Tahimik na naiglip ang mga magkakaibigan, kasama sa isang room sina Ara at Clea. Sa isang room sina Gabby at Jun. Samantalang nasa single room si Gilo. Unlike them he was still awake. Hindi siya pagod, hindi siya inaantok, hindi niya makuhang magpahinga. Naiisip pa rin niya ang aksidente kahapon, ang pagkakamali niya, tumingin siya sa bangin, dapat hindi, edi sana natutulog din siya.
Nalalarawan pa niya ang mga katawan ng mga biktima, nagkalasuglasog ang mga 'to, ang mga dugo nagkalat na parang may nagsaboy ng alay rito.
He just wanted to leave this room, it's too small like it's choking him, sanay siya sa malaking kwarto dahil bilang nag-iisang anak ay lahat binigay ng mga magulang niya sa kanya. Pero hindi naman siya reklamador at kaya niyang mag-adjust sa maliit na kwarto---but not this time. Kailangan niya ng sariwang hangin upang matigil siya sa kakaisip sa aksidente kahapon. Kaya tumindig siya at napagpasyahan na lumabas sa silid niya. Sumilip muna siya sa labas ng kwarto. Naisip niya mabuti na lang at hindi agad siya lumabas dahil naistorbo sana niya ang caretaker ng bahay na si Mossi at ang babaeng kasama nito.
Sino siya? Siya ba ang babaeng nakita ko kanina sa bintana?
He didn't exactly remember her face but she looked familiar. Parang nagkita na sila. Iyong maamong magandang mukha nito at ang kulay morena na balat nito. Parang siya nga iyong nakita niya.
"Siya ba iyong nasa bintana o..." bulong niya habang pilit inaalala kung saan niya nakita ang babaeng palihim niyang pinagmamasdan ngayon.
Tinulak niya nang bahagya ang pinto upang mas makita ito ng mabuti.
"I think..." he paused, bumilis ang tibok ng puso niya nang biglang tumitig si Feliz sa kanya, blangko ang mga mata nito na parang nakatitig ka sa kawalan. Ninais niyang hilain pasara ang pinto ngunit na estatwa siya.
"Ikaw pala," si Mossi, "halika sabayan mo kami rito.
Pilit siyang tumindig ng tuwid pero nanginginig ang mga tuhod niya sa hindi niya malamang dahilan. Marahil sa isip niya ay dahil nabisto siya na nakikinig sa usapan ng ibang tao.
Nahihiya siyang lumapit sa tabi ni Mossi, feeling niya mas safe siya rito dahil naalala niya ang kanyang sariling ina rito.
"Kumain ka, ikaw ba iyong Gilo?" tanong ni Mossi.
"Ako nga po... at sino po siya?" Tinitigan niya ulit si Feliz, subalit umiwas na ang mga mata nito noong mapansin nito na parang hinahagod siya ng tingin ni Gilo na para siyang mikrobyo.
"Ah...siya si Maria Feliz o Feliz, siya ang may-ari ng bahay na'to."
Hindi agad nakasagot si Gilo, dahil mahirap paniwalaan ang babaeng nasa harap niya ang may-ari dahil napansin niya na may mga pasa at sugat sa mukha hanggang sa leeg nito. Ang iniisip niya sa may-ari ay makinis ang balat at hindi ang tulad ni Feliz.
Saan kaya niya nakuha ang mga iyan?
Feliz forced a smile like she could read him. "Naaksidente ako kahapon."
Nagpanting ang tenga ni Gilo. Aksidente. Siya ba ang babae na nakita ko kahapon sa crash site? Pero...
"Nadulas siya noong pauwi na siya rito," paliwanag ni Mossi, "paano ba naman nilakad ba naman ang maputik na daan."
Bahaw na nangiti si Feliz.
Nagkaroon siya ng flashback sa katangahan niya kahapon, kung may nakakita pa sa kanya maliban kay Mossi ay tiyak na pagtatawanan siya. Dahil nagmukhang aswang siya kahapon. Hindi na niya mapigilan ang matawa.
Nakamasid lang sina Mossi at Gilo na parang unang beses lang nila makakita ng babaeng tumatawa. Para kay Mossi first time sa mahabang panahon. Para kay Gilo ang weird nito na nakukuha nitong tumawa samantalang mukhang binugbog ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...