KABANATA 16

12.2K 266 0
                                    

Bea Point of View

Umiiyak ako habang yakap-yakap si kuya Justin. Kanina pa nandito sa emergency room si daddy. Hindi ko alam kong ano ang aking gagawin pag nawala si daddy samin, hindi ko alam kong saan ako magsisimula pag nangyari iyon. Dyos ko wag naman sana, kailangan pa namin si daddy.

"Jenry!" Umiiyak si tita Belle habang yakap-yakap si Nicole na ngayon ay walang bahid na luha sa mata. Hindi ko alam kong anong tinatakbo ng isip niya. Mahal niya si daddy at alam namin iyon lahat. Pero bakit walang luha ang tumutulo sa mata niya ngayon? Sobrang kalmado niya.


"Clear," Saad ng Doctor sa kasamang nurse habang pa balik-balik niyang dinidikit ang Defibrillator sa dibdib ni daddy.

Naawa ako kay daddy habang nag pa lundag-lundag sya sa kama. Halos hindi ko na makita si daddy, halos wala akong marinig kundi puro iyakan lang sa loob ng kwarto.


"Shit..... Bakit nangyayari ito kay Daddy," Bulyaw ni Jun bago sinuntok ang pader ng ilang ulit. Mas lalo akong naiyak sa mga naririnig.

Gusto kong takpan ang tenga ko at ayaw kong marinig ang bawat bigkas ng bibig ng Doctor. Ayaw ko, ayaw kong makinig.


"Confirm the patient," saad ng Doctor ng ilang uit. Halos mabingi ako sa kakaiyak. Humiwalay si kuya sa pagkayakap sakin saka ito napahilamos sa mukha niya. Ramdam ko ang takot at sakit ni kuya. Napayakap ako saking sarili.


"Jenry huwag mo kaming iwan please!" nanghihina na si tita Belle habang pinipigilan ito ni Cris at Bleina. Basag at paos na ang boses ko sa kakaiyak ngayon, hindi ko na kaya at tila babagsak ang katawan ko sa sahig.


"It's unconscious Doc, no breathing, No pulse."

Namanhid ang tuhod ko sa sinabi ng isang nurse. Anong ibig nilang sabihin? Tika lang? Ayaw kong maniwala.



"Jenry!" Lumapit si tita Belle  sa kama saka niyakap ng mahigpit si daddy. Nabibingi ako sa lahat ng mga naririnig ko ngayon. Halos wala akong marinig kundi iyak at hagul-gol namin sa loob.


"Shit..... Hindi pwede 'to." sinabunotan ni kuya Justin ang kanyang sariling buhok saka ito na pa'upo sa sahig. Halos na statwa ako kinatatayuan ko ngayon.


"Papa no," Napatakip bibig si Nicole habang dahan-dahang lumapit sa kama kong saan nakahiga si daddy. Ayaw kong maniwala, gusto kong pumikit ulit na sana ay isa lang itong masamang panaginip.


"Attach the electrode pad's to the patient bare chest." bulyaw ng Doctor na halos mataranta.

Bumagsak ang katawan ko sa sahig. Unti-unti kong na proseso lahat ng nangyayari. Kanina pa ako nakatitig sa Doctor at hinihintay ang kanyang maaring sasabihin. Umiling ang isang nurse na tila nawalan ng pag-asa. Tinignan ng Doctor ang kanyang relo na mas lalo kong ikinaiyak.

Kinabahan ako. Ayaw kong marinig, ayaw kong marinig ang sasabihin ng Doctor. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga saka pumikit at yumuko.


"Time for death 12:30pm."

Kusang pumasok sa tenga ko ang sinabi ng Doctor. Namanhid ang katawan ko sa narinig.

Time for death 12:30pm.

Time for death 12:30pm.

Time for death 12:30pm.

Paulit-ulit na pumapasok sa tenga ko ang sinasabi ng Doctor. Hindi! Hindi totoo ang lahat ng ito. Nagsisinungaling lang silang lahat. Ayaw kong maniwala! Ayaw ko!

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon