Chapter 6

537 21 1
                                    

"Feliz!" Niyugyog ito ni Mossi nang mabungaran niya itong nakatulog sa sahig. "Feliz, gumising ka!"

Umungol ito bago dahan-dahang binuka nito ang mga mata. "Aling Mossi? Ikaw ba 'yan?"

"Ako nga ito Feliz... kung nahuli pa ako nang ilang oras tiyak ako patay ka na," nanginginig ang boses tapos napa sign of the cross.

Tinulungan siya ni Mossi na makaupo sa gilid ng kama.

"Akala ko hindi ninyo po ako nakilala," may pagtatampo sa boses niya na parang gusto niyang maiyak.

"Pasensiya ka na, iha... akala ko kasi... akala ko patay ka na."

"Buhay pa ba ako?" Bigla siyang kumapit sa braso ni Mossi, naramdaman niya ang malambot at magaspang nito na braso.

"Feliz, buhay ka," bigla itong naiyak at mahigpit na niyapos si Feliz, "bata ka, ano bang nangyari sa'yo? Ilang taon akong walang narinig sa'yo, ni text o sulat ay wala. Ang alam ko lang namatay ka raw dalawang taon na ang nakaraan sa isang shoot out."

Tinitigan nito si Feliz nang puno ng pag-alala. "Iha, makikinig ako, sabihin mo sa akin ang lahat."

Napakagat siya ng labi, tapos huminga ng malalim. Alam niyang hindi niya maiiwasan ang masalimuot na nakaraan niya, alam niyang noong nakapagdesisyon siya na umuwi rito ay kailangan niya magpaliwanag. At dumating na ang araw na'to.

"Feliz...kundi ka pa handa..."

"Aling Mossi, noong nag-aral ako sa Maynila, natapos ko iyon. Kaya lang nakilala ko si James, mas matanda siya sa akin ng sampung taon. Isa siyang dating ofw. Nagsama kami kasi wala rin naman akong matutuluyan kasi fresh graduate ako, ayaw ko din namang umuwi dito. Ayon, dahil may pera naman siyang naipon at ako may alam sa culinary, nagbukas kami ng maliit na restaurant. Mahirap sa umpisa ngunit dahil sa tiyaga namin ay naging mabuti ang lahat, lumaki ang kita namin, kaya lang sabay din nito ang pagka addict ni James sa sugal, kaya sa dalawang taon ako na ang nagpalakad ng restaurant habang siya naman parating nasa sugalan."

Napakumo si Feliz, may kirot pa rin tuwing naalala niya ang mga nakaraan. "Dito na nagkaleche-leche ang buhay namin. Marami siyang nautangan, kaya iyong kita namin sa restaurant nagiging pambayad lang sa utang. Akala ko kakayanin namin ang lahat, pagnabayaran na namin ang utang niya magiging okay na ang lahat. Hindi pala. Simula lang pala iyon. Halos wala na kaming kinikita kaya araw-araw na kaming nag-aaway at isang araw napagbuhatan niya ako ng kamay. I thought it will not happen again, pero naulit pa iyon nang makailang beses, and he was also accusing me na nakikipagrelasyon ako sa chef namin. Nagagalit siya dahil ako na ang bumubuhay sa amin at ako pa ang nagbabayad ng utang niya. Sa halip magpasalamat, selos pa ang ginanti sa akin. Minsan noong nag-away kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko, naalala ko ang baril na tinago niya, kinuha ko iyon dala ng takot at noong sasaktan niya ako muli ay binaril ko siya."

"Diyos ko," wika ni Mossi.

"Hindi siya namatay, Aling Mossi, sa katunayan ay pinapulis niya ako... bwisit talaga. Ang kapal ng mukha kinasuhan pa ako, frustrated homicide. Kaya nakulong ako dahil wala din naman akong pambayad ng piyansa."

"Feliz...hindi ko alam na grabe pala ang sinapit mo. Bakit hindi ka tumawag rito? Natulungan ka sana namin. Bakit mo hinayaan na makulong ka?"

"Dahil sa hiya at pride ko kaya hindi ko kayo nilapitan. Akala ko din kasi na galit kayo sa akin. Dahil matapos ninyo ako palakihin nang mamatay sina mama at papa ay ito pa ang igaganti ko sa inyo. Mabuti na lang pagkatapos ng dalawang taon napawalang sala ako."

"Salamat sa Diyos." Inabot nito ang mga palad ni Feliz. "Ano iyong shoot-out na narinig ko? Totoo ba iyon?"

"Si James lang iyon, pumasok sa illegal na pagbebenta ng mga baril, ito ang naging bagong pagkakitaan niya noong nakulong ako. Nahuli siya sa akto na nagbebenta kaya nakipaghabulan sa mga pulis. Ayon...patay na siya." May tamis sa mga ngiti ni Feliz. "Buti nga sa kanya."

"Kalimutan mo na ang nakaraan, magsimula tayo rito, itong bahay. May mga kwarto na akong pinapaupahan, at iyong dating paupahan ng mama at papa mo nandun pa rin. Kaya mabubuhay tayo rito. Kailangan lang natin i-renovate ang bahay na'to para mas lalong maraming kwarto tayong magamit para sa guest lalo na marami ng mga turista ang pumupunta rito."

"Tama ka, Aling Mossi." Unang beses na nangiti si Feliz. "Marami na talagang turista." Naalala niya iyong nasa bus terminal siya, mga turista nga ang halos karamihan doon. "Sana lang magiging malapad na din ang daan sa atin at may mga warning sa daan nang maiwasan ang mga aksidente."

"Narinigi ko nga sa radyo na may naaksidente kahapon, mabuti at hindi ang sinasakyan mo." Napa sign of the cross si Mossi.

Tumango si Feliz.

"Feliz, mabuti pa kumain ka na." Pinagmasdan nang maiigi ni Mossi si Feliz, may nagbago na dito, hindi na'to ang Feliz na pinalaki niya. Kahit man noong bata pa ay independent at rebellious na'to pero ngayon mukhang mas palaban at mature na'to kung kumilos. Hindi niya ito masisisi lalo na sa mga narinig niya. Ganun pa man, masaya siya na nakauwi na'to pagkatapos nang mahabang panahon. Hinihiling niya ngayon ay hindi na sila maghihiwalay hanggang sa huling hininga niya.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon