KABANATA 55

13.3K 275 4
                                    

Monica Point of View

Sabay kaming pumasok ni Ann sa school. Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa klase dahil sa kahihiyan na ginawa ni Impostor. Pero ngayon ay wala na akong pakialam sa sasabihin nilang lahat. Gusto ko lang bawiin ang akin.

"Grabe ang awayan nila kanina noh?"

"Oo nga sobrang galit na galit nga si Mary eh."


"Nasa principal office sila ngayon girls. Ano na kayang nangyari?"


"Sigurado akong ma e'expel silang dalawa. Akala ko pa naman ay si Monica lang 'yong ahas dito, pati ba naman si Nicole?"

Sabay kaming napalingon ni Ann sa mga babaeng nagkukumpolan sa may lobby. Napangiti ako habang naririnig ko ang lahat. Sigurado akong hindi uurongan ni Mary si Impostor, dahil matapang si Mary.

Sa buong campus ko pinadikit ang poster na may larawan ni Zin at Impostor. Alam na ito ni Mary dahil sinabi namin kagabi, okay lang naman sa kanya ang lahat at handa syang tulongan kami sa pagpapahiya kay Impostor. You deserve all this, Impostor. Wala na akong pakialam kong may madamay man at masaktan. Gusto ko lang malaman nila kong ano karin.

Agad kong hinila si Ann patungong Principal office. Nakalock ang pintoan at sigurado akong nasa loob pa ang dalawa. Napagdesyonan naming maghintay ni Ann sa gilid.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at bumungad samin si Impostor na medyo magulo ang buhok. Nasa likod niya ay si Mary na ganon din ang buhok. Dali-daling lumapit si Ann kay Mary.

"What happen?" Maang-maangan ni Ann. Nanatili akong nakatitig kay Impostor na may ngiti. Lumapit sya sakin.

"Alam kong ikaw ang may gawa nito, Monica." Irritable nitong sambit. Lumapit din ako sa kanya.

"Maraming na mamatay sa maling akala. Mag-ingat ka baka mamaya patay kana," Pang-aasar kong sagot. Igting panga niya akong tinignan.

"Gumaganti kana sakin ngayon?" Taas kilay niya.

"Oo kasi naniniwala ako sa kasabihang, the evil you do remains with you."  Nguso ko. Ang sarap niyang tignang magalit. Magalit ka lang Impostor!

"Binabalotan ka na talaga ng insecurities Monica. Kaya pati kami ni Justin ay hindi mo kayang lubayan," Naging sobrang sama ng tingin niya sakin ngayon. Bakit ko naman sila lulubayan eh, akin naman talaga si Justin. Big wow! Nasa kanya ang dapat ay akin.

Mas lumapit pa ako sa kanya.

"Kasi ang akin ay akin ang na saiyo ay akin." Ma awtoridad kong tono. Tila namumutla ang kanyang itsura ngayon.

"Walang naging sayo Monica. Huwag kang mag panggap na naagawan ka na." Ang galing niya talagang umaakteng na na'aagrebyado. Best actress!

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Ann sa braso ko. Alam kong ayaw niya ng gulo dahil nasa harap lang namin ang office ni Mr. Diego.

"Huwag karing feeling na inagawan ka na, dahil ang totoo ikaw ang nang-agaw." Bulyaw ko. Umusok ang tenga niya sa galit. Lumapit sya sakin at aakmang sasampalin ako ng inunahan ko agad. Sya "Sige," Hamon ko. "Sige isampal mo." Hindi sya makasagot at nanatiling nakataas ang kanyang kamay. "Sige isampal mo. Bakit hindi mo magawa? isampal mo na sakin. Naduduwag ka?" Sigaw ko kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay. "Duwag ka dahil mag panggap ka. Duwag ka dahil takot ka, duwag ka dahil masama ka. Ikaw ang totoong mang-aagaw dito Nicole. Gusto mong mag kaalaman na tayo? Ano?" Bulyaw ko kaya napa atras sya. Ang kanyag titig ay nag-bago, may halong takot at kaba.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon