KABANATA 59

12.4K 262 7
                                    

Monica Point of View

Dali-dali akong umakyat sa kwarto ni Ann na kinakabahan. Kailangan kong kausapin si Ann at Drake, kailangan kong sabihin lahat kay Drake. Bakit hinayaan kong magsama ang dalawa ng ganito katagal kong alam ko na ang lahat ng katotohanan?

Kinakabahan ako habang tumatakbo patungo sa kwarto niya.

Pinihit ko ang door knob saka agad tinulak ang pinto. Nanlaki ang mata ko dahil walang tao sa kwarto ni Ann. Nakabukas ang veranda ng bintana kaya agad akong tumungo mula duon. Agad akong napaatras ng makita ko si manong gwardya sa gilid ng kama ni Ann na naka bulagta. Napatakip ako saking bibig, dahil may dugo sa ulo si manong.

Nakarinig ako ng ungol mula sa lobby kaya agad akong sumilip doon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita si Ann na nakatali ang kanyang dalawang kamay sa likuran at naka masking tape ang kanyang bibig.

Umungol sya ngunit hindi ko maintindihan kong anong ibig niyang sabihin, tumutulo ang luha niya kaya agad akong lumapit sa kanya. Hindi pa ako nakakalapit kay Ann ng may biglang tumakip sa bibig gamit ang hawak nitong panyo.

Dahan-dahan kong naipikit ang dalawa kong mata.


***

Nagising nalang ako ng may bumuhos na malamig na tubig sakin. Unti-unti kong dinilat ang mata ko at napagtanto kong pmailyar ang bodega sakin. Dito na ako nanggaling noon. Parang bumabalik lang sakin ang lahat.

Inangat ko ang ulo ko at tumambad sakin si Impostor na pulang-pula ang labi habang ngumunguya ito ng bubblegum.

"Gising na pala ang prinsesa," Nakapamewang niyang sabi. Halos makagat ko ang aking ngipin sa galit.

Luminga-linga ako sa paligid at napadpad ng mata ko kay Ann. Nakaupo sya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likuran niya.

"Hayop ka Sammantha!" Sigaw ko sa paos na boses. Lumapit sya sakin saka ako sinampal.

Tumagilid ang mukha ko sa malakas niyang sampal.

"Masyado kang pakialamera Nicole," dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko sa kanya. Nakangiti syang aso habang ngumunguya parin ng bubblegum. Kilala niya ako? Pano? "Nicole Peru Staines, right?" Ibinahagi niya ang kanyang kamay bago sabihin iyon. Sumasakit ang ulo ko, panong? "Let just say, Nicole Gomalez,"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sobrang sikip ng dibdib ko. Tumulo ang luha ko sa sakit na naramdaman ngayon. Si tito Shivyer ang totoo kong papa? Ayaw kong maniwala pero pilit ko paring naniniwala. Tama nga ako! Tama ako sa lahat ng nasaksihan ko!

Umungol si Ann at napagtanto kong gising na sya. Unti-unti niyang inangat ang kanyang ulo at napadpad ang tingin niya sakin. Umiyak sya ng makita niya ako! Sobrang sakit, nasasaktan ako para kay Ann. Pano nangyari itong lahat?

"Monica!" Humagol-gul sya ng iyak. Kitang-kita ang takot sa mga mata niya.

Lumapit si Impostor kay Ann.

"O-ohh.... the original Staines, or should I say Ann may Givarry. Hows your feeling now?" Nanlaki ang mata ni Ann sa sinabi ni Impostor. Tila hindi sya makapaniwala. Sobrang sikip ng dibdib ko sa nalaman. Bakit ganito kasakit? Bakit ganito kabigat? Staines? Taman ba ang narinig ko?

"What did you just say?" Bulyaw ni Ann sa galit.

"Just what you hear, Ann." Sarkastikong sagot ni Impostor.

"Hindi kita maintindihan hayop ka!" Sigaw ni Ann. "Bakit mo ginagawa samin to? Ang duwag mo naman. Lumaban ka ng patas." Umugong ang boses ni Ann kaya lumapit si Impostor sa kanya na may dalang baril saka niya sinampal-sampal kay Ann ang ulo ng baril. Napaiyak si Ann sa ginawa ni impostor. Napapikit ako sa sakit ng makita si Ann sa sitwasyong 'to. Kasalanan ko ang lahat ng to kong bakit nadamay sya dito, dapat ako lang ang nandito at hindi kasama si Ann.

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon