KABANATA 21 (The new Nicole)

12.8K 299 0
                                    

Nicole Point of View


"Sigurado ka ba talaga sa disesyon mong 'yan, Nicole?" tanong sakin ni Ann. Tumango lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng aking kamay. Matagal ko na itong pinag-isipan.


"Na book ko na yong flight natin papuntang Korea. Bukas na bukas ay aalis tayo." Singit ni tito sa harapan namin. Nandito kami sa office niya sa bahay.


"Kong ganon? Omg im so excited talaga. I can't wait to see your transformation." Sumulyap ako kay Ann na sobrang saya. Halos tumalon sya sa tuwa.


"Gusto kong mabawi ang pamilya ko. Gusto kong parusahan kong sino man 'yong babaeng nag papang-gap bilang ako." kinuyom ko ang kamao ko sa galit. Maging ang puso ko ay naninigas sa galit.


"Nicole," Lumingon ako kay tito Shivyer na ngayon ay naging ma awtoridad. "Tutulongan kita para mabawi ang pamilya mo pero sana sa pagbalik mo sa kanila ay mangangako kang hinding-hindi ka maghihigante."  yumuko ako sa sinabi ni tito shivyer. Ayaw kong maghigante pero ito yung nararamdaman ng puso ko. Kailangan kong gantihan ang babaeng sumira sa pamilya ko pati na si Bleina.

Marahan akong pumikit.


"Hindi ko alam tito, pero hindi ko mapapangako. Sobrang sakit lang kasi ng ginawa nila." umiwas ako ng tingin sa kanya. Sarkastiko ngunit ito ang gusto kong mangyari.


"Huwag kang mangako, gawin mo." hinawakan niya ang kamay ko saka ko sya tinignan ulit. "Alam kong mabait kang bata nakikita ko iyon." Mariin akong pumikit sa sinabi niya.


"I cant imagine na may mga tao palang ganyan. Nag papanggap bilang ikaw, ang hirap lang kasing iproseso sa utak. Gosh para nasa teleserye lang tayo." Singit ni Ann sa iritasyong tono. Hindi ko magawang sagotin sya dahil maging ako ay wala ring alam sa nangyayari. Sumulyap ako kay tito Shivyer.


"Tito alam kong kaya mo akong tulungan, nagpapasalamat ako sayo ng sobra. Gusto kong bumawi sainyo ni Ann." palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Umiling si tito Shivyer.


"Hindi mo kailangang bumawi. Sapat na sakin ang mabawi mo ang pamilya mo Nicole." Tumango ako sa sinabi niya.

Kagabi ko pa to iniisip at siguradong-sigurado na ako sa plano kong to. Maging si tito Shivyer at Ann ay walang alam sa gusto kong mangyari.








***

Maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit ko. Hindi naman madami ang damit ko kaya iisang bag pack lang ito. Binigyan rin naman ako ng kaunti ni Ann, kaya sobrang nag papasalamat ako sa kanya.

Kahit niluko at sinaktan ako ng ibang tao ay nakatagpo naman ako ng dalawang tao na tinanggap at minahal ako. Kahit hindi nila ako ka anu-ano ay hindi nila ako pinabayaan.

Naputol ang imahinasyon ko ng may kumatok sa pintoan.

"Miss Nicole, hinihintay na po kayo ni sir sa ibaba." Si Mena. Dali-dali kong pinulot ang bag ko saka sumabay sa pagbaba ni Mena.

"Are you ready?" Ngiting wika ni Ann sakin. Tinangoan ko lang sya bilang sagot. Kaya ko 'to, at handang-handa na ako sa mga disesyon ko.

"We have to go," singit ni tito. Lumapit agad ako sa kanya.


"Tito pwede po bang humingi ng pabor?" walang ekspresyon niya akong tinignan.


The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon