KABANATA 18

12.3K 284 8
                                    

Nicole Point of View

"Kailangan kong makita si papa Ann, please " Umiiyak ako sa harap ni tito at ni Ann. Halos mapaos ang boses ko sa kakaiyak kanina pa.

"Nicole, hindi ka nila makikilala. Anong gagawin mo? Magwala ka don? Pagkatapos? Sasaktan ka nila at ano pa? Ipagtataboy ka nila, dahil hindi sila maniniwala na ikaw ang tunay na Nicole." Sunod- sunod na singhal ni Ann. Umiiyak ako habang niyayakap ang sarili. Hindi ako mapakali kong anong nangyari kay papa.

Hinila niya ako agad pauwi kanina.

"Tama si Ann, Nicole. Baka ano pang mang-yari sayo. We're just cared about you." Si tito.

"Wala na pong oras tito, kailangan kong makita si papa ngayon. Please tito shivyer please. Nag mamakaawa ako sainyo." hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Ann. Halos maluha din sya sa bawat patak ng aking luha.

"Nicole naiintindihan kita. Babawiin natin ang pamilya mo. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay mag pakatatag. Pinapasundan na namin ang pamilya mo sa private imbestigator ni daddy. Hintayin lang natin kong anong balita." Wika ni Ann saka ako niyakap nito. "Wag kang mag-alala nandito kami ni daddy."

"Si papa ang papa ko. Gusto ko syang makita, hindi ko alam ang gagawin ko pag may masamang mangyari kay papa." Ang sakit ng dibdib ko. Nanginginig ako sa kaba at pag-alala kay papa.

Sabay kaming napalingon ni Ann kay tito ng may tumatawag sa phone niya.

"The imbestigator." Dali-dali syang tumayo. Kinabahan ako bigla ng sinagot ni tito ang tawag.

"Yes, what's the news?" Napatingin sakin si tito na blanko ang ekspresyon ng mukha. Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang phone saka binaling ang tingin sakin.

"Dad, what is it?" Tinignan ako ni tito. Nanginig ang buong katawan ko at unti-unting na proseso sakin ang lahat.

"Ang papa mo!" Saad ni tito kaya napa hagulgol ako ng iyak.

Napa upo ako sa sofa sa sobrang sakit ng dibdib. Bumuhos ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Na statwa ako habang nakatitig kay tito shivyer. Ayaw kong maniwala sa iniisip ko. Pero alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Im sorry Nicole." lumapit sakin si Ann saka ako niyakap ng mahigpit.Tinulak-tulak ko ang dibdib ko sa sakit ng naramdaman ngayon.

"Hindi! Hindi yan totoo, nag sisinungaling lang kayo.... Hindi!" tinakpan ko ang magkabila kong tenga habang patuloy na humahagul-gol ng iyak.

"Nicole tama na." yakap-yakap parin ako ni Ann habang pinipigilan akong umalis.

"Kailangan kong puntahan si papa. Kailangan kong puntahan si papa." nagwawala ako sa sakit na naramdaman ko. Tumayo ako saka humiwalay sa pagkayakap kay Ann.


"Nicole," Pigil ni Ann.

"Kailangan kong puntahan si papa, aalis ako." Nagmadali akong tumayo at tinalikuran sila agad, ngunit hinila ako ni Ann pabalik.

"Anong gagawin mo? Hindi ka nila paniniwalaan dahil sa itsura mo ngayon Nicole. Naiintindihan mo ba ako?" Bulyaw ni Ann. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit.

"Anong gusto nyong gawin ko? Ipapaayos 'tong pangit kong mukha?" turo ko saking mukha ng paulit-ulit. "Kahit ipaayos ko pa ang mukhang 'to ay wala rin namang mangyayari. Hindi maibabalik ng sunog kong mukha ang buhay ni papa. Naiintindihan mo ba ako Ann?" Bulyaw ko sa sobrang sakit ng aking dibdib. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko saka ko sya tuluyang tinalikuran.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon