She was shaking uncontrollably outside her house, nakayakap na ang lamig ng gabi na parang na miss siya. Kung sana na miss din siya ni Mossi ay baka nasa loob na siya ngayon at kumakain.
Dito na tumunog ang tiyan niya na parang nagproprotesta na. Kahit ang sakit ng katawan niya at lamig ng hangin ay hindi na makubli na sobrang gutom na niya.
"Gutom na ako." Naisip niya ang biscuit niya pero feeling niya hindi iyon sapat para maka survive siya ngayon lalo pa't malayo ang nilakad niya.
Napakagat siya ng labi, sabay napahiyaw dahil napalakas ang pagkagat niya. Kaya napaiyak siya sa sakit.
Kung ganito ang sitwasyon niya buong gabi. Tiyak niya mamamatay na siya rito sa lamig at gutom. At pagpatay na siya ay nangangamba siya kung anong mangyayari sa katawan niya. Ano kayang gagawin ni Aling Mossi rito? Baka mabwisit pa'to na may patay sa labas ng pintuan. Isa lang ang tiyak niya hindi siya paglalamayan ng mga taga rito. Baka nga itapon na lang siya kung saan-saan. Or worst baka sa bangin.
"Sana i-donate na lang ako sa medical school para may silbi naman ang katawan ko, or sa hospital para ma donate mga organs ko," bulong niya.
Dumaan pa ang ilang oras at ramdam na niya ang panghihina ng katawan niya, mukhang wala na siyang dadatnang umaga. This might be her last night, she could sense her end is near.
Naisip niya, hindi na'to masama, at least makikita na niya ang mga magulang niya. How she missed them. Kung alam lang nila ito. Isang mahigpit na yakap ang ipapadama niya sa kanila. Tiyak niya magiging masaya sila na makita siyang muli. Ano kayang sasabihin nila? Marahil marami silang ibabato na mga tanong tulad sa mga nagawa niya noong buhay siya. Marami siyang ikwekwento sa kanila. Tulad noong nag-aral siya sa culinary school, pagtayo niya ng sariling restaurant, at sa simpleng bagay tulad nang natuto siyang lumanggoy at pananahi.
Magiging proud sila.
Bigla siyang nahinto.
Akala niya patay na siya, subalit nararamdaman niya pa ang mabagal na tibok ng puso niya.
She shook her head. "Hindi sila magiging proud sa akin dahil..."
Nagsimula naman siyang umiyak. Naalala niya kung bakit nga pala siya hindi nakilala ni Aling Mossi sa sarili niyang pamamahay. Kung bakit humantong siya sa ganitong sitwasyon. Kung bakit wala siyang pera at mukhang aswang na.
"I can't die just yet, hindi pa ako handang makita ang mga magulang ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila."
Kaya pilit siyang tumindig, nakasigaw siya sa sobrang sakit para kasing naningas ang buo niyang katawan. Kaya muli siyang napaupo at napasandal sa pinto. Sinubukan niyang muling kumatok, nagbabakasakali na marinig siya ni Mossi. Tapos pilit niyang binuka ang labi niya pero walang boses na lumabas. Kahit ang boses niya ay iniwan na siya.
Bumagsak siya sa lupa.
Feeling exhausted and defeated she shut her eyes, this time hindi na niya pinigilan ang kapalaran niya.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...