Mark Point of View..
Pagkatapos nong nangyari sa shop ay hindi ko na nakausap si Bea. Ang sabi sakin ng mga katulong nila ay sumama si Bea sa mommy niya patungong state. Ang sakit-sakit lang dahil hindi ko manlang sya nakausap o mayakap kahit saglit. Nakakailang text na ako sa kanya ngunit hindi ako nirereplayan nito. Ngayon lang ako nag-kakaganito sa buong buhay ko.
Hindi ko alam kong pano ko sisimulan ang pagsasabi ng totoo sa kanya. Palagi nalang akong nag-sisinungaling, kahit ang totoo ay palagi ko syang binabantayan.
Kailangan kong pumunta ulit sa bahay nila, nagbabasakaling baka umuwi na sya.
Pagdating ko palang sa bahay niya ay bumungad sakin ang kotse ni Justin na palabas ng gate. Dali-dali rin akong lumabas ng kotse ko. Gusto ko syang makausap.
Lumabas din sya sa kotse niya at lumapit sakin. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa ng sinuntok niya ako. Napaatras ako sa ginawa niya habang hawak-hawak ang labi.
"May gana ka pang magpakita sakin? Sinaktan mo ang kapatid ko," Lumapit sya sakin at kwenelyohan ako. Kitang-kita sa mukha niya ang galit.
"Magpapaliwanag ako Justin," Itinaas ko ang kamay ko bilang pag-suko. Naaninag ko ang dalawang gwardya na lumapit samin at agad kaming pinaghiwalay.
"Sinaktan mo si Bea, na kailanman ay hindi ko ginawa sa kapatid ko!" Lalapit pa sana sya sakin ng pinigilan sya ng dalawang body guard nila. "Umalis kana!" Turo niya sakin habang pumipiglas sya sa dalawang body guard na nakahawak sa kanya.
Kinuyom ko ang dalawa kong kamao sa galit. Marahan akong pumikit.
"Malalaman mo rin ang totoo Justin. Sigurado kong pag-sisihan mo 'tong lahat." Huli kong sabi bago sya tinalikuran.
Pinaharurot ko ng mabilis ang kotse at napagdesyonang bumalik nalang sa condo. Napahigpit ang hawak ko sa manebela habang naiisip ang katangahan kong ginawa noon. Mahal na mahal kita Bea, sana ay mapatawad mo ako.
Wala ako sa isip habang nagmamaneho. Naalala ko nanaman si Bea. Pano kong ito na ang huling araw ko, pano kong hindi ko na sya ulit makikita? Naiisip ko palang 'yon ay sobrang sakit.
Pagpasok ko palang sa parking lot ay may naaninag na akong dalawang lalake na nakaharang sa daan. Kilala ko sila at hindi ako nagkakamali ito ang mga taohan ni Sammantha. Kinabahan ako bigla. May dala silang baril at itinutok ito sakin.
Dali-dali kong dinukot ang phone sa bulsa.
Nangingiyad ang mata ko habang nag tatype. Kong ano man ang kahahantungan ko ngayon ay wala na akong pakialam, ang importante sakin ay nasabi ko kay Bea ang dapat sabihin, na dapat ay matagal ng ginawa ni Nicole. Mahal ko si Nicole bilang isang kapatid at kaibigan. Masakit man para sakin ang nangyari sa kanya, pero kailangan kong ibuhis ang sarili ko para sa mga taong mga mahal ko.
Agad kong ibinalik ang phone sa bulsa, bago napagdesyonang bumaba.
"Anong kailangan nyo?" Unang bigkas ng bibig ko ngunit natatakot.
"Long time no see Mark Damon," Biglang lumabas si Sammantha sa isang itim na ferrari. Nagagalit ako sa mukha niya, kahit mukha pa ni Nicole ang nakikita ko sa harap ko ngayon. "May mga ka tanongan lang naman ako na dapat masagot mo." Nagsindi sya ng sigarilyo pagkatapos sabihin yun. Naikuyom ko ang aking kamao.
"Wala kang makukuhang impormasyon sakin Sammanthan," Bulyaw ko kaya tumawa sya ng malakas at umalingaw-ngaw ito sa parking lot.
Bumubuga sya ng usok.
BINABASA MO ANG
The Reveal and Revenge [ Book 2 ]
Jugendliteratur-COMPLETED BOOK [2] of THE HIDDEN LOVE Makakabalik ka nga sa lugar Pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo Pero hindi na mauulit ang Nararamdaman nyo noon. Lahat ng nangyari noon Ay isa na lamang na Masayang gunita ngayon. Isang...