Nicole Point of View
Naglakad akong masaya at may guhit na ngiti ng pumasok ako ng hospital. Kailangan kong bisitahin si papa ngayon dahil matagal-tagal ko naring hindi siya nakikita. Sobrang saya ko hindi ako mapakali dahil na e'excite akong makita si Papa.
Dahan-dahan kong pinihit ang pintoan ng silid niya. Bumungad sakin si papa na nakaupo sa kama at nakangiti na ito sakin. Nabigla ako sa kinatatayuan ko ngayon. Buong akala ko ay hindi niya ako makikilala, akala ko ay matatakot sya sakin.
Kumaway sya sakin para palapitin ako sa gawi niya. Nabigla ako kaya lumapit ako agad.
"Papa, Umiiyak ako habang papalapit sa kanya.
"Hali ka anak," Saad niya saka ako umupo sa tabi niya na may luha.
"Papa nakikilala nyo po ako? Hindi ba kayo natatakot sakin?" Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
"Bakit naman ako matatakot sayo? Anak kita at alam ng puso ko na ikaw ang anak ko," Humagol-gul ako ng iyak sa sinabi niya.
"Papa hindi po nila ako nakikilala pati si mama. Lahat po sila ay pinagtabuyan ako. Papa tulongan nyo po ako." Patuloy ang agus ng aking mga luha na agad niyang pinunasan.
"Patawad anak! Patawarin mo si papa huh? Mahal na mahal ka ni papa." sumikip ang dibdib ko habang sinasabi niya iyon. Bakit niya sinasabi sakin ito ngayon?
"Matagal na kitang pinatawad papa," niyakap ko sya ng mahigpit. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Si papa lang ang nakakakilala sakin ngayon. "Papa kailangan po nating sabihin sa kanila ang lahat, kailangan nilang malaman na ako ang tunay na Nicole." humiwalay ako sa pagkakayakap bago humarap sa kanya.
"Tutulongan kitang malaman nila lahat anak. Huwag kang mag alala." niyakap ko ulit si papa, miss na miss ko na sya. Sobrang sarap sa pakiramdam na mayakap ulit si papa.
"Salamat papa, salamat. Mahal na mahal ko po kayo ni mama." humiwalay sya sa pagkakayakap saka humarap sakin na naluluha. Parang may mali sa mukha ni papa, tila naging blur ang guhit ng kanyang mukha.
"Kailangan ko ng umalis anak," Nabigla ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?
"San po kayo pupunta papa? Sasama ako sayo," nagsimula ulit akong umiyak. Hinawi niya ang mga luha ko sa pisnge.
"Mag-iingat ka palagi huh? Mahal na mahal ko kayo ng mama mo." hinawakan niya ang magkabila kong pisnge bago ako hinalikan sa noo.
"Papa ano pong pinagsasabi nyo. Bakit kayo aalis?" humagulgol ako ng iyak sa sakit ng aking dibdib. Hindi ko sya maintindihan nasasaktan ako.
Tumayo sya sa pagkakaupo.
"Papa hindi pa kayo okay diba? Wag muna kayong tumayo." pinigilan ko sya ngunit hinawakan niya lang ang magkabila kong kamay.
"Aalis na ako anak," mas lalo akong naiyak. "Darating ang araw ay malalaman nila ang lahat-lahat, tutulongan kita anak." niyakap niya ako ulit. Hindi ko mapigilang umiyak sa sakit ng aking dibdib ngayon, sobrang bigat ng aking puso.
"Papa hindi ko po kayo maintindihan eh! Kakarating ko lang iiwan nyo naman ako agad." niyakap ko sya ng mahigpit ayaw ko syang umalis. Natatakot na akong mag-isa ulit.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Ficção Adolescente-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...