Sulli's POV
Pagdating ko sa shop ay nakita ko ulit yung babaeng nagpunta kay Donghae kahapon. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at alam kong walang wala ang ayos ko sa kanya. Naka heels, red lipstick, designer clothes and bag at mga mamahaling alahas. Tumingin siya sa akin at inirapan lang ako bago lumabas ng shop.
" Sino siya?" tanong ko kay Ailee na cashier dito.
" hindi ko rin po siya kilala Ma'am pero ang aga niya po dito. At hula ko po kakilala siya ni sir. " tumango na lang ako. Okay nagseselos ba ako? This is the first time na makita si Donghae na may kilalang babae.
" Babe. Anjan ka na pala? " sabi ni Donghae at alam ko na wala siya sa mood dahil sa pilit niyang ngiti.
" yeah. sa Kitchen lang ako. " sabi ko na hindi ko man lang siya nginitian.
Nagseselos ba talaga ako? Bakit hindi ako nasktan tulad ng makita ko si Minho at Minah? Bakit inis lang ang naramdaman ko? This is really bad Sulli!
" Sulli? Galit ka ba?" tanong ni donghae at niyakap ako habang nakatalikod ako.
" Hindi." sabi ko.
" Nagseselos ka ba? Alam mo pag nagseselos ka sobrang saya ko kasi feeling ko mahal mo na ako pag ganun." sabi niya.
Gusto kong umiyak hindi dahil nasasaktan ako. Gusto kong umiyak dahil alam kong nasasaktan ko si Donghae but still I remained selfish.
" I'm sorry Donghae. I'm really sorry. Sorry kung nasasaktan kita. Sorry kung ginagamit kita para maka move on. Sorry kung hindi ko mapantayan yung pagmamahal na binibigay ko sayo." sabi ko at humarap ako sa kanya at yumakap.
" Marry me." maikling sabi niya na halos tumigil ang mundo ko. Ang pinaka kinakatakutan kong mga salita.
" Donghae~" tumingin lang ako sa kanya at ngumiti siya.
" I'll give you three months Sulli. Kung oo ang sagot mo sumunod ka sa akin sa Paris. I know you need time." sabi niya.
" Aalis ka?" pumiyok ang boses ko at tuluyang bumagsak ang luha ko.
" Yeah. My dad's company needed me there kaya pinapapunta ako ng anak ng business partner ni Daddy si Dara yung nagpunta dito." sabi niya.
Hindi ako makapagsalita at patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Hinawakan niya ang chin ko at inangat niya ang ulo kong nakayuko.
" I'll wait Sulli but if it is really not what you want then don't do it. Mas magiging masaya ako kung saan ka masaya but I am hoping. Sana sapat na yung tagal ng relasyon natin. Sana ako." sabi niya at hinalikan niya ako bago niya ako iwan ng naguguluhan.
Three months parang ang tagal naman nun para sa simpleng OO o HINDI pero alam kong kulang yun dahil hindi pa ako handa. Dahil alam kong dalawa ang laman ng puso ko pero hindi ko lang alam kung sino ang mas matimbang.
" Sulli! Kanina ka pang tulala jan!" sigaw ni M sa harap ko. Ininom ko yung Double Chocolate Chip Frappe ko at tumingin sa kanya.
It's been a week since that day at hanggang ngayon hindi ko pa rin alam. I have bo clue on what to choose. Haaaay.
" Tsss! Bakit ba kasi yan binili mo? Diba Strawberry makes you happy?" Sabi niya.
" Nagcrave lang ako." sabi ko at inirapan ko siya.
" Ay nako! Si Minho ang mahilig jan diba?" sabi ni M na halos maibuga ko yung ininum ko.
" M!!! Siya lang ba pwede uminom nito? Eh sa nagcrave ako eh bakit ba! Aish!" inis na sabi ko.
" Fine! Ito naman binibiro ka lang. Eh sino ba kasi talaga Sulli? Isa lang puso mo ha paalala ko sayo!" sabi ni Mia.
" May apat na chamber naman so pwede pala apat." pabirong sabi ko at binato niya ako ng tissue.
" Joke lang! Kita mo to ikaw lang pwede mag biro?" sabi ko at napatingin ako sa labas at nakita ko si Minho na papasok dito kaya bigla akong yumuko. Ayoko siyang makita!! Ewan ko ayoko lang talaga.
" Minho!" sigaw ni M. Baliw talaga to kaya ayan lumapit tuloy.
" M! Kamusta na?" sabi ni Minho.
" Okay lang naman. Eto happy pa rin with L. First love never dies diba?" sabi ni M.
" It dies." sabi ko at naalala ko tuloy si Kai. Soon dapat magbonding kami dapat nila Yoona, Sunny at Kai.
" Oo nga no. Sige ganito nalang. True love is forever." sabi niya at napatigil ako. True love? Sino nga ba ang true love ko?
" Oo nga. True love is forever. Kahit sino pa ang makilala mo siya pa rin ang mahal mo." sabi ni Minho. Tinignan ko siya at nakatingin siya sa akin at tumango nalang ako.
" OMG!" sabi ni Mia.
" Ano yun?" tanong ko.
" Si L nagtext. Nasa bahay na siya at nasa akin yung susi niya. So Bye guys!" sabi ni M at mabilis na umalis kaya hindi ko na napigilan.
" Sige alis na din ako." sabi ko at sinara na yung laptop ko.
" Bakit naman? Ayaw mo bang mag catch up?" Sabi niya at nag sparkle yung magaganda niyang
mga mata ay ano daw? Sparkle? Hindi kana teenager Sulli!
" Hmmm. Busy kasi ako next time." sabi ko.
" Iniiwasan mo ko no? Di ka pa nakaka-move on?" sabi niya at ngumiti.
" Fine! Bukas nalang busy ako kaya bukas okay?" inirapan ko siya at umalis na.
Ng makarating ako sa sasakyan what the eff! Bukas? Catch up? Ano yun Sulli? Nababaliw kana ba? Bakit ka pumayag? Aish! Ehhhhh! Badtrip! dumeretso ako sa bahay at laking gulat ko ng makita ko din si Mia nakikikain ng popcorn kasama si kuya Shej.
" Mia!! " sigaw ko at agad ko siyang sinabunutan.
" awwwww! Kuya Shej tulong! " sigaw ni Mia pero binitawan ko naman siya agad
" bakit mo ginawa yun? " sabi ko at umupo sa sofa.
" For you to catch up? It might help." sabi niya.
" Help? Hindi! Pumayag ako tuloy bukas! Kasi naman eh iniwan mo ko dun eh! " sabi ko at kinurot kurot siya.
" It might help. " sabi ni kuya kaya napa tigil ako.
" Yun ang gusto ni Donghae kaya ka niya iniwan. Gusto niya na alamin mo sa sarili mo kung mahal mo pa si Minho.Gusyo niyang timbangin mo kung sino ba talaga." sabi ni kuya.
" Pano kung si Minho pala pa rin? Kuya ayokong masaktan si Donghae. Marami na kaming nasaktan simula pa noon. Hanggang ngayon ba naman? " sabi ko.
" Love is really cruel Sulli. Pero kung si Donghae ang pipiliin mo pero si Minho pala talaga ang mahal mo ay habang buhay kang masasaktan at makakasakit. Masasaktan mo si Minho at Donghae. Yeah. Ayokong masaktan si Donghae dahil bestfriend ko siya but I want your happiness Sulli as your brother." sabi ni kuya at niyakap ko siya.
" Kelan ka pa naging Love Expert? Natutulad ka na rin kay kuya Liam. Sino next si kuya troy? " biro ko.
" kasi ang gusto lang naman naming tatlo ay ang Happiness ng princess namin. " sabi ni kuya shej at narinig namin si Mia na suminghot at nagulat kami na umiiyak pala si Mia.
" Oh? Bakit ka umiiyak? " sabay bato ni kuya kay Mia ng isang popcorn.
" ang sweet niyo eh! " sabi niya.
" sumama ka nga dito group hug! " at dinaganan namin si Kuya.
Buti nalang merong mga tao na tumutulong sa akin. Buti nalang at nandito sila kung hindi baka nagself destruct na ako. Sa ngayon tama sila. I need to find my own happiness kasi kahit ano naman ang decision ko ay alam kong may masasaktan pa rin. Atleast may dalawang magiging masaya hindi ba?
BINABASA MO ANG
MinSul=LOVE
Teen FictionLove? Kusang dumadating yan. Pwede kang mainlove sa Dream guy mo. Pwede rin sa di mo type. Pwede rin naman sa taong di mo kilala. Pwede rin sa taong kilalang kilala mo. Isa pa pwede kang mainlove sa taong pinakakinaiinisan mo. Tipong aso at pusa kay...