KABANATA 60

12.7K 254 10
                                    

Bea Point of View

Nagmamadali akong umuwi nang Pinas dahil sa natanggap kong text galing kay Mark. Kanina ko pa hinihilot ang dalawa kong kamay sa kaba at nginig na nararamdaman. Hindi ako makapaniwala pero hindi rin naman magagawang mag sinungaling sakin ni Mark. Anong motibo niya para sabihin sakin iyon? Natatakot ako sa maaaring reaksyon nilang lahat.

Nasa eroplano palang ako ay panay ang silip ko sa bintana. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang lahat nang ito. Pati ba naman sa totoong buhay? Kanina pa ako umiiyak sa plane. Gusto ko ng makarating agad at kausapin si Mark.

Nang lumanding na ang plane sa Pinas ay walang pag-alinlangan akong tumayo. Kanina pa ako kinakabahan at hindi ko alam kong bakit. Bago pa ako nakalabas ng plane ay tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa. Binasa ko ang lahat ng mga text galing kay kuya Zin, at sa mga kaibigan ko. Panay halungkat ko sa phone habang papalabas ng Aiport.

From: Mary

Bea huwag ka sanang mabibigla. Bea mag pakatatag ka please. I'm really sorry Bea, pero wala na si Mark.

Napaluhod ako sa Airport at nabitawan ang dala kong bag. Halos binagsakan ako ng malalaking bato sa text ni Mary. Humagulgol ako ng iyak habang nakakapit sa dibdib ko. Nawala ako sa sarili! Parang gumuho ang mundo ko. Nawawalan ako ng hininga at tila nababaliw.

"Ma'am are you okay?" Lumapit sakin ang isa sa mga gwardya sa Airport saka ako tinulongan nitong tumayo. Nanatili akong umiiyak na wala sa sarili. Itinaas ko ang kamay ko sa gwardya bilang pagbitaw at paglayo sakin. Binitawan niya ako na may pagtataka.

Nagsimula na akong maglakad na wala sa sarili. Nakatulala ako habang hinahayaang tumulo ang bawat patak ng mga luha saking mata.

Nag pahatid ako sa taxi driver sa Morque na sinasabi ni Mary. Nakatulala parin ako habang nasa labas ng bintana ang tingin. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Para na akong mamamatay sa sakit at sikip ng aking dibdib.

"Ma'am nandito na po tayo," Sumulyap ako sa driver na may luha. Maging sya ay naawa sakin.

Nasa labas palang ako ng Morque ay nanghihina na ang dalawa kong tuhod. Maraming nakapark na kotse at isa na dito ang kotse ni Kuya Justin.

Nasa pintoan palang ako ay agad napadpad ang tingin ni kuya Justin sakin. Humagol-gul ulit ako ng iyak ng lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry Bea." Dahan-dahna akong napaluhod sa kinatatayuan ko. Tila bumagsak ang katawan ko sa sahig.

"Mark! Mark!" Tanging pangalan niya lang ang sinisigaw ko ngayon. Para akong binagsakan ng matutulis na bato. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Lumapit sakin si Mary kasama si kuya Zin .Nandito rin si Kevin at Jerick. Kitang-kita sa mata nila ang hinagpis at awa nila sakin. Maging si Mary ay umiiyak habang hawak ang bibig niya.

Humiyaw ako sa sakit ng naramdaman habang yakap-yakap parin ako ni kuya. Halos magwala ako sa corridor. Gusto kong magwala sa sakit, gusto kong saktan ang sarili ko at ihampas ang ulo sa pader. Umalis akong mag kagalit kaming dalawa. Umalis ako ng Pinas ng hindi kami nag kakaayos. Kasalanan ko ang lahat! Kong sana ay nakinig ako kay Monica edi sana buhay pa sya ngayon.

Ilang sandali pa ay tumahan na ako sa kakaiyak. Dahan-dahan akong lumapit sa patay'ng katawan ni Mark. Niyakap ko sya ng mahigpit at wala na akong pakialam kong anong amoy niya ngayon. Minahal ko si Mark. Mahal na mahal! Sobrang sakit! Napakasakit!

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon