Zin Rafkhen Point of view
Naghihintay ako dito sa kotse habang kinakausap ni Mary si Ann at 'yong pinsan ni Ann. To be honest she's beautiful and suspicious, pero iba talaga ang impact sakin ng babae yan. Para bang kilalang-kilala ko na sya. Hindi ko alam pero kakaiba sya sa lahat ng nakilala ko. I don't know maybe im just over thinking kaya nag-iisip ako ng mga bagay na walang katuturan.
Papalapit na si Mary sa gawi ko ng matapos niyang kausapin ang dalawa. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko naman mahal si Mary ngunit masaya ako pag kasama sya.
Ilang beses ko na syang nasaktan pero hindi niya parin ako binibitawan. Naiinis ako dahil wala manlang akong nagawa kundi puro pasakit lang sa kanya at kapalit nang yon ay ang pinapadama niyang pagmamahal sakin.
Mahal ko si Nicole hanggang ngayon pero parang di ko na sya kilala ngayon. Ibang-iba na sya kesa noon. Something change about her, ewan ko kong ako lang ba ang nakakaramdam nito.
~Flashback~
"Zin hindi ko sila kilala. Please ialis mo ko sa lugar na 'to." niyakap ko sya habang umiiyak ito.
"Don't worry im here, i will never leave you." niyakap niya rin ako ng mahigpit. Hindi ko alam kong bakit ako lang ang natatandaan niya. Marami akong katanongan na di ko magawang sagotin ngayon. Bakit ako pa? Bakit hindi si Justin? Nalilito ako sa pangyayari at hindi ko sya magawang iwan kahut galit na galit sakin si Justin.
~Other day~
Naglakad ako papuntang silid ni Nicole. May dala akong pagkain at bulaklak para sa kanya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintoan at nakita ko siyang umiiyak habang hinahawakan ni Justin ang kamay nito. Bahagya kong binalik ang pagsara ng pinto. Sinilip ko sila ng kaunti.
"Minahal ba talaga kita?" Si Nicole habang umiiyak.
"Minahal mo ko, minahal kita nagmamahalan tayong dalawa." sagot ni Justin. Oo, inaamin ko nasasaktan ako pero kaya kong mag paraya para sa ikakasaya ni Nicole.
"Bakit wala akong matandaan? Hindi ko alam kong sino ako at hindi ko alam anong pangalan ko." Umiiyak niyang saad. Kinurot ang puso ko dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo. Kahit may amnesia sya ay si Justin parin ang minahal niya.
Niyakap sya ni Justin at agad akong umiwas ng tingin. Ang sakit nila sa mata.
"Tutulongan kitang maalala ang lahat." binalik ko ang tingin sa kanila ngunit nakita kong ngumiti si Nicole. Isang ngiting kakaiba.
Umiling ako saka tumalikod nalang at napagpasyahang umuwi. Naiisip ko parin hanggang ngayon ang mga ngiti niya.
~End of Flashback~
Simula non ay naging kakaiba na sya sa lahat. Minsan nag ti'text sya sakin pag may problema sila ni Justin. Minsan ay nanghihingi sya ng tulong pag nag-aaway sila ulit. Kahit hindi ko tunay na pinsan si Justin ay naging kaibigan ko naman sya. Pero bakit sa dami-dami niyang kaibigan ay ako pa talaga ang tinitext niya?
~Flashback~
Tinawagan ako ni Justin para magka inoman sa bar ni bakla. Dali-dali akong pumunta sa bar at nauna na doon si Cris.
"Dude," Nakipag highfive ako kay Cris at Justin na mukhang lasing na lasing narin. Umupo ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Teen Fiction-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...