Mataas na ang sikat ng araw na kahit nasa lilim ng mga puno si Gilo ay dumidikit na ang init ng araw mula sa kinatatayuan niya.
Nasa ilalim siya ng puno sa harap ng simbahan.
Kanina pa siya naghihintay sa babaeng tindera ng kandila, subalit hindi pa ito nagpapakita. Kailangan pa naman niya ito makausap. Kailangan niya ng sagot kung paano sasabihin sa isang tao na patay na sila, ano ang gagawin niya upang maniwala ito at paano nila ito mapapatawid sa kabilang buhay.
Nagsimula nang mangalay ang mga paa niya kaya ginalaw-galaw niya ito na parang nagpepedal ng bisekleta.
HIndi siya pwedeng umalis dito dahil kailangan niyang tulungan si Mossi at si Feliz. Wala ng bukas dahil bukas na sila aalis sa San Bernadino.
May ilang minuto pa ang lumipas nang may familiar na figura ang palapit sa kanya.
Sumingkit ang mga mata niya bago siya napangiti.
Si Ara.
Hindi man ito ang tindera ay masaya pa rin siyang makita ang pinsan, kumaway siya at sinalubong ito.
"Ara, akala ko namili kayo?"
"Namili nga, actually tapos na...namamasyal na lang kami. Nasa likod pa sila ng simabahan, may garden kasi doon nagpa picture pa kami. Kaya lang na bored na ako kaya nauna na ako. Ikaw anong ginagawa mo rito?"
"Well... may hinihintay lang." He still confused whether he should tell her the truth or not.
"Really? Don't tell me you met someone special here?"
"Hindi ganyan, iyong tindera ng kandila."
"Magsisindi ka?"
Alam niyang hindi ito maniniwala kung sasabihin niya na magsisindi siya. Hindi siya ang religious type.
"No. Kakausapin ko lang siya."
Matagal bago sumagot si Ara na parang hinihimay muna si Gilo. Finally nagsalita siya, "paranormal related ba'to?"
"Something like that..."
"Gilo, I thought tapos na tayo doon sa nagpapakita sa akin. Sabi mo kinausap mo na siya."
"Hindi pa. I think I need some advice before I do that baka kasi hindi siya maniwala sa akin kaya nga ako nandito."
Napailing si Ara. Hindi siya makapaniwala sa mga binunyag ni Gilo, all along akala niya tapos na. Hindi pa pala.
"Don't worry, matatapos ang lahat ngayong araw o bukas ng umaga."
Wala nang maisip si Gilo na sasabihin rito, alam niya na hanggang hindi pa umaalis si Feliz ay hinding-hindi mapapanatag ang loob ni Ara.
Nakahinga siya nang dumating ang mga kaibigan nito, kaya kahit sa saglit lang ay magiging magandang distraction ito sa pinag-usapan nila.
"Gilo, sayang hindi ka nakasama sa picture taking," sabi ni Clea. "Pwede pa namang magselfie doon sa garden sa likod ng simbahan."
"Okay lang ako," balik ni Gilo.
"Ano na, sa park naman tayo magpa picture?" si Gabby.
"Okay, but let's do it quick kasi maiinit na," ani Jun.
"After lunch ay bibisitahin natin ang museo dito at ang old house of the first mayor. Nasa tapat lang iyon ng museo," sabi ni Clea.
"Paano ka, dito ka lang?" tanong ni Ara kay Gilo.
"Wait! Anong gagawin mo rito?" tanong ni Clea. "Don't tell me magsisimba ka."
Nagtawanan sila maliban kay Ara.
"Hindi may hinihintay ako," sabi ni Gilo.
"Date?" nanunuyang wika ni Jun.
"Paranormal related stuffs, i think," sabat ni Gabby.
"Guys, pwede ba. Sinabi na nga may hihintayin pa siya," galit na wika ni Ara.
"So serious naman..." si Clea.
"Kayo kasi," ani Ara, "kung alam lang ninyo gaano ito ka importante ay hindi siguro kayo tatawa lalo ka na Jun."
Bumilog mga mata ni Jun.
"Ara... huwag na," sabi ni Gilo.
"No Gilo, they have to know... nakakainis kasi. FYI, hinihintay ni Gilo ang tindera ng kandila dahil baka kasi makatulong ito sa kanya dahil iyong multo na nakita natin sa Arcello House ay hindi pa niya alam na patay na siya."
Sabay bumagsak ang mga mukha nila na parang dinaanan ng rumaragasang tubig ulan mula sa bundok.
"You mean, she's still here with us?"Jun said.
"Yes at kasama natin sa bahay," sabi ni Ara.
Dito na napakapit si Clea kay Gabby.
"Bakit ngayon lang namin 'to nalaman?" tanong ni Jun.
"Dahil kagabi ko lang din nalaman," si Gilo ang sumagot.
"Sino siya? Sino ang patay na kasama natin sa bahay?"
"Si Feliz Arcello, ang apo ng may-ari ng Arcello House, iyong nakita ninyo sa mansyon. She's the dead girl. Nakatira siya ngayon sa bahay kung saan tayo tumutuloy," sabi ni Gilo.
"Bakit hindi namin siya nakikita doon? But I did see her sa mansyon," si Jun.
"Hindi ko rin alam kung bakit...pero nandun pa rin siya," si Gilo
Bigla silang natahimik lahat, tangin ang hampas ng hangin na parang humahalik sa mga puno sa park ang naririnig ngayon.
"Bakit?" tanong ni Gilo habang nasaksihan niya ang pagkatulala nila habang nakatitig sila sa may likuran niya.
"Gilo... she's here," Ara said, her voice was shaking.
"Si Ate Feliz?"
"Yes." Sabay turo nito sa likod niya.
Dito na lumingon si Gilo, feeling niya limang minuto niya ito ginawa samantalang wala pang limang segundo ang paglingon niya.
Dito tumambad sa kanya si Feliz Arcello.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...