Sulli's POV
Naglalakad kami ngayon ni Nana at ni Sun patungo sa classroom namin. Back to normal na ang lahat. Wala na ang mga pang Valentines na design pero ang mga bitter sa Valentines kasama na ang isang to ay hindi pa rin maka move on.
" Nakakainis talaga! Bakit ikaw may Valentine date ako wala? Kakaimbyerna naman oh! Ni walang flowers. Tsss." sabi ni Nana na kanina pa naghihimutok.
" Basta ako nagdate lang kami kasama ang pinaka mamahal kong mga pagkain. Tssss. Valentine date uso pa ba yun?" sabi ni Sun.
" Para kayong mga ewan. Malay niyo next year may date na kayo." sabi ko.
" Wag na uy! Gastos lang yun. Si Nana lang naman ang parang biyernes santo nung Valentines." Sabi ni Sun na kanina pa nilalantakan ang Sandwich niya. Nakakaingit kasi kahit anong kain niya sexy pa rin siya.
Umupo na kami sa upuan namin. Tabi tabi kaming apat at wala pa si K. Etong si Nana wala pa ring tigil sa pagsumpa sa first valentines niya na wala siyang date eto namang si Sun ay patuloy pa rin sa pagkain na Lays ko naman ang nilalantakan ngayon.
" Ehem ehem. This is a post Valentine gift for you. Alam ko kasing kasama mo siya ng Valentines kaya naisip kong ngayon na lang." tumingin kami sa harap at laking gulat ko na nandun si K na may dalang gitara. May malaking boquet of flowers ang nakapatong sa teachers table.
Habang kinakanta niya ang Kasama kang tumanda nagtitilian yung mga ka block namin at ako naman yumuko lang at hiyang hiya. Nung natapos ang kanta niya binigay niya sa akin yung Malaking Boquet na may teddybear sa gitna pero binigyan niya rin sina Nana ng boquet na medium sized at chocolate boquet kay Sun.
" Akala ko di na ako makakarecieve ng flowers! Thanks K. I loooove youuuu!!!!" sabi Nana na tuwang tuwa.
" I love it!!! chocolate boquet!!! Alam mo talaga na ang gusto ko ay yung makakain. Thanks K!!!" Sabi ni Sun na kinakain na ang chocolate. Wala atang ibang alam to kundi ang kumain eh. Napakatakaw.
" Ikaw Lili nagustuhan mo ba yung flowers?" sabi ni K
" Nagustuhan ko. Favorite color ko ito eh. Color pink alam mo talaga ang favorite color ko no?" sabi ko sa kanya pero sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil baka makita kami ni Minho pero matalino si K kaya binigyan niya rin yung dalawa.
" Akala ko hindi mo nagustuhan eh. BTW kamusta Valentines mo?" sabi niya kasabay ng matamis niyang ngiti.
Ikwekwento ko ba talaga sa kanya? Hindi naman ako tanga para ikwento sa kanya kahit alam kong masasaktan siya. Kinagat ko ang labi ko at hindi konpa rin alam kung ikwekwento ko. Buti dumating na ang prof namin at nakinig na kami sa kanya.
Minah's POV
Nakaupo ako sa upuan ko sa classroom ng pumasok si Minho. Tinignan ko lang siya at kumunot ang noo niya ng hindi ko siya pinansin. Nasanay siguro siya na pag dating niya ay agad akong sumasalubong sa kanya.
Hindi naman sa pagod na akong magmahal sa kanya. May mga narealize lang ako nung valentines. Na realize ko kasi na mahal na mahal niya talaga si Sulli kaya naman napagpasiyahan ko na iwasan ko nalang siya para hindi ko na sila magulo.
" Hey problem?" tanong ni Minho sa akin. Tinakpan ko ang mukha ko ng librong binabasa ko.
" No~nothing. Wa~wala namn tayong problema." kinagat ko ang labi ko. ugh!! we can't be this too close at baka maitapon ko ang mga realizations ko.
" Really? Bakit parang meron naman." napahinga ako ng maluwag ng sumandal siya sa upuan niya.
" Wala promise." sabi ko at nanahimik siya. Sinulyapan ko siya at laking gulat ko ng hawak niya ang Cellphone ko. No!! May picture dun si Kai at Sulli.
" Bakit nasayo phone ko?" sabi ko na kabadong kabado.
" Birthday ko yung password? kala ko nagbibiro ka lang noon." sabi niya.
" Akin na!" sabi ko sa kanya.
" Tssss. tinitignan ko lang naman yung pic~" napatigil siya sa pagsasalita at sobrang kinabahan na ako. Hindi lang kasi yung kinuha ko sa FB ang nandito may Pics na sinend sa akin ang classmate ko nung highschool na classmate na ni Sulli ngayon na magkasama si Sulli at Kai may isang shot pa na magkayakap sila.
" Saan mo nakuha tong mga to?" tanong ng pulang pula na si Minho.
" Baka naman friendly hug lang diba? Minho! Try asking Sulli first." Sabi ko sa kanya.
" Eto? Yung kiss nila sa damuhan feiendly din ba?" at pumiyok siya. Tumulo ang luha niya tumayo siya at lumabas ng classroom. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa tambayan niya.
" Minho dapat inerase ko na yun. sorry kasalanan ko." sabi ko at umiiyak na rin.
Hindi siya nagsasalita. Hinarap ko siya sa akin at hinalikan niya ako sa labi ko. Nagrespond ako. Mali to mali. Isinandal niya ako sa pader pero naisip kong kailangan ko na siyang itulak. Itinulak ko siya at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Sulli na punong puno ang luha. Nag smirk si Minho.
" Sulli anjan ka pala?" sarcastic niyang sabi. Sinampal ko si Minho at iniwan silang pareho. Masakit sa akin na ginamit lang ako ni Minho para saktan si Sulli. Umuwi nalang ako para magmuk mok sa kwarto ko.
Sulli's POV
Sobrang nasaktan ako sa mga nakita ko. Bakit ba kasi ako nagpunta dito? Dahil naguguluhan na ako kung sino ang mahal ko? Pero eto lang pala ang makikita. Ang pangyayari na wawasak sa akin.
" Minho! Bakit ka ganyan?" sigaw ko sa kanya
" Masakit ba? Tsss. Aalis na ako." sabi niya at paalis na sana siya pero hinila ko ang kamay niya.
" Minho. No, Wag mo akong iwan. Ano bang ginawa kong mali?" sabi ko sa kanya.
" Ginawa mong mali? Hindi mo alam? Friendly kiss lang ba yun? Sa lips?" sabi niya na umiiyak na rin.
" Minho? ha? anong sinasabi mo?" halos lumabas na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Nakita niya kaya?
" Si kai? kaibigan mo ba yun? o ka-ibigan?" sabi niya at tumulo na ang luba niya.
Kinagat ko ang labi ko. " Minho! Accidente lang yun." sabi ko.
" Accidente? hahahahaha. Nagbibiro ka ba?" sabi niya.
" Oo na! inaamin ko! ginusto ko yun! alam mo? hindi naman dapat ikaw ang mahal ko eh! dapat si Kai! Dapat siya! siya ang una! Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi nalang ako umalis noon! Pero hindi eh! Nakilala kita at minahal kita!"
" So ako pa ang may kasalanan ngayon? Tsss! Let's break up!" sabi niya.
" Minho wag please hindi ko kaya. I'll die. Please? wag ka namang ganyan!" sabi ko at niyakap ko siya.
" Stop it Sulli! Let me go!! Dun kana sa Kai mo!" sabi niya at tinulak niya ako. Sumakit ang bewang ko at hindi ako makatayo pero hindi niya ako tinulungan at umalis na. Naiwan akong magisa na umiiyak. Hindi sa sakit ng bewang ko kung hindi sa sakit na hindi ako mapatawad ni Minho. Isang halik pala ang sisira sa amin. Lintik na yan.
" sulli! Insan anong nangyari?" sabi ni M na agad akong dinaluhan.
" He is gone. Wala na kami. Kasalanan ko. Dalawa silang nasa puso ko. Kasalanan ko." sabi ko at agad na yumakap sa kanya.
" Is it Kai? I'm sorry pinsan. Pero ako ang may kasalanan." sabi niya napatingin ako sa kanya na gulong gulo.
" Kung noon palang sinabi ko na sayo kung ano ang mga nakalimutan mo hindi na hahantong dito ang lahat. " sabi niya
" It's not your fault."
" Now that you're free anong gagawin mo? Kailangan mong mamili. It's either bibigyan mo na ng chance si Kai or you will ask Minho another chance."
Maybe this happened for a reason. Siguro ngayon na ang panahon para mangyari ang naudlot noon.
______________________
Kill me now!!! >.<
Thanks readers sa support niyo. Saranghamnida. hart hart. :*

BINABASA MO ANG
MinSul=LOVE
Novela JuvenilLove? Kusang dumadating yan. Pwede kang mainlove sa Dream guy mo. Pwede rin sa di mo type. Pwede rin naman sa taong di mo kilala. Pwede rin sa taong kilalang kilala mo. Isa pa pwede kang mainlove sa taong pinakakinaiinisan mo. Tipong aso at pusa kay...