Justin Gier Point of View
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi parin bumabalik si Monica. Bigla nalang kasi syang nagmamadaling umalis kanina.
Nakita kong panay pindot si Kevin sa kanyang phone at sigurado akong si Monica ang tinetext niya ngayon. Rinig na rinig ko pa ang bawat mura niya habang nasa klase. Bakit ko nga ba iniisip ang babaeng 'yon? Hindi ko alam dahil pakiramdam ko ay nag-aalala ako sa kanya. Pakiramdam ko ay parang hindi ako mapakali.
Umiling nalang ako saka binaling ang tingin kay Nicole. Nakangiti ito sakin ngayon.
"Hatid na kita sa susunod mong klase," Tumango sya saka niya ipinulupot ang kanyang kamay saking braso.
Nakapamulsa ang isa kong kamay habang ang isa ay hawak niya. Naglakad kami sa lobby patungo sa next subject niya. Kilalang-kilala na kami sa school na 'to bilang isang True lovers. Yon ang palagi kong naririnig sa mga studyante dito.
"Hanggang dito lang ako labs," Agad niyang hinawakan ang batok ko at hinila ako papalapit sa kanya at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako dahil nagawa niya iyong kahit maraming studyante sa paligid.
Tinalikuran niya ako pagkatapos niyang kumaway sakin.
Mahal na mahal ko si Nicole. Unti-unti narin akong nasasanay sa bawat kilos at pananalita niya. Sabi nga nila pag mahal mo ang isang tao, wala ka ng pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Kahit na medyo may pagkamaldita sya at moody ay nanatili parin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sa mundong to walang sigurado. Pero si Nicole ang mundo ko at sya ang nagbago sa buhay ko, at isa lang ang sisiguradohin ko mahal ko sya at hindi iyon magbabago.
Lumingon sya sakin dahil hindi pa ako umaalis sa kinatatayuan ko ngayon. Suminyas sya at tinaasan ako ng kilay kaya agad akong umalis na nakangiti. Sa sobrang taas ng imahinasyon ko ay nakalimutan ko palang nasa labas pa ako ng classroom niya.
Pumasok ako sa History class namin ngunit pagdating ko ay wala parin si Monica. Bakit ko ba sya hinahanap?
Umiling nalang ako at umupo. Dumaan ang ilang segundo, minuto, oras ay wala parin si Monica. Nasan ba sya? Huwag mong sabihin nag ditch at nakipag date? Nakakatawa.
Hanggang sa matapos ang klase ay kanina pa ako balikwasa. Parang may mali sa kinikilos ko at hindi ko alam kong ano ang mga ito. Agad akong tumayo saka nagmamadaling lumabas ng silid. Hindi pa ako nakaabot sa pintoan ng biglang mag vibrate ang phone ko.
From: Unknown number
Labs.......help me! Nandito ako sa lumang building. Please labs natatakot na ako dito.
Bigla akong kinabahan sa kinatatayuan ko ngayon. Isa lang naman ang numero ni Nicole pero bakit ibang number ang ginamit niya? Nawala ako saking isipan. Agad akong tumakbo palabas ng building at dumaan sa ground para tumungo sa kabilang lumang building. Kumiripas ako paakyat ng hagdanan at sa-isa kong tinignan ang mga lumang silid ng building.
Nanginig ako sa galit at takot na baka na pano si Nicole. Mahal na mahal ko sya at kong sino man ang mananakit sa kanya ay sisiguradohin kong malalagot sakin.
"Tulong nandito ako, tulong"
Agad akong tumakbo patungong huling silid ng marinig kong sumigaw-sigaw si Nicole mula roon.
Alam kong boses niya iyon.
Tumalon ang puso ko sa kaba baka kong anong nangyari sa kanya.
Napahinto ako sa nakita. May kadena ang pintoan? Sinong may gawa nito? Bakit niya ikinulong si Nicole dito? Naikuyom ko ang aking kamao, kong hindi ako nagkakamali ay si Monica ang may gawa nito. Kaya pala nawala sya kanina dahil pli'nano niya ito.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Teen Fiction-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...