KABANATA 52

11.9K 265 4
                                    

Nandirito parin ako sa condo ni Jerick. Hindi kasi ako sumasagot sa mga katanongan niya kaya napagdesyonan niyang dito ako dalhin. Nanatili akong nakatulala habang nakahiga sa sofa.

"Hindi kita pipiliting sabihin sakin ang lahat. Kong gusto munang kausap. Nandidito lang ako, Monica." Tinapik niya ang likod ko. Dahan-dahan ko syang sinulyapan na may luha.

"Salamat Jerick huh? Pasensya na kong nadisturbo pa kita," Nguso ko. Natawa sya sa reaksyon ko.

"Hindi ka nakakadisturbo sakin, Monica. Hindi kana iba sakin." Hindi na ako sumagot. Nanatili akong nakatitig sa kanya bago pumikit ng tuluyan. Bakit ganon lang kadaling makatulog pag galing sa pag-iyak?

Maghapon ako sa condo ni Jerick. Nakatulog din ako ng mahimbing ng sa ganon ay makalimutan ko  panandalian ang sakit ng aking nararamdaman.

Naalimpungatan nalang ako ng marinig ko si Jerick na may kinakausap sa phone niya. Dahan-dahan akong bumangon at tumambad sakin si Jerick na nakaupo sa kabilang couch.

"Hello Mary? Oo nandito sya sa condo ko." Sagot niya habang na sakin ang tingin. "Oo sige sige! Maghihintay kami," Huli niyang sabi. Sumulyap muli sakin si Jerick na may ngiti.

"Si Mary at Ann pupunta dito. Kanina pa nag-aalala sayo ang pinsan mo," Napasinghap ako sa narinig. Iniwan ko si Ann ng walang paalam kanina. Hindi ko manlang inisip ang nararamdaman niya.

Hinintay namin silang dumating. Ilang sandali lang ay dumating ang dalawa at sobrang nag-aalala ito sakin.

"Monica," Agad akong niyakap ni Ann. "Nag-aalala ako sayo ng sobra. Akala ko kong san kana nagpunta," Halos namamaos ang boses ni Ann. Nag-sisisi na ako ngayon kong bakit ko sya iniwan kanina.

"I'm sorry Ann," Isa-sang tumulo ang luha ko. Dahan-dahan niya 'yong pinunasan.

"You don't have to be. Hindi mo kasalanan ang lahat," Suhestyon niya sakin.

"Monica ano bang nangyari? Ang daming nakadikit na poster sa buong campus. Anong ibig sabihin non?" Tumabi sakin si Mary saka hinawakan ang kamay ko. "May namamagitan ba sainyo ni Justin?" Kunot noo niyang tanong. Maging si Jerick ay hindi makapaniwala sa narinig. Bahagya akong yumuko.

Hindi ko alam kong pano sasabihin sa kanila ang lahat ng ito. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.

"Wala," Iling ko bago sinulyapan si Jerick. Alam kong umaasa sya sakin, alam kong ibang-iba ang pagtingin niya sakin.

"Then what about the picture?" Tanong niya ulit sakin.

"I't was accident," Yumuko ako sa hiya. Nagpadala ako sa damdamin ko. Pero bakit feeling ko ay nakagawa ako ng kasalanan? may mali ba dun? ako ang totoong Nicole diba? Kong may nangyari man samin ni Justin sa araw na 'yon ay hindi ko pagsisisihan dahil ako ang girlfriend niya. "Kasalanan ko ang lahat," Hilamos ko saking mukha.

Hinimas ni Mary ang likod ko.

"Magiging maayos rin ang lahat, Monica. Hindi ko nga rin alam kong bakit nagkaka-ganon si Nicole. Ayaw ko na ngang maniwala na nagka amnesia sya eh. She change a lot, and beside kahit naging masama ako sa kanya noon ay hindi ipagkakaila na mabait syang tao, kaya nga nagka gusto sa kanya si Zin." Nguso niyang salaysay. Sa totoo lang ay sobrang saya ko sa narinig. Kahit minsan na kaming mag-kaaway noon.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon