KABANATA 46

14.7K 281 8
                                    

Monica Point of View

Nakatunga-nga ako sa harap ng salamin habang niyayakap ang dalawang tuhod. Nilalaro ko ang aking cellphone na wala sa sarili.


Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. Nasasaktan ako ni Justin. Nagagalit at naiinis ako sa ginawa niya. Naging mahina ako nong mga oras na 'yon. Hindi ko alam kong pano ipapaliwanag sa kanya ang totoong nangyari. Kong bakit napunta ako sa lumang building na iyon.

Pero bakit sya pumunta sa lumang building? Hindi ko maintindihan at kagabi ko pa ito iniisip. Bakit sya nandon? Bakit alam niyang nandun ako? Pareho kaya kaming may natanggap na message? Pero sino naman ang gagawa nito samin? Hindi naman siguro si Impostor dahil nakatali si Justin sa babaeng 'yon.

Hindi ko pa na ipapaliwanag kay Ann ang totoong nangyari kahapon dahil hinatid agad ako ni Jerick dito sa bahay. Pagdating niya kahapon ay nagtulog-tulogan ako kaya hindi kami nakapag-usap dalawa.

Umugong ang malakas na tunog mula sa pintoan. Dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sakin si Ann na nakangiti. Pumasok sya at tumabi sakin.

"Anong nagyari kahapon? Sabi ni Kevin ay hindi ka raw bumalik sa klase?" Mahina at kunot noo niyang tanong.

Kaya nagsimula akong magkwento kay Ann. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari kahapon. Halos mag alboroto ang kanyang bibig sa galit.

"Grabe ginawa talaga 'yon ni Justin?" Kanina pa sya nagmumura sa galit.

"Ewan ko Ann kong bakit sya nandon," ani ko.

"Siguradong si Impostor ang may  pakana ng lahat," Nakapamewang niyang sagot. "Gusto ko syang kalbohin Monica. Gusto ko na syang ibabad sa zonrox o kaya ilagay sa washing machine," Dugtong niyang galit na galit. May side sakin na natatawa at side na nalulungkot at nasasaktan.

"Hindi ko alam kong si Impostor ang may gawa non. Pero di niya naman siguro ipapahamak si  Justin diba?" Natahimik sya sa sinabi ko. Napaisip sya at tila nag-tataka rin tulad ko. Ilang segundo kaming natahimik.

"Tika diba ngayon ang fieldtrip nyo? Bakit hindi ka pa ready?" Taas kilay niya.

"Oo pero maaga pa naman saka alas nueve pa ang byahe namin," Singhap ko. Parang nawala ako saking mood.

"Edi magkikita kayo mamaya? Anong balak mo?" natigilan ako sa sinabi ni Ann.

"Ewan..... hindi ko alam! Siguro hindi ko sya papansinin o kaya kakausapin. Galit ako sa kanya," Sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ko kayang kalimutan ang nangyari kahapon.

"Talaga lang huh? How about the kiss? Hindi kaba nag enjoy?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Ok sorry nag jo'joke lang naman ako," Tawa niya sabay ng pag-tunog ng aking phone.

From Jerick:

Text mulang ako kong mag papasundo kana.

Napangiti ako sa message ni Jerick. Alam niya kasing fieldtrip namin ngayon at nag-usap na rin kami kagabi kaya nagpupumilit na ihatid ako kahit sa school lang. Ang dami niyang tanong sakin kahapon, kong bakit napunta ako sa lumang building at kong bakit nandun si Justin. Hindi ko sya magawang sagotin dahil umiiyak ako non, hindi nalang niya ako pinilit.

"Sinong nag text?" Taas kilay ni Ann, habang sinisilip ang phone ko.

"Si Jerick susundoin ako mamaya," Ngisi ko. Parang nawala nalang bigla ang masakit kong nararamdaman.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon