Minsul=Love - 8 (Book2)

733 6 3
                                    

Minho's POV

After ng date namin na yun ni Sulli hindi pa ulit kami nagkikita. 1 month na ata? Busy ako kasi Tri-mester sa school na to. Buti nalang at may kaibigan akong lagi kong ka block si Minah? Don't worry friend ko lang talaga yun. Speaking of her andito na siya palapit sa akin dito sa graden ng school.

" Minho!!!! " sabi niya. Ngumiti siya at kumaway.

" Minah! "

" Ang talino mo na nga aral ka pa ng aral jan!!! Bigyan mo nga akong ng kasipagan." sabi niya at nagpout.

" Hmmm. Halik bilhan kita ng ice cream baka sumipag ka." sabi ko at tumayo na.

" Talaga? wow! Bakit parang hindi ka kuripot ngayon? May sakit ka ba?" Sabi niya at sinalat pa yung noo ko.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa pinakamalapit na DQ

" Wala."

" Tssss. Kasi nakapasa ka sa quiz natin kanina kaya ka ganyan!!! Psh!!! Uso kasing mag share ng answer yan tuloy ikaw lang pumasa."

" Mag aral ka kasi."

" Ay nako! Kahin anong aral ang gawin ko walang tumatatak sa utak ko." sabi niya at nag pout pa ulit siya.

Si Minah yung babaeng cute na maganda pa. Pero si Sulli lang ang nagiisang Diyosa. Ano ba yan nakakabakla naman tong pinagsasabi ko.

Minah's POV

OMO!!!!! Ililibre ako ni Minho ng ice cream. Siguro crush na ako nito. Wala naman kasi siya atang Girlfriend eh. Pa hard to get lang.

" Anong gusto mo?" tanong niya habang nakitingin sa may menu sa taas.

" Strawberry banana! Mahilig ako sa strawberry eh!"

" Pareho kayo ni Sulli."

" Sulli? Sino yun?"

" Girlfriend ko."

" Tsss. baka gawa gawa mo lang yun."

" Hindi no! totoo siya."

Nagkwentuhan lang kami sa mga bagay bagay na napagkakasunduan namin. We have too many things in common kaya siguro nagkakasundo kami.

Umuwi na ako sa condo ko malapit sa school. Agad kong kinuha yung laptop at sinearch sa friends ni Minho si Sulli.

Meron nga at pareho sila ni Minho ng DP. hmpf. I know masakit. Nag browse ako ng pictures nung sulli at may nakita akong naka tag sa kanya. Si Kai? OMO sikat to eh artista. Close sila? Nakaakbay kasi si Kai kay Sulli at si Sulli naman nakangiti lang.

Sinave ko lahat ng pictures ni Kai at Sulli sa phone ko. Wala lang trip ko lang. Para pag inaantok ako habang nagaaral titignan ko yun ibig sabihin may chance pa kami ni Minho.

Ganun naman talaga pag nagmahal hindi ba? Even in a very small chance na magiging kayo ay igagrab mo na? Wala namang masama dun hindi ba?

Sulli's POV

Kasama ko ngayon dito sa bahay sila Kai, Yoona at Sunny. Busy kasi si Minho tri mester kasi sila. Miss ko na nga yun eh. Si M naman pumunta ng Romania at wala akong balita kung ano na ang nangyari sa kanila ni L.

" Ano ba yan Kai!!!! Nandadaya ka naman ata eh!!!! Kanina ka pa nanalo!"

" Kuya Shej sadyang magaling lang ako no!"

" Tssss. Buisit! Di kita ilakad kay Sulli eh. Mas gusto pa naman kita kesa kay Minho." sabi ni kuya shej na naglalaro pa rin ng Tekken kalaban si Kai.

" Kuya!!!!!!! Andito yung Girlfriend ng sinasabihan mo!!!!!!"

" Alam ko!!!! Mas gusto ko lang talaga si Kai cool di katulad ni Minho medyo serious."

" Eh siya yung mahal ko eh" kinagat ko yung labi ko at napatingin ako kay kai na nakatingin sa akin at kumislap ang mata niya. Di ko naman sinasadya na masaktan siya eh.

" Yeah men nanalo ako!!!!! Ano ba yan kai galingan mo naman." napailing nalang ako sa isip bata kong kuya.

" Dito na kayo kumain ha! Babawi ako sa inyo." Sabi ni Mommy

" Sure tita namiss namin yung luto mo eh." sabi ni Sunny

" oo nga. Nako masisira diet ko nito." Sabi ni Yoona

Lahat sila pumunta na ng dinning. pero tinawag ko si kai.

" Kai! sorry nga pala~" pinutol niya ang sasabihin ko.

" Ano ka ba! wala yun. Oo masakit pero yun na eh. Nahuli ako ng dating. Okay lang yun. Kung saan ka masaya dun din ako. Pero mangako ka pag pinaiyak ka niya tayo na ha?" sabi niya at hinalikan niya ako sa noo tsaka siya naglakad palayo.

Kung alam mo lang na nagising ang natutulog kong feelings para sayo. Mahal pa rin naman kita Kai kaso ngalang mas Mahal ko si Minho at parang hindi ko kayang mabuhay ng wala si Minho.

________________________

MinSul=LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon