Justine Geir Point of View
"Hindi ko alam. Hindi namin sya kilala. Minsan na niya akong sinaktan noon sa labas ng bahay, bigla nalang syang lumapit sakin." Umiiyak si Nicole habang sinasabi niya samin ang lahat nang 'to. Damn, I dont even know her and where she is came from. Bakit niya ginagawa samin to? And what her motive to pretend from us? Sino ba talaga ang babaeng yon?
Nalilito na ako ngayon.
"Tita minsan narin syang nag makaawa sakin sa labas ng University. Hindi ko nga alam kong pano niya ako nakilala." natahimik ako sa sinabi ni bakla. Nakatingin lang si tita samin na may halong pagtataka at lito sa mukha. Even me, may malaki ring question mark sa mukha.
"Baliw nga yun diba? At ang sabi ng mga pulis matagal na yung pinaghahanap dahil ang galing mang-gaya ng iba." taas kilay na singit ni Bleina. Maybe she's right, maybe my feelings now is wrong. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa sa kanya kanina. Para akong nasasaktan kanina.
"Huwag kayong mag-alala hinding-hindi na iyon makakalapit satin." sagot ko sa kanilang lahat. Hind ko alam kong bakit iyon bumitaw saking bibig. Hindi ako nakakasiguro kong makakalapit pa yong babae samin. Baka bigla na naman syang lumitaw dito.
"Labs natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa maari niyang gawin sakin." Agad kong niyakap si Nicole at hinalikan sya sa noo. Hinding-hindi ko hahayaang masaktan sya.
"Nandito lang ako labs. Hinding-hindi kita pababayaan." saad ko. Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahal na mahal ko si Nicole. Hindi ko alam kong ano ang maari kong gawin pag may nangyaring masama sa kanya. No one can hurt her. No one!
"Nakakatakot ang mukha niya, parang nasunog o kaya nabuhosan ng asedo, something like that. Looks creepy!" maarteng sambit ni Bea na ikinalingon naming lahat. Yon din ang iniisip ko kanina pa. Bakit sobrang sunog ng mukha niya.
"Kalimutan nyo na yan. Ang importante ngayon ay okay tayong lahat. Sisiguradohin kong hinding-hindi na yun makakalapit satin." bagsak boses na sambit ni tita Belle. Natahimik kaming lahat sa sinabi niya.
"Pero bakit naman nya iyon gagawin?" Sabay kaming napatingin kay Bea. What kind of question is that? Mas lalo akong nagugulohan sa tanong niya.
"What do you mean Bea?" Giit na tanong ni Nicole. Nagulat ako sa galit niyang tono.
"Bakit sinasabi niyang sya ay ikaw? Bakit pinipilit niyang sya ang totoong Nicole? Kahit nasasaktan natin sya ay pinipilit niya paring lumapit satin. You know what guys, kapani-paniwala ang mga sinabi niya." Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Bea. Biglang tumayo si Nicole at nagalit.
"Are you kidding us Bea?" bulyaw nito kaya hinawakan ko agad ang braso niya. "Don't tell me naniniwala ka sa babaeng yon?" sa puntong ito ay mas lalong nagalit si Nicole.
Ilang segundo kaming natahimik at tinititigan lang namin ang bawat isa. Natahimik si Bea at tila nag-sisi sa sinabi.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan Bea. Nakakatakot yang iniisip mo huh! My ghad!" maarteng sambit ni bakla.
"Ano sa tingin mo ang nasa harap natin ngayon? Picture lang ba iyan ni Nicole? huh!" sambit ni Bleina na ikinangiwi ni Bea. Napapikit ako, ayaw kong pag-awayan namin ang bagay na yan.
"You're so over reacting Bleina. Im just saying lang naman kasi, what i've seen is just part of my opinion. I m not even pointing that she's fake." Ngusong turo ni Bea kay Nicole. Sumulyap ako kay Nicole and her reaction spoke a lot. Nag-kaumbabaga ang kanyang kilos at hindi ko maintindihan.
"Tigilan nyo na nga yan. Mabuti pa eh magpahinga na kayong lahat." sambit ni tita Belle saka ito tumayo at tumungo sa harap at nilapitan ang kabaong ni daddy Jenry. Natahimik kaming lahat ng umalis si tita Belle.
Nagbitaw ako ng hininga bago hinilot ang sentidu. Ilang segundo din kaming natahimik bago napagdesyonang tumayo isa-isa. Napatitig ako kay tita Belle na nasa harap.
Patawad daddy! Nasasaktan rin ako sa nangyari sayo dahil naging ama kita ng ilang taon. Lumaki akong mabuti at mapagmahal kay mommy Shina at kay Bea. Kong nagalit man ako sayo noon dala lang iyon sa sakit at pagkakamunhi. Alam kong naging mabait kang ama para sakin. Pangako babantayan ko si Bea at mamahalin ko ng buong-buo si Nicole.
Magkikita din tayo daddy sa tamang panahon.
"Kuya," Napalingon ako kay Bea na biglang tumabi sakin. Inakbayan ko sya agad.
"Are you okay? Gusto munang umuwi?" Umiling sya agad sa tanong ko.
"Sasamahan ko muna si tita Belle, kuya." Nguso niya. May anggulo na parehong-pareho sila ni Nicole. Sa kilos at pananalita ay hinding-hindi maipagkakaila na magkapatid nga silang dalawa.
"Anong balak mo? Sasama ka ba kay mommy pabalik ng state?" Napatingin sya sa tanong ko. Namumugto ang mata niya sa kakaiyak.
"I can't kuya, i can't leave you here. Can i stay in your condo kong okay lang sayo?" nakasimangot niyang sagot kaya ginulo ko ang buhok niya. Kahit hindi kami totoong magkapatid ay tinuturing niya parin akong kuya.
"Bakit? Ayaw mo ba sa bahay?" napasinghap sya sa sinabi ko.
"Masyadong tahimik sa bahay at ma mimiss ko lang si daddy pag ganon." Isa-isang tumulo ang kanyang mga luha kaya agad ko 'yong pinunasan.
"Tahan na, sasamahan kita hindi kita iiwan." Niyakap niya ako agad sa sinabi ko. Proprotektahan kita Bea, pangako.
***
Besty point of View
Yakap-yakap ko si tita habang unti-unting binababa ang kabaong ni daddy sa ilalim ng lupa. Lahat sila ay umiiyak sa pagkawala ni daddy. Kahit anong pilit kong lumuha ay walang tumutulo dahil sa pagod na akong masaktan at pagod na akong umiyak.
"Jenry," bulyaw ni tita na halos gumapang sa damohan. Pinipigilan ko sya sa puntong to.
"Tita tama na po, sigurado akong hindi gusto ni daddy ang masaktan ka ng ganito." hinimas-himas ko ang likod niya. 'Yon lang ang tangi kong masabi ngayon dahil sa totoo lag sobrang bigat ng dibdib ko.
Nandito silang lahat. Nandito rin si mommy Shina at tita Sunshine kasama si Zin at Mary. Napadpad ang tingin ko kay Justin at Nicole. Tahimik lang silang dalawa habang nakatingin sa kabaong ni daddy. Sobrang nasasaktan si Bea sa pagkawala ni daddy. Kanina pa sya iyak ng iyak habang yakap ni Zin.
Apat na araw na kaming hindi pumapasok sa school. Kailangan na naming ayusin ang sarili namin. Kailangan na naming tanggapin na wala na si daddy Jenry. Kailangan naming harapin ang susunod na araw na wala si daddy Jenry.
Matapos ilibing si daddy ay isa-isa naring nagsi'uwian ang nakikiramay. Pinapanuod ko si tita Belle na nakatitig parin sa puntod ni daddy.
"Tita kailangan nanating umuwi," tinapik ko ang kanyang likod saka niya ako tinignan na may luha. Namumugto ang mata niya sa kakaiyak. Kinurot ang puso ko sa bawat patak ng kanyang mga luha.
"Wala na si Jenry Jun. Iniwan na niya tayong lahat." napahilamos si tita sa kanyang mukha. Lumuhod ako at niyakap sya ng mahigpit.
"Hindi ka namin iiwan tita. Nandyan pa si Nicole naghihintay sayo." kumalas sya sa yakap at tinignan ako ng malalim.
"Tama ka Jun, nandyan pa si nakey at kailangan niya ako." isa-isa niyang pinunasan ang kanyang mga luha sa mata. Tinignan niya muli ang puntod ni daddy bago namin napagdesyonang tumayo.
Umalis kami sa sementeryo na maaliwalas ang puso't kaluluwa.
Ma mi'miss ka namin daddy. Hanggang sa muli nating pagkikita.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Teen Fiction-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...