KABANATA 3

14K 304 3
                                    

Besty Point of View...

Malaki ang pinagbago ni Nicole simula nong nagka amnesia sya. Malaki narin ang nagbago sa loob at labas ng ugali niya. Hindi ko alam kong sya pa ba ang Nicole na nakilala namin noon.

Miss na miss ko na 'yong makulit at sobrang emotional na bestfriend ko. Miss na miss ko na ang kalog at masiyahing bestfriend ko. Halos wala na kaming bonding dahil araw-araw silang magkasama ni Justin.

Nag-mamaneho ako ngayon papunta sa bahay nila. Sabay kaming papasok sa School ngayon.

Isa sa mga nagbago sa kanya ay 'yong mga kasuotan niya na halos makita na ang kaluluwa. Sabi samin ni Tita ay kailangan namin syang intindihin dahil isa iyon sa mga epekto ng kanyang mga gamot na iniinom araw-araw. Kaya ito hinahaba ko ang pasensya ko dahil malaki rin ang kasalanan ko sa kanya.

"Goodmorning Tita Belle," Bulyaw ko ng makapasok ako sa loob ng bahay. Nagulat si Tita sa malakas kong boses. Syempre I'm the bestfriend at feel na feel ko ang home nila.


"Oh Jun maaga ka yata!?" Lumapit ako sa kusina at tinitignan ang luto ni Tita.

"Sabay kaming papasok sa School ngayon Tita. Na mimiss ko na kasi si Nicole. Palagi kasing busy at halos hindi na ako pinapansin." natawa si Tita Belle sa drama ko. Napailing sya bago hinawakan ang kamay ko.

"Salamat Jun huh? Dahil hindi mo pinapabayaan si nakey. Andyan ka parin para sa kanya kahit nag iba na ang ugali niya." napanguso ako sa sinabi ni Tita Belle. May namumuong luha saking dalawang mata kaya dinala ko nalang ito sa tawa.

"Ang totoong kaibigan hinding-hindi nang-iiwan." napasinghap si Tita sa sinabi ko. Ramdam ko sa kamay niya ang higpit na saya. "Anyway Tita, nasan na ba yong maganda mong anak?" bumalik si Tita sa pagluluto na natatawa.


"Malamang naliligo pa 'yon Jun. Late na kasing nagising." Naningkit ang mata ko sa narinig. Ilang oras ba dapat maligo ang isang babaeng? Ako nga eh hindi aabot ng five minutes, pero si Nicole? Lagpas isang oras na.

"Akyatin ko nalang tita baka kasi ma late kami," wika ko sabay kuha ng isang hotdog at dali-daling umakyat sa itaas.

Naningkit ang mata ko dahil nakabukas ang pinto ng kwarto ni Nicole. Burara talaga ang babaeng to. Dali-dali akong lumapit sa kwarto niya. Nang nasa pintoan na ako ay ang pag-sigaw niya ng malakas.

"Waaaaa bakit ka nandito?'" Sigaw niya kaya pumasok ako agad. Over reacting naman tong bruhang to. Napatitig ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakatowel lang sya at mukhang ngayon lang natapos maligo.

"Ang oa mo huh? Para namang iba akong tao." umirap ako pagkatapos sabihin iyon. Hello? nong hindi pa sya nagka amnesia ay pumapasok kaya ako sa kwarto niya kahit naka towel pa sya o naka bra at panty lang. Ibang-iba na talaga ngayon, sobrang ibang-iba na.


"Bakit ka ba biglang pumapasok bakla. Where is your manners," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ouch! Ang sakit mag-salita huh. Pasalamat ka may amnesia ka.


"Hoy madam. Noon palang ay pumapasok na ako dito sa kwarto mo, ngayon ka pa magagalit?" bulyaw ko sa kanya. Bahagya akong umupo sa kama na pambabae.


The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon