KABANATA 48

12.4K 264 1
                                    

Maaga kaming nagising para sa huli naming pupuntahan at 'yon ay ang Dio Waterfalls. Sobrang excited na excited ang lahat na magtampisaw sa talon. Kasabay ko parin ngayon si Jennifer.

Kalahating oras kaming naglakad at sa wakas ay narating narin namin ang talon. Laglag lahat ng panga namin sa ganda ng lugar. Kaya pala ang daming torista ang naghihirap na umakyat dito dahil napakaganda talaga ng talon. Sobrang worth it ng pagod at sakit ng aming katawan ngayon.

"Woooo.... It's swimming time,"

"Yieeeeee picture tayo guys,"

Umugong ang hiyawan ng mga kaklase ko. Maging ako rin ay napahiyaw sa tuwa ar saya. Naging busy kami sa kakakuha ng larawan.

"Let's take a picture come on guys," Palakpak ni ma'am saka kami lumapit sa kanya. Pumwesto ang lahat. May dalang DSLR ang isa naming ka klase at iyon ang ginamit sa pagkuha.

Ang dami naming nakuha. Sobrang saya ng lahat, tila nakakagaan sa pakiramdam ang ngumiti ng ganito kalapad.

"Swimming swimming swimming," Pa ulit-ulit na kanta ng mga boys.

"Please boys huwag masyadong makulit. Who'se not good in swimming here please do bring life jacket. We have here some of it. Please girls becareful, dont go near in the water falls." Palaging paalala ni ma'am sa lahat.

"Yes ma'am Macalisang," Sagot naming lahat na nakangiti parin .

"And please! Please! We have here a local guide. Water may sometimes be treacherous. You must be swim on a certain portion of the water. Understood!" Paalala ulit ni ma'am. Naiintindihan namin sya dahil sya ang malalagot kong may mangyayaring masama isa samin. Sana nga at wala!

"We will ma'am," sagot namin ulit. Kitang-kita sa mukha ni ma'am ang pag-aalala.

"Okay you can swim now," Nag-uunahang maghubad ng damit ang mga kalalakihan saka sila tumalon sa tubig. Lahat ng mga babae ay naghiyawan sa iritasyon at tuwa.

"Kyaaaaaaah!"

"Ano ba naman yan. Nabasa pa tuloy ako,"

"Dah wala silang mga abs,"

Maarteng hiyaw ng mga babae. Natawa ako dahil sa mga itsura nila ngayon. Kinuha ko ang digicam sa bag at nag-simula ulit kumuha ng mga larawan.

"Monica mauna na akong maligo sayo huh!?" Sumulyap ako kay Jen bago tumango. Tumungo sya sa mga kalalakihan at nakisama sa pagtatampisaw. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga larawan.

"Ayaw mong maligo?" Nagulat ako ng may biglang magsalita saking likuran kaya biglaan kong napindot ang digicam ng malapit ito sa kanyang mukha. Nanlaki ang mata ko!

"I'm sorry," Ngiwi ko bago umatras.

"It's okay edelete mo nalang," mahinahon niyang tugon sakin.

"Pasensya na talaga," sulyap ko bago umiwas ng tingin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Bakit hindi ka pa sumali sa kanila?" Tinignan ko sya sa sinabi niya. Nakapamulsa syang nakatitig sa mga kaklase namin. Sumulyap ako sa mga kaklase kong naliligo na at mukhang nagkakasiyahan.

"Mamaya na siguro," sagot kong nakahalukipkip. Napatitig ako sa kanya. Sobrang taas talaga ng higanteng to. Naiinis ako! Hindi niya ba talaga ako nakikilala? kahit sa boses ko manlang?

The Reveal and Revenge [ Book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon