KABANATA 43

14.1K 286 25
                                    

Monica Point of View..


Buong akala ko ay kilala na ako ni mama. Buong akala ko ay naramdaman niya mula sa mga yakap namin.


[FLASHBACK]


Humiwalay si mama sa yakap sakin. Pinunasan niya ang mga luha ko at pinunasan ko rin ang mga luha niya. Sobrang sakit makita syang nahihirapan.

"Nakey," Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Sumikip ang dibdib ko na sa wakas ay narinig ko na kay mama ang katagang yan. Miss na miss ko na kong pano niya ako tawagin.

Tumayo bigla si mama ng nakangiti ngunit hindi sakin ito nakatingin.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito?" Agad akong lumingon sa babaeng nagsalita mula sa likuran ko. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Nakey...buti at sumunod ka agad," Dali-daling lumapit si mama sa kanya at agad itong niyakap. Sobrang sakit!

"Pagkatapos mong landiin si Justin, ngayon aagawin mo naman ang mama ko?" Bulyaw niya sa iritasyon.Naikuyom ko ang aking kamao at tila nagpigil sa galit na nararamdaman ko.

"Nakey...magkilala kayo? Anong sinasabi mong aagawin?" Pabalik-balik ang tingin ni mama saming dalawa.

"Hindi mo yan kilala ma," Mahinahon niyang sambit kay mama. Ikaw ang hindi nakakakilala sa babaeng yan ma. Kong alam mo lang sana!

Kaylangan kong kumalma.

"Pasensya na po Ma'am..kaylangan ko ng umalis," Dali-dali ko silang iniwan ata agad umalis. Nanatiling nakakuyom ang kamao ko sa galit. Sa pagkakataong ito ay natalo ulit ako ng Impostor.


[END OF FLASHBACK]

Sobrang sakit ng ulo ko sa sitwasyon kong 'to. Hinilamos ko ang mukha ko at paulit-ulit ginulo ang buhok.

Nahihirapan na ako pero kaylangan ko maging malakas. Sumulyap ako sa alarm clock mag a'alas nueve na pala ng umaga.

Tumungo ako sa banyo para makapaglinis.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso agad ako sa baba. Bumungad sakin si Drake at Ann mula sa garden. Mukhang may pinag-uusapang malalim.

Napadpad ang tingin nila sakin na agad kong ikinalapit.

"Goodmorning Drake. Ang aga mo yatang bumisita ah!" Pang-aasar ko. Natawa lang sya!

"Nag-papaalam lang ako kay Ann, mamaya na kasi ang flight ko puntang korea." Kumunot ang noo ko. Sumulyap ako kay Ann at nakabunsangot lang ito.

"Huh? Pano ang pag-aaral mo? Kunot noo ko.

"Dalawang araw lang naman ako dun.. Babalik din ako agad," Sagot niyang nakangiti.


"Ah! Ganon ba?" Ngisi ko.

"Balik ka agad babe huh," Si Ann sa malambing na boses.

"Matitiis ba kita?" Hinalikan ni Drake ang ulo ni Ann.


"Ahem," Tikhim ko kaya napalingon sila sakin. Nilalanggam na ako dito huh..

"Ay sorry...Hindi namin alam na may forever alone pala dyan," Pang-aasar ni Ann na ikinanguso ko.

Ang sakit huh!

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon