Sulli's POV
" Sulli ready ka na ba?" Tanong sa akin ni M.
Yes. Ready na ako. 1 year passed and alam kong handa na ako. Sorry kay kuya shej at kuya troy dahil uunahan ko na sila.
" Oo Mia. Ready na talaga ako." sabi ko kahit na mayroong kaba sa dibdib ko ay handang handa na ako.
" Tara na baka ma late pa tayo sa mismong wedding ceremony mo." sabi ni Mia.
Sumakay na kami sa bridal car ko. Normal ba to? Kapag ikakasal kana parang lalabas yung puso mo sa ribcage mo.
" Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Mia.
" Kinakabahan ako. Yet excited ako." sabi ko.
" Grabe ang ganda mo ngayon. Sana ganyan rin ako sa kasal ko." sabi niya.
" Baka nga mas maganda ka pa eh." Sabi ko.
" For sure ang pogi ng groom mo." sabi ni Mia.
Sana nga hindi ko pagsisihan na siya ang pinili ko. This is the best for all of us kaya siya ang napili ko. May takot oo. May takot na baka pagsisihan ko siya sa huli pero alam kong ito ang tama.
" Nagsimula na yung entourage. OMG! Ikalasal kana talaga!" Naiiyak na sabi ni Mia.
" Oy wag ka ngang umiyak naiiyak rin ako eh." sabi ko.
" Sana wag mong pagsisihan ang desisyon mo ha?" Sabi niya.
" Hindi. Hinding hindi ko pagsisisihan." sabi ko.
Ilang saglit pa kaming naghintay sa bridal car at ng matapos ang entourage ay bumaba na ako. Maganda ang pagkakaayos sa simbahan. This is my dream wedding. Ito yung pinapangarap ko since bata pa lang ako. My happy ever after.
Tumingin ako sa mga bisita. They are my closest friends. Anjan ang Fx at Shinee andito rin sila Kai, Sunny at Yoona. Syempre andito yung family ko. The most important people to me. Nandito silang lahat para ma witness ang dream wedding ko. Kumapit ako sa daddy ko.
Ito na ata yung pinaka-masarap na feeling. Yung ihahatid ka ng parents mo sa altar. Yung wala silang tutol para lang maging masaya ako.
Tumingin ako sa dulo ng altar. Nandun si Donghae at nakangiti with his black tuxedo. Ang pogi niya. Sana nga hindi ko pagsisihan ang desisyon ko. Sana nga hindi ako magsisi sa huli.
Tinatawag na yung flight ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pupunta ako o hindi. Ayoko ng iwanan pa si Minho pero kailangan ako ni Donghae. Mahal ko si Donghae kaya hindi ko hahayaang harapin niyang mag-isa ito.
Ng makalapag ang eroplano ay ginusto kong bumalik ng pilipinas but there is no turning back now. Andito na ako kaya papangatawan ko na.
" Donghae." this is the first na makita kong lugmok na lugmok si Donghae. Nawasak ang puso ko sa nakikita ko. He is broken at hindi ko kaya pang bigyan siya ng sama ng loob.
" You came. Akala ko pati ikaw mawawala na sa akin." sabi niya. I saw him smile again. Pero iba pa rin eh. Alam ko behind those smiles tinatago niya ang lahat.
" Don't hide your feelings oppa! Ilabas mo lang lahat. I'll be here for you." sabi ko at tuluyan na siyang umiyak.
A day after ng arrival ko eh namatay ang daddy niya. He locked himself in his room. Nahihirapan kami ni Dara na i comfort siya. Napag alaman ko rin na kababata niya pala di Dara at mahal na mahal siya nito.
" Buti ka pa nagawa ka niyang mahalin kahit alam niyang may iba ka ng mahal." sabi ni Dara habang naghuhugas ako ng pinggan. Tumahimik lang ako at hinayaan siyang magsalita.
BINABASA MO ANG
MinSul=LOVE
Teen FictionLove? Kusang dumadating yan. Pwede kang mainlove sa Dream guy mo. Pwede rin sa di mo type. Pwede rin naman sa taong di mo kilala. Pwede rin sa taong kilalang kilala mo. Isa pa pwede kang mainlove sa taong pinakakinaiinisan mo. Tipong aso at pusa kay...