KABANATA 51

11.2K 252 17
                                    

"labs," Umiiyak sya habang yakap-yakap ni Justin. "Sinasaktan nila ako. Pinagtutulongan nila akong lahat. They hurting me!" Napailing ako sa galit. Bawat patak ng kanyang luha ay parang totoo.

"Hindi yan totoo. Sinungaling yang girlfriend mo!" Bulyaw ni Ann. Walang ekspresyon si Justin na nakaktitig samin. Halos hindi sya makapagsalita.

"Look at this labs... look all this pictures,"  Isa-isa niyang ipinakita ang mga larawan kay Justin. Maging si Bea at Besty ay nagulat sa nakita. Hindi sila makapaniwala. Isa-isang tinignan ni Justin ang mga larawan. Kitang-kita sa mata niya ang galit.

"Sinisiraan ka niya sakin. Nilalandi ka niya para maagaw sakin. Para magkasira tayong dalawa para e break kita," Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Naikuyom ko ang aking kamao. Parang may bumara saking lalamunan at ayaw akong pasalitain. Nanatili akong umiiyak.

Mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa titig niya sakin. Nasasaktan ako dahil ibang tao ang nakikita niya sakin. Humagol-gul ako ng iyak habang nakahawak saking dibdib. Sobrang sikip ng dibdib ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Nagsisinungaling lang sya, hindi totoo ang mga sinasabi niya.

Lumapit sakin si Justin na may malalim na mata.

"Totoo ba ang lahat ng to?" Itinaas niya ang larawan at inilapit saking mukha. "Totoo ba ang lahat ng to?" Sigaw niya kaya napa pikit ako. Ramdam ko ang mainit kong luha.

"Hindi yan totoo Justin. Nag-sisinungaling yang ahas mong girlfriend," Sambit ni Ann na ikinalingon ni Justin.

"Hindi ikaw ang kausap ko," Pag-babanta ni Justin kay Ann. Binalik niya ang tingin sakin na galit na galit. "Sagotin mo ako Monica, totoo ba ang lahat ng 'to?" Sigaw niya rason kong bakit ako napaatras. Nanghihina ang buong katawan ko. Ibang-ib si Justin ngayon, ibang-iba sya magalit.

"Tama na dude. Pwede naman nating pag-usapan ito sa ibang lugar diba?"  Siingit ni Kevin sa likuran ko.

"Huwag kang makialam dito, Kevin." Pag-babanta ni Justin habang ang tingin ay nanatili sakin. Napadpad ang tingin ko kay Impostor sa likod niya na ngumingiti.

"Ano Monica? bakit hindi ka makasagot?" Giit niyang tanong ulit. Agad kong pinunasan ang mga luha saking mata.

"Hindi yan totoo," Mahina kong sagot.

"Sinungaling!" Sabay non ay ang pagtapon niya ng mga larawan saking mukha. Napaatras ako sa ginawa niya. Umiiyak akong nakapikit. Sinasaktan na ako ni Justin at lagpas na sya sa limitasyon sa pananakit sakin. Humagulgol ako ng iyak habang tinatakpan ang bibig. "Sinungaling ka!" Turo niya sakin. "Pagkatapos kitang tulongan, pagkatapos kitang kaibiganin. Ito lang pala ang igaganti mo!?" Bahagya akong napayuko. "Pinahiya mo ko sa lahat. Tapos gusto mo kaming sirain ni Nicole? Anong klaseng babae ka?Gumagawa ka pa ng mga kwento at itong mga larawan na 'to ano 'to? Fuck, Monica hindi kita gusto!" Mura niya bago ako tinalikuran. Naramdaman ko ang kamay ni Kevin saking balikat. Halos hindi ako makahinga sa kakaiyak. "Yang mga larawan na yan? Yung pag-kawala mo sa bundok? Isa rin ba yun sa mga plano mo? huh!?" Bulyaw niya. "Pano mo nagawa samin ito? Pinatanuyan mo narin sa ibang tao na tama ang kanilang iniisip tungkol sayo, you prove them right!" Nakagat ko ang aking labi sa kakaiyak. Ang sakit-sakit. Halos hindi ko na kilala si Justin ngayon. Ibang-iba na sya sa kilala kong Justin noon.

Hinabol-habol ko ang hininga ko sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. Halos hindi ko na sila makita dahil sa agos ng aking luha. Sobrang sakit! Sobrang sakit! Lumapit sya sakin na may galit sa mukha.

"Ayaw na ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo. Huwag ka ng mag papakita sakin." Huli niyang sabi bago ako tinalikuran at hinila si Impostor palabas ng cafeteria.

Bumagsak ang katawan ko na agad namang naisalo ni Kevin. Napaupo ako sahig dahil sa sakit. Hindi ko pinapangarap ang magandang mukhang 'to. Ang gusto ko lang naman ay bumalik sakin ang mga taong mahal ko. Hindi ganito! Hindi sa ganitong paraan.

Napahilamos ako sa mukha. Nananakit narin ang ulo ko sa kakaiyak.

"Monica tama na," Iyak ni Ann habang hinimas-himas ang likod ko. Gusto kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas para tumayo. Tumakbo ako palabas ng cafeteria ng walang paalam. "Monica saan ka pupunta?" Si Ann.

Mabilis akong tumakbo habang hinahawi ang mga luha saking mata. Humihikbi ako sa kakaiyak. Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit na talaga! Dinig na dinig ko pa ang mga bulong ng mga studyante sa buong paligid. Gusto ko ng mamatay sa sakit. Sobrang bigat ng damdamin ko. Para akong sinaksak ng madaming kutsilyo. Napahiya ako sa buong campus, nagalit sakin si Justin. Kinamumuhian na ako ng lahat pati si Besty.

Pinagtatawanan nila ako na para bang isa akong basura sa paningin nila. Tama si tito Shivyer. Kong idadaan ko sa paghihigante ay siguradong ako lang din ang masasaktan.

Napahinto ako sa labas ng gate at dun mas lalo akong umiyak. Nanghihina na ang katawan ko. Nanghihina na ang tibok ng puso ko.

"Monica," Inangat ko ang ulo ko at bumungad sakin si Jerick. Nanlaki ang mata niya sa gulat kaya agad akong tumakbo patungo sa kanya habang umiiyak parin at niyakap siya ng mahigpit.

"Jerick," Paos ang boses ko. Wala na akong boses para mag-salita pa. Pagod na pagod na ako sa lahat. Hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya at humagolgul sa kanyang balikat.

"Anong nangyari sayo," Hinimas-himas niya ang likod ko.

"Ialis mo ko dito Jerik. Ialis mo ko dito please," Mahina kong suhestyon. Sobrang bigat ng mata ko at gusto ko ng pumikit.

"Don't worry I'm here. Hindi ko hahayaang masaktan ka nila ulit. Hinding-hindi ka na nila masasaktan Monica. I promise," Panigurado niyang sambit. Mas lalo ko syang niyakap ng mahigpit.

"Gusto ko ng magpahinga, Jerick." Bulong ko. Dahan-dahan niya akong binuhat at ipinasok sa kotse niya. Kong hindi sya dumating ano na kaya ang nangyayari sakin?

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon