Besty Point of View
Kanina pa ako nakatingin kay Bea habang nasa harap sya sa kabaong ni Mark.
Nasasaktan rin ako dahil naging kaibigan ko si Mark. Binaling ko ang tingin kay Nicole na walang ekspresyon ang mukha. Hindi ko alam kong anong nararamdaman niya ngayon dahil naging kababata niya si Mark, ngunit kahit bahid ng luha ay wala akong nakikita sa mata niya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya lumingon sya sakin na malungkot.
"Okay ka lang?" Marahan kong tanong. Umiling sya!
"Ma mimiss ko si Mark Besty." Malungkot niyang sagot. Agad kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ma mimiss din kita Mark.
"Magiging okay rin ang lahat dam. Laban lang, alam kong malalagpasan din natin ito." Mariin akong pumikit. Hindi sya sumagot at narinig ko nalang ang pagbuntong hininga niya.
Papalapit samin si Bleina na may dalang kape at tinapay.
"Banyo muna ako saglit," Si Nicole saka ito tumayo at lumapit saglit kay Bleina. Hindi ko na narinig ang usapan nila at tila nabubulongan. Hindi ko nalang 'yon pinansin.
Tumabi sakin si Bleina na malungkot.
"Kawawa naman si Bea," Nguso niya.
"Mahal na mahal niya si Mark. Sigurado akong mag babayad ang may gawa nito." Galit kong sagot kaya napalingon sya sakin. Hindi sya sumagot at mas piniling tumahimik nalang.
Nagtungo ako sa banyo dahil dinadalaw narin ako ng antok. Kailangan ko munang manghilamos para mawala ang antok. Nasa mens room na ako nang may narinig akong sigawan sa loob ng girls room. Tila may nag-aaway sa loob. Kinabahan ako kaya agad kong itinulak ang pintoan.
Tumambad sakin si Nicole na may pinapagalitang babaeng matanda.
"Hindi ka kasi nag-iingat!" Sigaw ni Nicole sa babae kaya agad akong lumapit sa direksyon nila.
"Ano nangyari?" Tinulongan ko si Nicole pulitin ang mga gamit niya sa sahig.
"Patawad po talaga ma'am," Paulit-ulit na yuko ng babae.
"Umalis kana," Sigaw ni Nicole kaya agad lumabas ang babae. Napailing ako at minabuting tulongan si Nicole. Hindi ako makapaniwala na sisigawan niya ang matandang iyon.
"Hindi kasi nag-iingat eh. Ayan tuloy nabasag pa ang ilang make-up ko." Bulyaw niya habang pinupulot ang mga nawasak niyang make-up.
Bigla akong napahinto sa pagpulot ng mga gamit niya ng may naaninag akong ID. Naningkit ang mata ko. Pinulot ko iyon saka sinuri. Bigla niyang hinalbot sakin kaya napasulyap ako sa kanya.
"Madam bakit may ID ka ni Sammantha?" Kunot noo ko. Dali-dali syang tumayo. Tila nag-kaumbabaga ang kilos niya
"Diba matagal na natin syang hinahanap? Ginagamit ko 'to para mag hanap ng impormasyon tungkol sa kanya," Galit niyang sagot. Hindi ko sya maintindihan dahil bigla-bigla nalang syang nagagalit eh nagtatanong lang naman ako. "Bumalik na tayo dun." Nauna syang lumabas at iniwan akong nagtataka. Umiling nalang ako saka sumunod.
Nagtungo ako kina tita Belle at mukhang may kasama syang lalake. Familiar sakin ang lalaking ito. Dali-dali akong lumapit sa kanila.
"He is inspector Cody Koronel. Sya ang assign sa kaso ni Mark," Pahayag niya kay Justin at Zin.
Nakinig nalang ako sa pinag-usapan nila. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinahanap si Nicole. Nakita ko syang nag mamadaling lumabas ng Morque.
Saan sya pupunta? Bakit hindi manlang sya nag paalam sakin, gaya nang ginagawa niya noon.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Teen Fiction-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...