KABANATA 28

14.2K 314 6
                                    

Kanina pa daldal ng daldal si Ann tungkol sa upcoming aquintance party namin. Kanina pa sya nagsasalita na para bang ayaw na niyang tumigil sa kakadatdat sa harap ko. Excited na excited na kasi sya sa susuotin niya sa gabing iyon.


"Monica may nagyaya na ba sayo?" napasulyap ako sa kanya na wala sa sarili.


"Wala pa naman, pero hahanap ako."  ngumunguya kong sagot. Escort? Ewan ko lang, parang ayaw kong dumalo sa mga ganyan. Nag-iisip pa kasi ako sa mga plano ko.


"Ikaw pa talaga ang maghahanap? Omg sa ganda mong yan? Gosh Monica, bakit di mo nalang yayain si Justin?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nag jojoke ba sya?

Bigla akong napaubo na wala sa oras.

"Hehehe im sorry. Nakalimotan kong girlfriend niya pala ikaw, I mean yung nag papanggap na ikaw."Natatawa niyang wika. Ngumuso ako.


"Tara na nga baka ma late pa tayo," tumayo ako bago nagpunas ng bibig. Nabilaukan tuloy ako sa pinagsasabi niya ngayon. How come magyaya ako kay Justin? Nakakatawa!


"If I know change topic,"  Nang-aasar niyang wika. Umiling ako saka na pagdesyonang tumahimik nalang.
















***

Ganon parin ay walang nagbago araw-araw sa loob ng school. Naglalakad kami ngayon sa lobby at walang pinagkaiba lahat ng nadadaanan namin ay napapatingin. Kong ano man ang nasa isip nila ay ngyon ay hindi ko na yon problema.

Lumaki ang ngiti ni Ann ng papalapit si Drake samin.


"Babe," Humalik si Ann sa pisnge ni Drake. Sa totoo lang ay naiinggit ako ngayon, naiinggit ako dahil naalala ko ang nakaraan namin ni Justin.


"Anong first subject mo? Hatid na kita," tanong ni Drake.


"Sigurado ka ba? Medyo malayo 'yong department ko sa department mo babe, baka mapagod ka pa eh." ngusong suhestyon ni Ann. Nakangiti akong pinapanuod ang dalawa. Sobrang cute nilang tignan.

"Babe pano ako mapapagod eh kasama ko ang nagpapalakas sakin." kinilig si Ann sa sinabi ni Drake, maging ako ay natawa dahil sa totoo lang nakakakilig silang tignan.


"Alam nyo guys nilalanggam na kayo dyan. Mabuti pa eh mauna na ako sainyo." singit ko sa kanila. Sabay silang natawa sa sinabi ko. "Anong nakakatawa?" dugtong ko.


"Sorry nakalimutan naming andyan ka pala," peace sign na saad ni Ann. Tinaasan ko sya ng kilay.


"Okay lang sanay naman akong nakakalimutan," nguso kong sagot. Natawa si Drake habang kinakati ang kanyang batok.


"Seryoso? Nakakahiya naman sayo, pasensya na." sa puntong ito ay ako ang natawa sa reaksyon ni Drake. Tinapik ko ang braso niya.


"I-Ikaw tong seryoso eh. Nag jo'joke lang naman ako, ikaw talaga." halos humalakhak ako pagkatapos sabihin iyon. "Sige na maiwan ko muna kayo. Bye sweet couple!"agad kong kinawayan ang dalawa ng patalikod. Hanggang sa pag-alis ko ay natatawa parin ako sa dalawa.

Masayang-masaya ako para sayo Ann. Mahal na mahal ka ni Drake at nakikita ko iyon.







***

Wala sa sarili akong umakyat ng hagdanan. Nasa third floor kasi ang locker at kailangan kong kunin ang libro ko sa susunod kong subject.

Bigla ko nalang naalala si Justin sa hagdanan na 'to. Dito niya ako unang hinalikan, dito ako unang nainlove sa kanya. Hindi ko alam kong bakit bumigat ang damdamin ko ngayon. Sobrang sakit pero kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. Pahina ng pahina ang paakyat ko na tila pinapahina ako ng puso ko.


The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon