KABANATA 9

13.9K 295 4
                                    

"Tito handa na po akong magtrabaho sa company nyo," direkto kong sagot na ikinatahimik niya. Kagabi ko pa ito iniisip. Kailangan kong magtrabaho para sa pampagamot sa mukha ko.

"Are you sure with that Nicole? Pwede ka naman dito sa bahay nalang?" Ismid niya habang umiinom ito ng kape.

Maaga akong gumising para lang talaga kausapin si tito Shivyer ngayon.

"Opo tito sigurado ako. Para po makabawi ako sa tulong nyo sakin." Nagtiim sya ng bagang sa sinabi ko.


"Nicole..... Ako ang may otang na loob sayo." Binaba niya ang mug ng kape saka ito sumulyap sakin.


"Kailangan ko kasing mag ipon ng pera para sa pampagamot ng sugat ko sa mukha." halukip'kip kong sagot. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"Nicole hindi mo kailangang mag ipon, as i told you before i am here welling to help you." umiling ako ng ilang ulit. Nakakahiya man ngunit kailangan kong tanggihan.

"Tito, gustohin ko mang tanggapin ang alok nyo, pero naisip ko lang kasi na mag trabaho sainyo gagawin ko po yong isang rason para matulongan nyo ako sa mukha ko." napangiti si Tito sa sinabi ko. Dahan-dahan syang nalinawan sa maari kong gusto.

"Okay. Kailan mo gusto mag simula? Pwede kang maging sekretarya ko," Literal akong nagulat sa narinig.

"Ho? Naku po tito okay na po ako sa janitress o kaya sa maintenance. Ayaw ko rin po kasing masyadong expose sa ibang tao. Baka kasi matakot lang po sila sakin." Marahan syang nag buntong hininga at tila napaisip ulit.


"Sige kong yan ang gusto mo. E'aasign kita sa maintenance. Okay na ba yun sayo?" Dali-dali akong tumango. Okay na okay na yun sakin.


"Opo tito walang problema po sakin iyan. Maraming salamat po talaga." Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay. Hindi ko maipaliwanag kong gano ako kasaya ngayon. Sobrang bait niya sakin at dapat ko syang paglingkuran kahit sa malilit na bagay lang.


"What is the meaning of this?" Sabay kaming napalingon sa hagdanan. Pababa na si Ann na ma awtoridad. Agad kong binitawan ang kamay ni tito Shivyer.

"Akala ko ba ay umuwi kana?" Bagsak boses na saad ni tito saka ulit uminom ng kape. Humalukip-kip ako sa puntong ito.

"Kagabi pa ako dito dad. And im staying here for good." Lumapit ito kay tito Shivyer saka humalik sa pisnge.


"Bakit ngayon mo pa naisipang bumalik?" Taas kilay na tanong ni tito. Yumuko ako saka sila hinayaang mag-usap.



"I want to be with you, thats all dad!" ngiti nito na may halong inis.



"Okay...... And i hope for good reason, Ann. Kailan mo gusto bumalik sa pag-aaral?" napasulyap ako kay Ann. Kong ganon hindi sya nag-aaral?



"Nakapag enroll na po ako sa isang University. Just what you said dad. I will be an successful business woman, soon. I promise." Nag-taas nang kilay si tito Shivyer sa narinig.



"Good. What University?" si Tito.



"Flien University dad!" Direktong sagot ni Ann kaya kinabahan ako bigla. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tila namutla ako sa narinig. Hindi ako makagalaw. Sumulyap sakin si tito Shivyer.



The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon