Hindi nakatulog si Ara, guilty pa rin siya sa pag-iwan nila kay Gilo. Dapat hindi nila iyong ginawa, pero masyadong mabilis ang pangayayari at dala ng emsoyon ay nagawa niya iyon. Ang pasalamat lang niya dahil sa guilty siya ay hindi niya naisip ang multo.
Pinagmasdan niya si Clea sa kabilang kama, malalim ang tulog nito na parang walang nangyari kagabi.
Hindi na niya ito ginising at lumabas siya sa kwarto.
Sa kusina siya dumiretso.
"Gilo?" He's the last person he expected to see this morning. Alam niya na dapat mag-sorry siya pero mas nangingibabaw ang hiya niya. Kaya umakto lang siya ng natural bago lumapit rito na nakaupo sa silya ng table counter ng kusina.
"Kamusta ang tulog mo?" tanong ni Gilo. Kalahati ay concern siya kung nakatulog ito matapos itong matakot pero kalahati niya ay wala siyang pakialam rito.
"Okay naman, surprisingly," she said. Tinapunan niya ng tingin ito pero umiwas ang mga mata ni Gilo. Sa halip, nagpatuloy ito sa pagkain.
"About last night..."
"Wala iyon," he lied. Pero feeling niya hindi niya kailangan ng explanation dahil alam niya muli nila itong gagawin. Iiwanan naman nila siya. At hindi na siya dapat magtampo dahil hindi naman sila close.
"Marami lang talagang nangyari, alam mo 'yon, my break up, our last year in college this year, this vacation. I thought simple lang lahat... I didn't expect may magpapakita na multo sa akin. I thought lang makakapagrelax ako."
Alam ni Gilo, it's her way of saying she's sorry, kaya tinatanggap ito ni Gilo dahil ganito naman palagi ang relasyon nila. Magiging mukhang close sila tapos ang ending ay uncomfortable pa rin ito sa kanyang kakayanan.
"Samahan mo na lang ako magbreakfast," sabi ni Gilo. "Dalawang itlog naman itong niluto ko."
"Dahil dalawa ang kakainin mo." Nangiti si Ara. "It's okay, mamaya na ako kakain. Plano kasi namin sa labas kami..." Natigil si Ara. Dahil hindi alam ni Gilo ang itinerary nila.
Hindi na umimik si Gilo.
"Pero after namin magbreakfast ay hahabol ka naman sa downtown, right?" pilit nitong tinuwid ang boses.
"No."
"Pero last day na natin dito. Bukas uuwi na tayo sa umaga."
"May kakausapin pa ako."
"Okay." Bigla niyang naalala na nagpapagising si Clea dahil maliligo daw ito nang maaga. "Gilo, I have to go kasi si Clea.... wait ano pala nangyari sa multo kagabi?"
Hindi niya muna sasabihin ang nalaman niya, mamaya na pagnakausap na niya si Mossi. "She's gone. Hindi na siya magpapakita sa'yo."
"Bakit?"
"Malapit na niya malaman na patay na siya."
"What? You mean to say kaya siya nagpapakita sa akin dahil baka humihingi siya ng tulong sa akin?"
"Most likely. Dahil seryoso ka na type, baka nararamdaman niya na makikinig at matutulungan mo siya. Most of all, hindi ka matatakutin kundi ka nga kinaladkad ni Jun ay alam kong hindi ka aalis."
Nagusot ang noo ni Ara. "Pero bakit hindi na lang sa'yo?"
"I don't know."
Tumango si Ara. "So ikaw ang magsasabi na patay na siya?"
"Ganun na nga." Wala siyang balak na sabihin rito na si Mossi ang maglalahad ng katotohanan kay Feliz.
"Saan mo iyan gagawin? Don't tell me, babalik ka sa mansyon?"
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...