Chapter 15

432 17 0
                                    

Maaga silang nagising dahil ngayon ang araw na tutungo sila sa may ilog. Nag-almusal sila habang pinag-uusapan ang gagawin nila pagdating sa ilog, ni walang nagbangit sa ginawa nila kagabi. Alam nilang hindi sila dapat pumanik dahil ito ang bilin ni Mossi kaya mas mabuti nang hayaan na lang ito sa nakaraan. Plus they concluded, nothing really exciting happened last night.

Maliban kay Gilo na hindi sumabay magbreakfast; he's still bothered sa mga nakita niya kagabi.

Paniwala niya mga multo iyon-- mga magulang ni Feliz.

Kung sana makausap lang niya sina Feliz at Mossi ngayon, but it was still too early, natutulog pa sila pakiwari niya.  Dahil kung may chance siya tatanungin niya sila kung ano ang nangyari sa mga magulang ni Feliz sa bahay na'to. Pero siyempre, hindi niya ipapaalam na pumunta siya sa second floor, tiyak magagalit si Mossi kaya tulad ng mga kasama niya--- ito ay magiging sekreto lang nila.

Narating nila ang ilog na tinawag na ilog Tanawan, malapad at mahina ang daloy ng tubig rito, senyales na matanda na ang ilog na'to. Napapaligiran ito ng mga kahoy na kasing tanda rin ng ilog, may mga puno na malapit sa ilog na nakaangat na ang ugat sa lupa na ginagawang upuan ng mga bumibisita rito, may puno rin na nakalaylay ang mga sanga kung saan pwede kang maglambitin rito at tumalon sa ilog.

Swerte sila ngayon dahil walang ibang bisita ang ilog, kaya ang tanging mga boses lamang na bumabalot sa katahimikan ay ang mga tawanan at sigaw nila.

Kanina pa tumatalon sa ilog sina Gabby at Jun, walang paki na minsan nalalaglag na ang shorts nila tuwing umaahon sila sa tubig para makaakyat naman sa sanga.

Dito natatawa si Clea, kasama si Ara ay nakaupo sila sa gilid ng ilog, katabi ang mga pagkain nila.

"Ano, sabayan na natin sila?" si Clea.

"Mamaya na," sagot ni Ara.

Maigi niyang pinagmasdan si Ara, seryoso ang mukha nito na madalas naman pero sa araw na'to mukhang may gumugulo sa isipan nito.

"Ara, what's wrong?"

"Wala." She knew she could tell if she's lying. Pero wala siyang planong pag-usapan ang mga nasa isip niya. Tungkol ito kagabi--- ang nakita niya.

Tiyak niya, hindi maniniwala si Clea dahil kahit siya nahihirapan na paniwalaan ang mga nakita niya.  Akala niya pag gising niya ay makakalimutan na niya ito pero nangingibabaw pa rin ito sa isipan niya ngayon.

"Tungkol ba'to kagabi?"

Nagkibit balikat lang si Ara.

"My gosh, wala namang nakakaalam na pumunta tayo sa second floor. Kaya relax ka lang. Isa pa pinagbigyan lang naman natin si Jun," sabi nito. Muli niyang tinitigan ang kasintahan kasama si Jun, nagpapaunahan sila ngayon kung sino ang pinakamabilis lumanggoy. Nangiti si Clea. "Ma mimiss ko ito."

"Ako rin." May kunting ngiti ang puminta sa mukha ni Ara.

"Kaya nga kalimutan mo na iyon kagabi, let's have some fun. Kasi next year ay graduate na tayo sa college. We'll be busy na... kaya mag-enjoy lang tayo ngayon. Kasi hindi natin alam kung magagawa pa natin 'to."

Naisip ni Ara na marahil tama si Clea, at isa pa kung nag-enjoy siya ngayon baka nga hindi na siya guguluhin noong nakita niya kagabi.

Bigla siyang tumayo at hinila si Clea.

"Unahan tayo sa ilog," sabi ni Ara.

"Ang daya mo naman, alam mo namang hindi ako kasing bilis mo."
Bumitaw si Ara at tumakbo na siya papunta sa ilog. Una siyang nakarating sa tubig. Noong lumingon siya kararating lang din ni Clea habang nakakunot ang noo nito. Natawa si Ara at lumangoy patungo sa direksyon nina Gabby at Jun.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon