Monica point of View
"Gosh im super excited na talaga," Kanina pa nag-aalboroto ang bibig ni Ann habang inaayos namin ang mga gamit namin.
Dalawang araw kami sa Batangas at excited rin naman ako na may halong sakit sa dibdib. Naalala ko kasi ang masasayang alala namin ni Justin don.
Sana hindi ako ma apektohan pagdating doon. Sana mapigilan ko ang aking sarili.
"Nandyan na si Drake, let's go Monica." Napailing ako sa tawa. Para syang batang hindi pa nakakaligo sa dalampasigan.
"Mag-ingat po kayo ma'am," Kaway ni Mena saming dalawa.
"Are you ready guys?" Ngiti ni Drake samin. Kanina pa sobrang lapad ng ngiti ni Ann. Mas excited pa yata sya sa birtday girl eh.
"Yohoo!" Hiyaw ni Ann kaya napangiti ako lalo. Ibang klase syang kaibigan siguradong magkakasundo sila ni Besty pag nagkakataon. Naiisip ko lang, nandon kaya silang lahat? Panigurado akong invited din sila.
Tahimik kami buong byahe. Sinandal ko ang ulo ko sa backrest saka pumikit ng panandalian. Naalala ko na nanaman si Justin, yung mga ngiti niya at yung mga corny niyang mga sweet lines. Para akong baliw ngumingiting mag-isa sa likuran.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kapag naalala sya. Nasasaktan ako habang iniisip kong anong pinag-gagawa nila ng Impostor ngayon. Mag kasama kaya sila sa iisang kwarto? Sabay ba silang kumakain? Malamang, dahil 'yon ang lagi naming ginagawa noon ni Justin.
Naputol ang imahinasyon ko ng tumunog ang aking phone.
From Kevin:
Nasan na kayo? Nauna na ako sa resort.
Me:
Malapit na kami Kev.
From Kevin:
Okay. Takecare my Monica!
Napangiti ako sa text niya. Sobrang kulit ng isang 'to kaya hindi ko maiwasang hindi mapapangiti araw-araw.
"Why are you smilling?" Nakangiti akong sumulyap kay Ann. Nakatitig si Drake sakin mula sa rear mirror ng kotse. Natawa tuloy ako!
"Nothing haha it's just Kevin." Kinaway ko ang cellphone sa kanila.
***
Lovey Resort
"Kyaah!!!! Ang ganda dito Monica." umikot-ikot si Ann habang nasa parking lot pa kami. Ginawa kong pamayong ang aking palad sa noo. Sumasalubong kasi ang mainit na araw saking mata. Ramdam ko ang init saking balat.
"Goodmorning ma'am and sir, welcome to Lovey resort." Bati lahat ng staff sa resort nila Justin. Naalala ko silang lahat at alam kong kilalang-kilala nila ako noon.
"Guys," Nakangiting papalapit samin si Kevin at Cris. Inagaw ni Kevin ang dala kong bagpack. Hinayaan ko lang syang dalhin 'yon.
"Kanina pa kayo?" Si Cris.
"Kararating lang namin!" sagot ko agad.
"Okay, let's go inside. Hatid ko muna kayo sa mga room nyo." Sumunod kami kay Cris. Ganon din ay sumakay kami ng elevator patungong 10th floor. Tumambad samin ang iilang silid sa corridor.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Fiksi Remaja-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...