KABANATA 14

12.2K 272 3
                                    

Nicole Point of View...

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi ko na nakikita si Ann sa bahay ni tito. Ang sabi sakin ni Mena ay nasa condo niya lang iyon. Gusto ko syang makausap at manghingi ng patawad sa lahat ng nagawa ko.


"May iniisip ka?" Putol ni Gino sa katahimikan ko kanina pa. Nawawal ako sa sariling pag-iisip.


"Naiisip ko lang si papa." sagot ko habang sinusuklay ang buhok. Maaga akong pumasok para maaga akong matapos sa paglilinis. Bibisitahin ko ulit si papa sa hospital ngayon. Kailangan kong malaman kong anong nangyayari sa pamilya ko. "Labas na ako Gno huh," paalam ko saka sya tumango.

Tulak-tulak ko ang cart papuntang dulo ng corridor. Palagi ako doon ina'assign ni Gino dahil naiintindihan niya naman ang sitwasyon ko. Nagsimula na akong maglinis sa banyo. Walang masyadong pumapasok sa banyong ito. Minsan naman ay may pumapasok kaya panay ang yuko ko.

Pagkatapos kong maglinis ay bumalik narin ako sa locker at nag-ayos ng sarili. Wala pa si Gino at mukhang naunahan ko sya. Siguradong hindi pa iyon tapos. Sinusuklay ko ang buhok ko habang nakaharap sa locker na may salamin.


"Pwede ka bang makausap?" Agad akong napalingon sa likuran ko dahil sa gulat. Napahawak ako sa dibdib ko!


"Ann?" Gulat kong saad na may halong tuwa at lungkot. Ilang araw ko rin syang hindi nakikita.


"Gusto kitang makausap sandali," Blankong ekspresyon niya sakin.


"Anong pag-uusapan natin?" hamon kong sagot. Nag taas sya ng kilay.


"I wan't to talk with you in a private place."  Marahan niyang sambit. Napasinghap ako.

"Sige. Magbibihis muna ako saglit!" Dali-dali kong pinulot ang bag sa upoan.

"Sumunod ka nalang sakin." taas kilay nyang sabi saka ako sumunod sa kanya. Tahimik kami buong byahe. Minsan ay nililingon ko sya ngunit seryoso lang itong nakatingin sa harap ng daan. Kinakabahan ako at hindi ko alam kong anong pag-uusapan namin. Hindi ko naman sya masisisi kong ayaw niya talaga sakin.

Inihinto niya ang kotse sa isang childrens park. Hindi pa ako nakakapunta dito pero mukhang tahimik at maaliwalas ang buong paligid. Bumaba sya ng kotse saka ako sumunod. Sinundan ko sya patungo sa isang bench na nakapalibot sa isang punong talisay. Tahimik lang sya habang nag lalakad kami. Bawat galaw ni Ann ay napagkakaalamang arogante at galing sya sa mayamang pamilya.

Nauna syang umupo sa upuan. Binaling niya ang tingin sakin na ma awtoridad.

"Anong pag-uusapan natin?" Direkto kong tanong at saka umupo sa tabi niya. Pinagdikit niya ang kanyang mga hintuturo saka ito tumingin sakin ulit.

"Narinig ko lahat ng pinag-usapan nyo ni daddy," Marahan akong pumikit sa sinabi niya.

"Labas kana dun!" Tumayo ako saka sya tinalikuran. Hindi ko alam pero nagalit ako sa puntong ito.

"Sino ka ba talaga huh?" Giit niyang sabi saka ko sya nilingon. Ang bawat titig niya sakin ay para bang pinag-aaralan ako.

"Bakit interesado ka?" Hamon kong sagot na ikinagiti niya. Isang ngiting galit.

"Binuhusan ka ng asedo diba? May gustong pumatay sayo kaya ka nag tatago diba?" Taas kilay niyang sabi sabay tayo at lumapit sakin. Kinakabahan ako! Pano niya nalaman ang lahat? Hindi ko alam kong ano ang balak niya.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon