamahan niyang patay ay hindi mapapanatag ang loob ni Mossi.

"Nasira iyon, kailan?" usisa ni Clea dahil alam niyang kay Jun iyon.

Hindi kumibo si Jun, sa halip, nauna na'to sa loob na parang atat na'tong makaalis rito. Dito na sumunod si Clea at Gabby. Habang saglit na nagpaiwan si Ara. Binaling niya ang atensyon kay Mossi.

"Aling Mossi, mauna na kami at thank you sa pagtanggap sa amin. Pasensiya na rin kung medyo naging makulit kami," aniya.

Nais ni Mossi na yakapin si Ara at mga kasamahan nito. Pero magiging weird ito lalo pa't hindi naman sila naging close maliban na lang kay Gilo. Ganun pa man nalulungkot siya sa sinapit nila, masyado pa silang bata at marami pang taon ang ilalagi sana nila sa mundo. Pero sadyang hanggang dito na lang sila, kaya umaasa si Mossi na pagkatapos ng araw na'to ay matatahimik na sila. Na sana tumawid na sila sa kabilang mundo.

Naisip niyang kailangan din niya ng kapayapaan sa bahay lalo pa't umuwi na si Feliz.

Kumaway si Mossi nang nagpaalam na sila. Tapos ay nagdasal siya para sa mga patay, hindi niya tinigil ang pagdasal kahit na hindi na niya tanaw ang van na sinakyan nila

Tahimik na nagmamaneho si Gilo. Feeling tuloy niya siya lang mag-isa sa loob. Naisip niya marahil hindi ito malayo sa katotohanan dahil siya lang ang tanging buhay ngayon. Ang mga kasama niya ay mga patay.

Sa katunyan dahil sa paghilamos niya kahapon ay nakikita na niya ang tunay nilang mga anyo. Tadtad sila ng mga pasa, mga bali sa katawan at naliligo sa sariling mga dugo.

At hindi magtatagal malalaman na nilang patay na sila.

Napalunok si Gilo. Naalala niya si Jun na sa oras na'to ay katabi niya.

Alam na nitong patay na siya ngunit sa mga kinikilos nito ngayon ay wala namang kakaiba.

May plano kaya si Jun ngayon?

Kung alam lang sana niya ang sagot sa tanong niya. Kung kaya niya nga lang basahin ang iniisip nito ngayon. Dito na siya napasulyap rito.

Napansin niyang seryoso ang ekspresyon nito, kaya alam niya agad na may iniisip ito, dahil kahit hindi man niya ito close ay kilala niya si Jun. Hindi ito makakapigil at magdadaldal ito.

Dito na siya kinabahan. Kung ano mang plano nito ay hindi siya papayag na hindi malalaman nila Ara at mga kaibigan nito na patay na sila.

Napatingin siya sa front mirror, he expected to see Ara pero si Gabby ang sumalubong sa mga mata niya.

Kahit malamig sa loob ng van ay may namuo na pawis sa noo at sa itaas ng labi niya. Dahil nakalimutan niya, sabi nga ni Feliz sa kanya na alam na din ni Gabby na patay na siya.

Hindi lang pala si Jun ang proproblemahin niya pati din si Gabby.

Meron kaya silang napag-usapan at binabalak ngayon?

Feeling niya masyado siyang nag-iisip. Kung may makakausap lang sana siya... kung nandito lang sana si Feliz.

Si Ate Feliz? Bakit wala siya kanina?

Hindi man lang niya napansin na wala ito kanina noong umalis sila sa bahay nito. Naisip niya na marahil ayaw na nitong makialam tulad ni Mossi na mukhang hindi na makapaghintay na makaalis sila.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon