Sulli's POV
Isang linggo na ang nakalipas at Sunday na ngayon. Ngayon na rin ang araw na kung saan inimbitahan ni kuya si Minho para magdinner sa amin. Kasama rin ang parents niya at mga kapatid niya pati si Baby Yoo.
At eto ako busy sa panonood kay manang, kuya Shej, kuya Troy at M na magluto. Nung nagsabog kasi ang diyos ng biyaya para sa magaling magluto nasa unahan sila at ako naman ay nasa likod ako ng pila. Triny ko naman magaral yun nga lang kung hindi sunog, under cook. kaya eto ako paabot abot o kaya pahiwa hiwa nalang.
Kahit pwede yung mga katulong nalang ang magluto ayaw nila. Bored daw kasi sila kaya para may magawa sila nalang ang nagprisinta na magluto.
" Mag ayos ka na kaya Sulli!" sabi ni M.
" Oo nga iha magpaganda kana kami na ang bahala dito." sabi ni Manang.
" Hala.Nakakahiya naman po wala akong natulong."
" Ano kaba parang may maitutulong ka naman sa pagluluto." sabay sabi ni kuya Shej. Sinamaan ko siya ng tingin yung tipong nakakamatay. Joke.
" Yeah. kaya na namin to." sabi ni kuya Troy.
" Sure?" tanong ko.
" Oo! Kaya umalis kana dito baka maging disaster pa to ma-bad impression ka pa sa Boyfiend mo!" sabi ni Kuya Shej habang tinutulak ako palabas ni M.
" Oo na! Psh. Ang sama niyo pag natuto akong magluto hindi ko kayo papakainin."
" Hindi rin naman kami kakain baka poisonous pa yun." sabi ni kuya Troy kaya binato ko ng tsinelas buti nalang sa legs tinamaan.
" Pikon!" sabi ni M.
" Tseh! Mga Bad kayo inaaway niyo ko! "
" Kayong mga bata talaga tama na yan." Sabi ni Manang.
" Just saying the truth manang." Sabi ni kuya Troy.
" Oo nga! Never naman atang matututo si Sulli mag luto eh." Sabi ni kuya Shej.
" I know right!" Sabi ni M
" Talagang pinagtutulungan niyo ko!"
" Mehehehehe, Umalis kana kasi at magpaganda na lang sa taas!"
"Bye na nga.Hmmmp." sabi ko sabay walk.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko ng makita ko si Kuya Liam na nasa balcony namin at naninigarilyo. Andito nga pala kami sa totoo na naming bahay pinalipat kami ni Mommy. Uuwi rin kasi sila ngayon para nga makilala si Minho.
" Kuya!" napansin ko na tinapon ni kuya yung sigarilyo niya.
" Since when did you smoke?"
" Matagal na."
" Eh? Bakit di ko alam?"
" Sa states."
" Ooooooh. Okay kalang kuya?"
" Yeah. It is just that kinakabahan ako."
" Ha? At bakit naman?"
"ngayon ko lang makikita ulit si Mina." sabi niya at nagsindi ulit ng isang stick ng sigarilyo.
" Oh. I see. Tensed ka lang." sabi ko at ngumiti.
" What are you smiling at?"
" Kasi naman ngayon lang kita nakitang tensed. You are always relaxed at walang emotion. This is the first time I saw your other side." tumingin lang siya sa akin at nagtaas ng kilay.
" Ngayon lang ba?"
" Yup. That's why I conclude baka may feelings kapa kay ate Mina."
" Wala na. Hindi lang maganda ang ending ng lovestory namin."
BINABASA MO ANG
MinSul=LOVE
Teen FictionLove? Kusang dumadating yan. Pwede kang mainlove sa Dream guy mo. Pwede rin sa di mo type. Pwede rin naman sa taong di mo kilala. Pwede rin sa taong kilalang kilala mo. Isa pa pwede kang mainlove sa taong pinakakinaiinisan mo. Tipong aso at pusa kay...