Bigla akong nagising ng biglang tumalon si Shimshim sa may puson ko. Napaupo ako sa kama at napaubo. Kinusot ko ang magkabila kong mata saka binuhat si Shimshim at niyakap ng mahigpit.
Nagtungo ako sa salamin at tinititigan ang sarili. Nakakalungkot man isipin dahil ayaw ko ng ibalik ang dati kong mukha. Pero naging masaya ako bilang isang Monica. Naging matatag akong tao bilang isang Monica. Sa sobrang daming pagsubok na dumating sa buhay ko ay nakaya ko pang tumapak sa lupa na may ngiti. Hinarap ko na nga ang kamatayan pero heto ako ngayon!? buhay na buhay.
Nawala man sakin si Bleina pero matagal ko na syang pinatawad. Naging malapit ko syang kaibigan at minahal ko sya na parang kapatid. Hindi narin nakita si Sammantha sa kinahuhulogan niyang bangin sa lugar na iyon. Hindi mahanap ng pulis ang katawan niya. Kong nasan man sya ngayon ay sigurado akong pinagsisihan niya ang pagkawala ni Bleina. Dinamay niya ang kapatid niya sa mga plano niya.
Bumalik ang diwa ko ng may biglang kumatok. Bumungad sakin si Ann na nakangiti.
"Good morning," Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Baba na tayo hinihintay kana nang lahat," Hinila niya ako kahit hindi pa ako nakakapanghilamos at nakapagbihis.
Pagbaba namin sa sala's ay nanlaki ang dalawa kong mata sa nakita.
"Surprise!" Sabay-sabay nilang lahat kaya napatakip ako sa bibig ko sa bigla. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa saya at tuwa.
Napaka swerte ko sa pamilya ko. Ang daming nagmamahal sakin. Ang daming naghihintay sa pagabalik ko.
Nakapangtulog pa nga ako kaya minabuti kong yakapin ang aking sarili. Nandito silang lahat at kay laki-laki ng kanilang mga ngiti at kulang nalang ay umabot sa tenga.
Natawa ako!
Lumapit sakin si daddy Shivyer saka ako niyakap.
"Welcome home my daughter," Niyakap ko rin sya pabalik. Hindi ko aakalain na sya ang tunay kong ama. Hindi ko aakalaing may ama akong napakabait at mapagmahal. Ganon paman ay minahal ko parin si papa Jenry. Binigyan niya rin ako ng magandang buhay.
"Ahhh!" Pagmamaktol ni Ann sa gilid ko. "Pwedeng sumali?" Hinila ko agad sya at isinali sa yakapan namin ni daddy.
"Pano naman ako?" Ngiti ni mama kaya agad syang hinila ni daddy para sumali rin. Nagpalak-pakan silang lahat at tila masaya para samin.
"Groug hug!" Agad sumugod ang mga kaibigan namin pati narin si Justin.
"I'm so happy for you, Monica. Welcome to your new home, new face and new family. Salamat at tinanggap mo ako bilang isang kaibigan." Napanguso ako sa sinabi ni Mary. Niyakap ko sya ng mahigpit. Kong sino pa 'yong enemy ko noon ay naging kaibigan ko ngayon.
"Monica," Napalingon ako kay Bea na ngayon ay halos maiyak. Lumapit sya sakin. "Thank you for saving mylife. Utang ko sayo ang buhay ko." Niyakap niya ako agad. Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Sobrang saya ko.
Lumapit si Ann samin kaya humiwalay kami sa yakapan ni Bea.
"For the most beautiful girl i've ever know. My cousin and my partner in crime. I really love you, Monica. Salamat at dumating ka sa buhay namin." Niyakap ako ni Ann. Isa-isang tumulo ang luha ko sa saya. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang saya ko dahil naging masaya ang mahal ko sa buhay.
"Heeep!" Hinila ni Besty si Ann kaya napaatras si Ann sa ginawa ni Besty. Nagtawanan silang lahat. "Excuse me guys. I'm the original bestfriend since book 1, so shuppeee kayo dyan!" Bugaw ni Besty kaya nagtawanan sila ulit. Humarap sakin si Besty na naluluha. "I hate you madam!" Hinampas niya ako sa braso kaya napangiwi ako. "Naiinis ako sayo," Nguso niya na ikinatawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/78952119-288-k313606.jpg)
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Novela Juvenil-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...