KABANATA 53

12.6K 263 7
                                    

"Si Sammantha ang nag papang-gap na ikaw,"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi Mark. Hindi ko alam pero halos ma statwa ako sa kinauupoan ko. Napahawak ako ng mahigpit sa manebela. Si Sammantha? sya ang rason ng lahat ng 'to? Itinulak niya ako sa hagdanan noon. Sobrang sama niya.

"Hindi ko maintindihan Mark. Bakit niya ginagawa ito?" Nalilito parin ako. Pilit kong ayaw maniwala. Sinakripisyo niya ang kanyang totoong mukha para ipalit ang akin?

"Ganyan sya ka desperada kay Justin. Gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya. Kong di lang naman sya mamahalin ni Justin bilang Sammantha!? Kaya niyang gayahin ang mukha mo, mahalin lan sya ng taong mahal niya." Napahilot ako sa sentidu. Bakit nagawa niya 'yon? minahal lang sya ni Justin ngayon dahil ako ang nakikita ni Justin.

Ikinuyom ko ang dalawa kong kamao sa galit. Ngayong alam ko na ang totoo kaya't kaya ko ng bawiin ang akin!

"At may isa ka pang dapat malaman," Nilingon ko sya. Kinabahan ako kong ano man yun.

"Magkapatid si Bleina at si Sammantha," Mas lalo lang nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi niya. Nakakalito ngunit pilit kong pinoproseso sa utak ko ang lahat. Ang galing nilang mag tago. Ang galing nilang umakteng sa harap ng mahal ko sa buhay.

Sinabi  sakin ni Mark ang lahat lahat.
Nang giit ako sa galit dahil sa nalaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala.

"Bakit alam mo ang lahat ng ito, Mark?" Umiwas sya ng tingin sa tanong ko. Narinig ko ang munti niyang buntong hininga bago ako sinagot.

"Dahil isa ako sa kasabwat nila noon. Pero Nicole maniwala ka! Gusto ko ng magbago, gusto kong ituwid ang mga mali kong nagawa," Sobrang sikip ng dibdib ko. Kaibigan ko sya pero naging kasabwat pala sya sa mga taong sumira sa buhay ko.

"Bakit mark? bakit mo ko niluko?" Gusto kong magalit pero kaibigan ko sya. Gusto ko syang sampalin pero hindi ko magawa.

"Dahil mahal kita noon pa," Tinititigan niya ako mata sa mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa nalaman kong ito. "Patawad Nicole. Gusto ko lang naman na agawin ka kay Justin noon. Pero nag sisisi na ako sa lahat. Umalis ako sa puder ni Bleina at napagdesyonang itama ang lahat ng mali ko," Isa-isang tumulo ang luha ni Mark. Kitang-kita sa mukha niya ang senseryo at pag-aalala.

Pumikit ako sa sakit sa nalaman ko ngayon. Bumuntong hininga ako bago sya sinulyapan.

"Samahan mo kong pumunta sa bahay," Agad syang natahimik bago tumango.


***

Tahimik kami buong byahe habang nag-mamaneho si Mark. Hindi ko sya pinansin at ibinaling nalang ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kong pano sya kakausapin ngayon.

Maging pagdating sa bahay ni mama ay wala parin kaming imikan.

"Anong balak mo?" Unang salita niya. Sumulyap ako sa kanya na pagod na pagod.

"Uunahin ko ang Impostor," Giit kong sabi habang nakatitig sa bahay namin. "Pinahiya niya ako sa buong campus kahapon kaya ipapahiya ko rin sya bukas. Sinaktan niya ako at sasaktan ko rin sya pabalik. Gusto ko ng patas na laban!" Hamon kong wika. Kuyom ang magkabila kong kamao sa galit.

"Nandito lang ako," Sumulyap ako sa kanya. Tumango ako bilang pag-alis saka niya pinaandar ang kotse.

Sumulyap ako muli sa bahay.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon