KABANATA 22 (The operation)

12.6K 282 6
                                    

Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Papunta kami ngayon sa isang sikat at kilalang hospital dito sa Korea.

Isa sa magaling na surgeon dun ay ang kaibigan ni tito Shivyer. Ang sabi sakin ni Ann ay ang kaibigan ng daddy niya ang umayos sa kanyang mukha noon. Kanina pa ako nakatitig kay Ann. Kahit sang anggulo ay sobrang ganda ng pagkagawa ng kanyang mukha. Napakaperpekto!

Kinakabahan ako habang papalapit kami sa opisina ni Mr. Chin. Tila namamawis ang dalawa kong kamay sa kakahigpit hawak ko saking bag. Maging ang aking tuhod ay nanga-ngatog sa nginig.

Pumasok kami sa isang silid at napagtanto kong ito na ang silid ni Mr. Chin. Dahan-dahang pinihit ni tito Shivyer ang pintoan at bumungad samin si Mr. Chin na nakaupo sa harap ng kanyang mesa.


"Goodmorning Mr. Chin!" Napatayo si Mr. Chin sa gulat. Lumapad ang ngiti niyang makita si tito.


"Mr. Gomalez? Is that really you? Come on, you surprise me huh? Buong akala ko ay bukas pa ang dating nyo." Lumapit si Mr. Chin samin bago sila nag shake hands ni tito. Ang kanyang tindig at tangkad ay napaka iliganteng tignan. Bagay na bagay sa kanya ang salamin niyang suot.


"Oh come on, Chin. You look younger than your age." Nagtawan silang dalawa. Maging kami ni Ann ay natawa rin sa sinabi ni tito. Hindi ko alam kong ilang taon na si Mr. Chin pero napakabata niyang tignan sa totoo lang.


"Oh whose talking? Look at you Shivyer, you still looking good, so good to see you." nagtawanan ulit ang dalawa sabay ng pag tikhim ni Ann. Napaligon aa direksyon namin si Mr. Chin.

"Hi tito Chin, its nice to see you again." lumapit si Ann at niyakap si Mr. Chin.


"Hija, kumusta kana? Napakaganda mo parin, Ann." wika ni Mr. Chin na ikinangiti ni Ann.

"Ikaw talaga tito hindi ka parin nag babago, sobrang witty nyo parin." halakhak ni Ann na ikinatawa nilang tatlo.


"Nothing change about me hija. Anyway Mr. Shivyer, matanda ka na talaga." natawa si tito Shivyer sa sinabi ni Mr. Chin. "Look at your daughter. The beautiful little princess of yours is already growing up too fast." ibinahagi ni Mr.chin ang magkabila niyang kamay na tila proud na proud rin sya kay Ann.

"I know Mr. Chin. Please tell me if you figure out a way to slow it down." nagtawanan ulit ang dalawa. Tila nasisiyaha sa usapan. Naging tahimik ako sa gilid ni Ann.

"We find ways Mr. Shivyer." sagot ni Mr. Chin sa natatawang tono. May binulong sakin si Ann na ikinatawa ko. Ang sabi niya ay nagpapa feeling teenager ulit ang dalawa kahit matanda na.

"I turned into such a sap when I became a daddy Mr. Chin. I cry all the time with anything to do with Ann growing up." natahimik si Ann sa narinig mula kay tito Shivyer. Halos maluha sya sa tabi ko.


"Daddy naman eh, mamaya na yang drama natin. Remember nandito si Nicole." ngusong turo sakin ni Ann na ikinatawa ng dalawa.


"Sya na ba yong sinasabi nyo?" Si Mr. Chin na nakangiti sakin.


"Yes Mr Chin. We really need your help. I know you can't refuse me for this," naging maamo ang mukha ni tito kay Mr. Chin. Napangiti si Mr. Chin at lumapit sakin.


"Why should I? Kaibigan kita Mr. Shivyer, anytime mo akong malalapitan gaya ng pagtulong ng pamilya mo sakin." napatingin ako kay tito. Kong ganon matagal na nga silang magkakilala. Kong hindi ako nagkakamali sa narinig ko kanina kay Ann, ang pamilya ni tito Shivyer ang nagpaaral kay Mr. Chin. Kaya pala!


The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon