Justin Geir Point of View
Nang matapos naming pagsiklopin ang lahat ng tent ay nagpahinga kami saglit. Iisang tent nalang ang nakatayo para gawin naming silungan. Napatingala ako sa langit, sobrang dilim ng langit. Ang makapal na ulap ay tila gusto ng bumagsak.
"Ma'am ma'am!" Sabay kaming napalingon kay Jennifer na tumatakbo papalapit samin at hingal na hingal ito. Agad akong napatayo sa pagkakaupo. Bakit bigla akong kinabahan?
"O-oh Cabanlas bakit ka sumisigaw?" Nag-aalalang tanong ni ma'am. Hawak-hawak ni Jennifer ang magkabila niyang tuhod habang hinahabol ang hininga.
"Nawawala po si Monica," direkto niyang sabi. Hindi ko alam kong bakit ako lumapit sa kanya at agad hinawakan ang magkabila niyang braso. Nawawala? damn!
"Ano? Saan sya? May nangyari ba? Spill it Jen, fuck!" Bnitawan ko sya saka nagmura ng ilang ulit. Alam kong tinitignan na ako ng mga kaklase ko ngayon, pero wala akong pakialam. Kaibigan ko si Monica at yon lang 'yon.
"Bumalik kasi kami sa gubat para kunan ng larawan 'yong malaking punong nakita namin. Tapos bigla-bigla nalang syang nawala." Humagulgol ng iyak si Jennifer. Panay bulong ng iba sa pag-aalala.
Biglang kumidlat ng malakas at bumuhos ang ulan. Mas lalo akong kinabahan lalo na't nasa gubat si Monica.
"Girls bumalik kayong lahat sa tent," Bulyaw ni ma'am saka isa-isa silang pumasok sa tent. Tanging kaming mga lalake ang naiwan sa labas.
"Hahanapin ko si Monica," Tatalikuran ko na sana silang lahat ng hinila ako bigla ni ma'am.
"Kailangang may kasama ka, Justin. Hindi ka pwedeng unalis mag-isa." Malalim niyang titig sakin.
"Ako na po Mrs. Macalisang, dahil alam ko ang pasikot-sikot sa lugar na ito." Biglaang sambit ng tour guide namin.
"Sasama ako!"
"Ako rin!"
"Tutulong rin ako,"
Isa-isang wika ng mga kaklase kong lalake. Minabuti naming magdala ng tig iisang flashlight, nagsuot rin kami ng coat.
"Mag-iingat kayo boys. Tatawag narin ako ng tulong," Paalala ni ma'am samin.
***
Pagpasok namin sa gubat ay tila nalilito ang isip ko kong saan ako mag-sisimula. Tanging naglalakihang puno lang ang makikita mo rito at mga dahong nakaharang sa bawat daanan.
"Maghiwa-hiwalay tayo," Suhestyon ko. Halos maningkit ang mata ko dahil sa sinasalubong kami ng ulan. Panay hilamos ko saking mukha.
"Sige mas mabuti para mas madali nating makita si Monica," Sang-ayon ng kaklase ko. Nanatiling tahimik ang tour guide namin at kalaunan ay pumayag narin ito. Nag-simula na kaming maghanap.
Ilang minuto na akong tumatakbo sa maputik na daan. Hindi ko alam pero sobrang nag-aalala ako kay Monica. Hindi ko rin maipaliwanag kong bakit ako nag kakaganito ngayon. Pero isa lang ang alam ko. Takot na takot ako na baka may nangyaring masama sa kanya. Sana lang ay wala! Pa balik-balik nalang ako sa nadadaan ko at mukhang naligaw na yata ako, may mga puno kasing nadaanan ko na ngunit bumabalik parin ako.
Hinawi ko ang mga naglalakihang
dahon sa paligid at sinuri ang bawat lugar. Napahinto ako sa paglalakad ng maaninag ko si Monica mula sa mababang pampang.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Teen Fiction-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...