KABANATA 20

12.1K 293 5
                                    

Nicole Point of View

Nandirito ako sa malayo habang pinapanuod si Besty at mama. Nasasaktan ako sa bawat sigaw at hagulgol ni mama. Tagos hanggang likod ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Sobrang nasaktan sya sa pagkawala ni papa. Gustohin ko mang lumapit at yakapin ka sa pagluluksa mo mama, pero di ko magawa dahil ipagtataboy mulang ako ulit.


"Nicole," Hinimas ni Ann ang likod ko. Nasa loob kami ng kotse niya habang sinisilip ko si mama at Besty mula sa bintana.


"Ayos lang ako Ann, kaya ko pa ang sakit." Pag-sisinungaling ko saka pinunasan ang bawat patak ng aking luha. Ang totoo ay hindi ko na kaya ang sakit na dala-dala ko.


"Magsabi ka lang sakin huh? Nandito lang ako Nicole. Handa akong makinig sayo " nilingon ko sya  na may luha saking mata. Isa-isa niyang pinunasan ang luha ko sa mata. Sa ginawa niyang iyon ay hindi ko masasabing nandidiri sya saking mukha dahil nakakailang hawak na sya nito.

Sobrang bait pala ni Ann kahit nong una ay galit na galit sya sakin. Kabaliktaran sya sa ugali ng bestfriend kong si Bleina. Naging mabait sya nong una pero sa huli ay ang sama-sama niya pala.


"Salamat sa lahat-lahat Ann." napasinghap sya sa sinabi ko.


"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya sakin na ikinailing ko ng ilang ulit.

"Isang oras lang Ann, isang oras para makausap ko si papa." Tumango siya saka hinagod ang likod ko. Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana.

Ilang minuto ring dumaan ay umalis narin si Besty at mama. Dali-dali akong lumabas kasama si Ann patungo sa puntod ni papa. Dahan-dahan akong lumapit habang pumapatak ang mga luha ko sa mata. Lumuhod ako sa harap ng puntod niya saka hinimas 'yon.


"Papa," Humagulgol ako ng iyak sa sobrang sakit sakit. "Papa bakit mo ko iniwan?" pinunasan ko ang bawat patak ng aking luha. Gusto kong masilayan ang pangalan niya sa lapeda. "Hindi manlang kita nayakap at nakausap, bakit sa panaginip lang papa?" sobrang sakit ng puso ko habang pinipilit kong itinutulak ang aking dibdib. "Mahal na mahal kita papa. Patawarin nyo po ako." niyakap ko ang magkabila kong tuhod at umiyak ng umiyak. Naramdaman ko nalang ang yakap ni Ann mula sa likod ko.


"Tahan na Nicole, baka ano pang mangyari sayo." Naramdaman kong umiyak rin si Ann sa puntong ito.


"Hindi ko alam kong saan ako magsisimula, Ann. Kahit na niluko niya kami ay papa ko parin sya." halos hindi ako makahinga sa sobrang sikip ng aking dibdib. "Mahal na mahal kita papa. Pangako babawiin ko ang pamilya natin. Pangako!" nang giit ako sa galit saka dahan-dahang pinunasan ang mga luha sa pisnge.

Dalawang oras kaming nanatili sa puntod ni papa hanggang sa napag desyonan kong tumayo. Inayos ko ang sarili ko bago nagbuntong hininga.

"Babalikan kita papa at babalik ako dito ng buong-buo. Babalik ako dito ng hindi na umiiyak papa. Hinding-hindi na." Ayaw na ayaw ni papa ang umiiyak ako. Kaya ito na ang huli!

Naging tahimik kami ni Ann sa buong byahe. Sinandal ko ang ulo ko saka pinikit ang dalawang mata. Bawat guhit ng mukha ni papa ay ini'imagine ko. Bawat ngiti ni papa ay na mi'miss ko.

Pag-uwi namin sa mansyon ay unang bumungad samin si tito Shivyer na may kausap sa telepono. Dali-dali niyang binaba iyon nang makita niya kami.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon