Sulli's POV
Nagising ako sa sikat ng araw na tumapat sa mukha ko. Tssss. 14 ngayon at bitter ako kasi Exams ni Minho ngayon kaya wala kaming date. Inaya ako ni K pero hindi ko tinangap baka kasi may makakita sa amin at kung ano pa ang sabihin kay Minho.
" Sulli!!!! Tara sa Mall!!" sabi ni M.
Kakabalik lang ni M dito galing Romania. Tumakas daw ulit siya kasi gusto niya maging Normal lang na tao.
" Wala kayong date ni L?" sabi ko sa kanya.
Napaawang ang bibig niya at tinikom niya ulit. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. " Wala na kami matagal na."
" Anong nangyari?" tanong ko sakanya.
" Past is Past Sulli! Tarang icelebrate ang Independence day ko!" sabi ni M.
" Fine. Ligo lang ako."
Ng makarating kami sa Mall wala kaming ibang nakita kundi ang mga magkasintahang nagppda. Hindi ko maiwasan makaramdam ng ingit. Minho naman kasi eh.
" Dapat pala nag Movie marathon nalang tayo at nagkulong sa bahay." sabi ni M.
" Oo nga eh. Mali ata ang desisyon natin." sabi ko.
" Hayaan mo na. Let's enjoy nalang." sabi niya sa akin.
Naglaro lang kami sa Time Zone at nanuod ng Movies oo maraming movies joke dalawa lang. Kumain at nagala. Nadako ang mata ko sa apat na tao sa may dept store. Pati si M dun din nakatitig.
Babagsak ang luha ko anytime now dahil sa nakita ko. Hindi si Minho yun hindi ba? Bakit siya may kasamang babae? Kahit na hindi sila kasing sweet ni L at nung babaeng kasama ni L masakit pa rin kasi Valentines ngayon pero ibang babae ang kasama niya.
" Uwi na tayo." Sabi ni M at nagsimula ng maglakad palayo. Na sinundan ko naman.
Nung unuwi kami sa bahay. Nagkulong lang sa Kwarto si M at ako naman ay nagkulong rin sa kwarto. Isang oras makalipas. Napagpasyaan kong puntahan si M at icomfort siya.
" M?" katok ko sa pinto niya. Hindi siya sumagot.
" Do you wanna build a snowman?" panimula ko sa kanta.
" Go away Sulli!" sigaw niya.
" Okay bye!" sabi ko na pakanta pa rin. Binuksan niya ang pinto at tawa siya ng tawa.
" Ang baliw mo talaga! Ano tayo si Elsa at Anna?" sabi niya at niyakap ako.
" You owe me a story." sabi ko at naupo kami sa kama niya. Nanuod lang kami ng kung ano ang palabas sa TV at nagsimula siyang magkwento.
" Nalaman ni Daddy ang tungkol sa amin ni L. Pinilit niya akong iuwi sa Romania pero hindi ako umuwi. Pinili ko si L over my parents. Pero inatake si Mommy at ayaw ako papuntahin doon ni Daddy unless magbreak kami. Kaya nakipag break ako sa kanya at bumalik sa Romania. I've never tought na ipagpapalit niya ako." sabi niya at tumulo ang luha niya. Tinahan ko siya ng magvibrate ulit ang phone ko.
" Sulli kanina pa yan ah? Sagutin mo na kaya?" sabi ni M.
" Ayoko!" sabi ko at nanuod nalang.
" Hello Minho! Gag* ka!" nagulat ako at napatingin kay M na hawak ang phone ko.
" Bakit mo kasama si Minah? Ha! Nag-Group date pa ata kayo ni L! Mga buisit kayo!" sabi ni M. Natahimik si M ng mga tatlong minuto tsaka nagsalit ulit.
" Assh*le bye!"
" Ano daw?" tanong ko
" Ayaw mo sagutin tapos ngayon tatanong tanong ka? No way!" sabi ni M. Enebeyen.
Pagkatapos namin manuod niyaya ako ni M mag icecream comfort food daw kasi. Paglabas namin ng bahay may nagtakip sa mukha ko at hinimatay ako.
M's POV
Ako po yung nagtakip sa mukha ni Sulli. Ang bigat ng babaeng to.
" Tulungan na kita." tumingin lang ako sa kanya.
" Kaya ko to! Ang gaan niya lang oh!" sabi ko.
" Hindi mo kaya akin na." sabi niya
" Edi ayan ikaw na magdala." sabi ko sa kanya.
Nilagay niya sa backseat si Sulli. Saan ako uupo niyan? ayokong katabi si L rather siya.
"Dito ko na. " Sabi niya at umupo na ako No choice.
Nakarating kami ng roxas boulevard na tulog pa rin si Sulli sinakaya namin siya sa Yacht.
" Salamat M ha? Kahit minura mura mo ako." sabi ni Minho sa akin.
" Dapat lang yun! Pinaiyak mo pinsan ko. Tssss. Boys will always be boys. " sabi ko sa kanya at umalis na. Hindi ako sumakay sa kotse ni L sa halip mag FX nalang ako. Pero I forgot my wallet The effff! Sunakay ako sa backseat ni L.
" Anong ginagawa mo dito?" tanobg niya na nakatingin sa salamin.
" Ihatid mo ako o kaya bigyan mo ako ng 100 wala akong dalang pera." sabi ko at tumingin sa bintana.
" Hahatid nalang kita pero dito ka sa harap hindi mo ako driver!" sabi niya.
Inirapan ko siya tsaka ako lumipat sa harap. Gosh! Nakamove on na siya M hindi na pwedeng tumibok ang puso mo para sa kanya.
" Kumain ka na?" tanong niya sa akin.
" Gutom na ako pero sa bahay na ako kakain." sabi ko sa kanya kesa naman magsinungaling ako.
Niliko niya ang kotse papuntang Moa at nag Park.
Sulli's POV
Nagising ako sa maliit pero magandang kwarto. Asaan ako. Napabalikwas ako ng maalala kong kinidnap ako? Pero kung kidnap to bakit ang sosyal naman ata? Napakamot nalang ako sa ulo ko.
" Kin you're awake." sabi ni Minho. Pinikit ko ang mata ko, kinusot at sinampal ang sarili ko. Am I dreaming?
" No you're not Kin. It's Real." sabi niya.
" After niyo magdate ako naman ano ka two timer?"bulong ko.
" Ano di kita marinig." sabi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagtalukbong ako ng kumot.
" Hey we have a tons of things to do." Sabi niya at binuhat niya ako palabas ng kwarto. Binaba niya ako ng makarating kami sa Taas. Kitang kita mo yung Night sky at may candle light pa.
" Earlier nagpasama ako sa friend ko para bumili ng gift at mag ayos nito sayo. She is very brilliant at naisip niya to." so paranoid lang pala ako? Tss. Napngiti ako at hinug ko si Minho.
" I love you kin! I love it!" sabi ko.
Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan this is the best valentines ever. Tinignan namin ang star at nag connect the dots kami. At higit sa lahat tabi kaming natulog pero walang nangyari sa amin. He respect me too much to do that. And gagawin lang namin yun after our wedding. This is the best night kasi kasama ko siya hanggang matapos ang araw na ito.
_________________________
Happy Valentines sa mga Taken jan! At Happy Independence Day sa ating mga Single! Enjoy the day at enjoy sa sabaw kong update. XD spread love! I love you all! Hart Hart!
Sorry hindi ako makapag dedic mobile lang kasi gamit ko eh. Mianhe!
BINABASA MO ANG
MinSul=LOVE
Teen FictionLove? Kusang dumadating yan. Pwede kang mainlove sa Dream guy mo. Pwede rin sa di mo type. Pwede rin naman sa taong di mo kilala. Pwede rin sa taong kilalang kilala mo. Isa pa pwede kang mainlove sa taong pinakakinaiinisan mo. Tipong aso at pusa kay...