Besty Point of View...
"Tita kumain ka muna. Ako ng bahala kay daddy," Lumingon sya sakin na namumugto ang dalawang mata. Kitang-kita sa mata niya ang pagod.
"Mamaya na Jun, kailangan kong bantayan si Jenry." hawak-hawak niya kamay ang ni daddy habang umiiyak ito. Nasasaktan ako. Sobrang sikip ng dibdib ko ngayon.
Naaksidente si daddy dahil daw nawalan ng preno ang kanyang kotse. Ang sabi ng mga pulis at investigator ay aksidente lang ang nangyari. Walang nag tangkang pumatay kay daddy dahil wala rin naman syang kaaway.
Tatlong araw ng tulog si daddy. Tatlong araw na ring nagluluksa si tita Belle at araw-araw ay umiiyak.
Pagkatapos ng nangyari noon ay nagkaayos si ni mommy Shina at tita Belle. Bumalik si daddy kay tita Belle at umuwi na rin si mommy Shina sa America.
"Tita baka kayo po ang manghina niyan. Dapat po tayong mag pakatatag. Magiging Okay rin ang lahat tita." lumingon sya sakin na malungkot. Tila pagod na pagod.
"Okay lang ako Jun, kaya ko pa. Hihintayin ko lang si nakey. Nasan ba sya?" kunot noo niyang sambit na may pagod.
Nasan na ba yung babaeng 'yon? Umalis sya at kanina pa. Si Justin naman ay nasa resort dahil may inaasikaso sandali. Ngayon pa talaga sya mawawala kong kailan mas kailangan sya ni tita Belle.
"Tatawagan ko nalang po tita. Sandali lang po, babalik din ako agad." saad ko saka kinuha ang cellphone sa bag. Lumabas ako ng silid. Dali-dali kong kinontak si Nicole.
Nicole Dialing...
Nakakailang tawag na ako sa kanya ngunit hindi niya parin sinasagot. Mariin akong napapikit at nagtitimpi. Nagagalit na talaga sa puntong 'to. Bakit bigla-bigla syang nawawala dito?
Napamura ako saglit. Lowbat na pala ako pambihira naman to oh. Si Bleina try ko ngang tawagan.
Bleina Dialing..
"Hello? Bakit ka napatawag?"
"Nasan ba ang maganda mong bestfriend? Magkasama ba kayo ngayon?" naging iritasyon ang tono ko.
"Hindi ko sya kasama girl, bakit ba?" naging iritasyon din ang kanyang boses.
"Kailangan sya ng mommy niya," bagsak boses kong sabi na ikinatahimik niya.
"Okay girl try kong tawagan, sandali."
Mas lalo akong nagalit. I'nend niya agad ang tawag, bastos talaga
'tong babae na to. Kaya hindi kami magkakasundo kahit kailan.Napagdesyonan kong bumalik sa loob saka tinignan si tita. Nakatulog sya habang hawak-hawak ang kamay ni daddy. Napasinghap ako. Kahit na anak lang ako sa kapatid ni mommy Shina ay napamahal na din sakin si daddy Jenry, hindi sya naging iba sakin.
Lumapit ako kay tita saka sya kinumotan. Magiging okay rin ang lahat tita Belle. Alam kong pagsubok lang ang mga ito, nandito lang ako palagi sainyo.
Ngayong alam ko na ang lahat, mas lalo pa kitang sasamahan araw-araw at babantayan.
***
Bleina Point of View...
Kanina pa ako nag hihintay sa mabahong bodega na 'to. Bweset! Walang kwentang mga taohan. Isang mahina at bobong babae na takasan pa sila? Mga mangmang.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Teen Fiction-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...