KABANATA 41

13.2K 271 4
                                    

Kinakabahan ako habang nasa harap namin sya na nakapamulsa. Natulala ako habang titig na titig sya sakin. Siniko ako bigla ni Ann kaya napatayo ako agad sa kinauupoan ko ngayon.

"Anong kailangan mo?" Saad ko kahit natataranta. Umayos ka Monica! Hindi ito ang unang pagkakataong mag kaharap kayo, pero bakit ganito ang impact niya sakin ngayon?

"Can we talk for a minute please?" seryoso niyang sambit. Sumulyap ako sa mga kaibigan ko, lalo na kay Jerick.

"Ahhmmmm sige Justin okay lang samin, sige na alis na kayo ni Monica!" bugaw ni Ann saka ako itinulak-tulak palapit kay Justin.

Tinaasan ko lang sya ng kilay sa ginawa niya. Nag papahalata tuloy na natataranta ako.

Humarap ako kay Justin na kalmado. Nauna akong lumabas na walang paalam sa kanilang lahat. Naramdaman ko nalang ang pagsunod niya sakin. Sa garden ng school ako dumiretso dahil tahimik at
maaliwas dito. Hindi rin matao!

"Anong kailangan mo sakin?" Ulit ko bago humarap sa kanya.

"About what happen last night," nakapamulsa sya habang nakatitig sakin. Hindi ko alam kong anong pinagsasabi niya, wala naman syang pakialam sa nararamdaman ko diba?

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pag kaharap sya. Para akong bumabalik sa dating nauutal at alingasa sa tuwing kausap sya.

"Last night?" Kunot noo ko at deny.

"I'm sorry Monica, hindi ko sinasadyang sigawan ka." Direkto niyang sabi kaya nagulat ako. Himala at nag sorry. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa mga titig niya ngayon. Tila nang-hihina ako at di umano'y matutumba ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"Bakit ka nag so'sorry?" Maldita kong tanong. Kailangan kong umakteng na maldita.

"Gusto kong mag kaayos kayo ni Nicole," Naikuyom ko ang aking kamao. Magka-ayos? Never! "Ayaw kong nasasaktan sya Monica!"
Marahan niyang sagot kaya napapikit ako sa. Oo, ayaw niyang masaktan si Impostor at ayaw niya rin akong masaktan pareho lang iyon.

"Sinasaktan niya rin ako anong magagawa ko?" Taas kilay ko ngunit kalmado.

"May sakit sya sa puso," Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Kailan pa ako nag karoon ng sakit sa puso? Tika lang panong? Sigurado akong isa ito sa palabas ni Impostor. "Ayaw na ayaw kong nasasaktan sya dahil doble ang balik sakin." sumikip ang dibdib ko sa bawat bigkas niya. "Please....Umiwas ka nalang sa bangayan nyo Monica, please!" Nakita ko ang pamumula ng kanyang mata. Hindi ako makapaniwala. Anong sakit sa puso ang pinagsasabi ng Impostor na yon? Hindi manlang ako makapagsalita at tila nalilito ako sa pangyayari. "Mahal na mahal ko si Nicole at hindi ko alam kong anong gagawin ko kapag mawala sya sakin. Ako na ang nag mamakaawa sayo Monica." shit lang! Bakit ako nasasaktan para sa kanya? Bakit ako nahihirapan para sa kanya? Diba dapat nagagalit ako? Diba dapat ako ang naaapi dito? Ako pa ang nag mumukhang masama sa kanya.

Marahan akong pumikit. Bakit ganito ka sakit?

"Hindi ko alam," Yun lang ang salitang nabitawan ko sa pagkakataong ito.

"Huwag kang mag-aalala, pag-sasabihan ko sya na umiwas narin sa gulo." aniya. Matunog syang lumapit sakin na may panunuya. "Please!"


"Pano kong ayaw niyang umiwas?" Taas kilay ko na ikinanguso niya. Shit oo inaamin ko na mimiss ko ang labi niya.

"Ikaw nalang ang umiwas Monica," Nag mamakaawa sya sakin. Ganon niya ba talaga ako kamahal? Kahit nakakagawa ako ng masama ay kinaya niya akong ipagtanggol. Base sa Impostor, pero kong ako? Hinding-hindi magmamakaawa si Justin ng ganito sa iba.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon