KABANATA 62

14.3K 268 7
                                    

"Bea alam mo ba yang pinagsasabi mo?" Si Kuya Zin na pabalik-balik ang lakad sa harap namin. Humagul-gol ako ng iyak.

"I can't believe this," Maarteng saad ni Mary. "Si Monica ay si Nicole?! pano nangyari yun? Gosh!" Maging ako ay hindi ko alam kong pano nangyari 'yon. Ang dami kong katanongan na hindi maisasagot ng aking sarili.

"Ex-fiance ko si Sammantha." Nagulat kami sa sambit ni Jerick. Literal kaming nanigas sa sinabi niya.

"Alam mo ba kong bakit ginagawa ito ni Sammantha!?" Iritasyong tono ni Kevin. Sobrang sakit ng ulo ko sa kakaisip ngayon.

"Hindi ko rin alam. Hindi ko nga aakalaing magagawa niya ang bagay na 'to. Pero nakikita kong natamaan talaga siya kay Justin kaya nakakagawa sya ng masama." Eksplenasyon ni Jerick.

"Matagal ng pinagsik-sikan ni Sammantha ang sarili niya kay kuya. Kilalang-kilala ko sya simula pa noon. Gagawin niya ang lahat kahit na ikasira ng buhay niya. Naalala ko nga noon. Pati first love ni kuya ay sinisiraan niya." Sambit ko na ikinatahimik nilang lahat.

"Si Lovely Berynel?" Sambit ni Mary. Kaklase namin sya noon. Pero hindi na namin alam kong nasan na sya ngayon. Simula nong mag-hiwalay sila ni kuya ay hindi na sya nagpapakita samin.

"Shit!" Mura ni Kevin habang nakapahilamos. Nakuha niya ang atensyon naming lahat. "Hindi ko ma contact si Monica at Ann," Dugtong niya kaya mas lalo akong kinabahan. Maging si kuya ay hindi rin ma contact.

"Masama ang kutob ko. Baka may ginawang masama si Sammantha sa kanila." Halos umiyak si Mary kaya tumabi ako sa kanya. Nagyakapan kami sa kaba. "Naging kaibigan ko si Monica kahit siya pa ang totoong Nicole," Dugtong niyang may pag-sisisi.

"Kailangan nating gumawa ng paraan." Sambit ni kuya Zin na ikinatahimik naming lahat.

"Kailangan kong hanapin si, Monica." Aakmang aalis si Jerick nang hinila sya ni Kevin.

"Nababaliw ka na ba? Saan mo naman sila hahanapin? Maging ako ay gusto kong hanapin si Ann pero hindi natin alam kong nasan sila." Iritasyon ni Kevin. Hindi ko alam pero matagal ko ng napaghahalatang may gusto sya kay Ann. Hindi ako sigurado!

Napasinghap ako sa pag-aalala.

"Si tita," Agad akong tumayo ng maalala ko si tita Belle. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit? Anong meron kay tita Belle?" Tanong ni Mary.

"Kailangan nating puntahan si tita Belle." Natataranta na ako habang sinasabi yun. Naalala ko ang text sakin ni Sammantha.

"Mary turn on the Tv." Sambit ni Cris saka dali-daling binuksan ni Mary ang telebisyon.

"May malaking pagsabog sa street ng Zone-8 sa subdivision nang nueveja. Isang bahay ang sumabog at pinag-alamang may malaking bomba sa loob nito. Nasugatan ang isang babaeng may-ari ng----"

Agad kong pinatay ang television kaya sabay silang napatingin sakin. Ayaw kong taposin dahil nangi-nginig na ako sa takot!

"Bahay ni tita Belle ang sumabog, pinagbantaan ako ni Sammantha. Papasabogin niya ang bomba sa bahay ni tita pag nalaman niyang nag sumbong ako sainyo." Napaupo ako bago humagul-gol.

"Kailangan nating umalis agad." Tumayo si kuya Zin.

"Sasama ako babe." Si Mary.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon