"Gilo, wake up!"
Umungol siya ng makailang beses bago dumilat.
"Ara?"
"Ako nga... pinakaba mo naman kami."
"Bakit?" Naupo si Gilo at pinagmasdan ang kinaroroonan niya. Nasa loob siya ng kwarto niya habang pinagmamasdan siya nina Ara, Clea at Gabby.
"Hinimatay ka," sabi ni Ara. "Mabuti na lang at nakahingi ng tulong si Feliz at sakto nandun si Gabby."
Hindi alam ni Gilo kung nananaghinip pa rin siya. Kung ito ba ang panaghinip o ang kanina iyong nasa bangin siya.
"Gilo, uminom ka ng tubig," sabi ni Ara.
"Bakit ka ba sumigaw?" tanong ni Clea nang matapos siyang uminom.
Napahawak siya sa ulo niya dahil bigla itong sumakit na parang mabibiyak. Nais sana niyang balikan ang mga nangyari kanina sa second floor at ang panaghinip niya pero nang pagsabayin niya itong isipin ay feeling niya pinipiga ang utak niya.
"Magpahinga ka muna, while kami naman ay kakain muna ng dinner," sabi ni Ara.
"Iwanan na lang muna natin siya. Kailangan niya pa ng mas mahabang pahinga. Tama si Ara, kumain na muna tayo," si Gabby.
Kaya iniwan nila si Gilo. Pero bago lumabas si Gabby ay natitigan muna ito ni Gilo. Hindi niya alam kung concern ba ito o naiinis ito ngayon. Ang alam lang niya bigla siyang nakaramdam ng iba noong nagkasalubong ang mga mata nila.
Kaya hindi niya makuhang magpahinga, pinilit niyang tumayo, tapos ay binuksan niya ang pinto.
"Aling Mossi."
"Gilo, mabuti at gising ka na," bahaw na ngiti nito at nakatayo sa harap ng pintuan ni Gilo. "Kumain ka na muna. Nagdala na ako ng pagkain mo."
"Si Gabby?" tanong niya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi niya ito pinigilang umalis. May feeling kasi siya na may tinatago ito sa kanya.
"Kumain ka na lang muna ng dinner," sagot ni Mossi.
"Mamaya na po... kakausapin ko..." Nahinto si Gilo, naalala niya ang sabi nila Ara na kakain sila, kaya sasabay na lang siya sa kanila at pwedeng dito na rin niya tatanungin si Gabby. Tiyak niya kung kasama niya sina Ara at Clea ay mahihirapan itong itago ang alam nito.
"Sasabay na lang ako kina Ara, Aling Mossi," sabi ni Gilo.
"Wala sila rito," galing ang boses kay Feliz. Tumabi 'to kay Mossi kaya hindi na makalabas si Gilo ng kwarto niya.
"Sa porch ba sila kumain?" tanong ni Gilo.
Napabuga ng hangin si Feliz. "Hindi mo pa rin alam ang lahat? Gilo, wala sila rito sa bahay dahil ang mga kasamahan mo pati na ang pinsan mo ay patay na."
Gumuho ang mga tuhod ni Gilo at napaupo siya sa sahig. Tapos nanginig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa nagsisimulang lumamig ang gabi o dahil sa mga binunyag ni Feliz.
"Gilo, pasensiya ka na, ngayon lang din namin nalaman ni Feliz," sabi ni Mossi.
Pilit tumayo si Gilo kahit pa parang jelly sa lambot ang mga paa niya na feeling niya any minute he'll collapse.
"Si Jun lang ang patay," sambit niya.
"Gilo, kasama sila lahat sa aksidente. Nakasakay sila sa iisang van," si Feliz.
"Hindi iyan totoo..."
Natahimik sina Mossi at Feliz.
Hinayaan nila si Gilo na iproseso ang lahat.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...