Kabanata 1- To Be A Maid

35.8K 583 16
                                    


JENELLE'S POV

Nasa harapan na ako ng malaking gate at pinakamalaking mansion sa buong probinsiya. Mas malaki pa siguro ito sa bahay namin. Kung tutuusin, para isa itong manor. Nasa gitna ito ng malaking field na berde at sa tagiliran nito ay isang magandang taniman ng rosas ang nandoon. Madami ang mga maids na nag-uusap sa may mga halamanan. Para itong palasyo. Ay, naman. Magiging katulong ako for four months, paano ito? Kapag hahanapin ako ni Mama, lagot talaga, walang pwedeng makaalam na maging katulong ako maliban sa aming dalawa ni Phia.


"Magandang araw po, nandiyan po ba si Mrs. Rivera?" 'yun kasi ang sinabi ni Phia na hahanapin ko once dadating ako sa malaking gate na 'to. Kay manong guard ako nakitanong.


"Sino ka naman? Ikaw ba 'yung Salcedo?"


"Opo, ako po 'yun." Oo, hindi ako isang Oriento ngayon, isang Salcedo. Jenelle Salcedo Oriento, aka Ella Salcedo para convincing na isa akong Salcedo.


Bumakas ng kusa ang malaking gate at pinapasok ako ni Manong guard. Sana naman mababait ang mga tao rito? Magiging convincing ba ang suot ko, naka-fashion dress kasi ako, wala kaya akong mga damit na pareho kay Phia, at ang bata-bata pa niya, hindi kasya sa akin, kaya, 'yung pambahay na lang ang sinuot ko, shorts and crop top Paris shirt with Keds shoes. Wala na akong mahablot kasi, nagmamadali ako kagabi na hablutin ang mga damit ko, ganito ang mga dala kong damit dahil mainit ang Ilocos for sure, at hindi ko naman alam na magiging ganito ako ngayon.


May sumalubong sa akin na isang maid din, mas nakakatanda siya sa akin ng isang taon, I guessed. Nakasimangot siya husto sa akin at ako ngiting-ngiti sa kanya. Hay, kung si Jessica na ako, kanina na 'to nasapak, pero hindi ako ganoon.


Nang bumukas ang pintuan na parang palasyo talaga ay nandoon ang mga mamahaling bagay, hindi modern, Italian furnitures and Greek style ceiling. Nandoon din ang spiral stairs na kadugtong sa malaking second floor of this house.


"Madame, nandito na po si Ms. Salcedo." Narinig kong sabi niya sa loob na isang dining room. Baka nag-umagahan pa. Ganda dito, ha. Ang gandang tirhan, pero mas maganda sa amin kaya. Nandoon ang buong pamilya ko. Hay naman, kamusta na kaya si Jessica doon sa States, nasa heart issues siya, brokenhearted girl kasi.


"Magandang umaga," malamig na bati ng isang babae, siya siguro si Mrs. Sohnia Rivera, ang mayor ng bayang ito. Kapag mayor ka, di ba, dapat smiling. Bat ganyan? Parang hindi niya gusto ang pagdating ko.


"Good morning po." Naku, Jenelle, bawal english ngayon. "Ang ibig kong sabihin, magandang umaga rin po."


"Pangalan?"


"Ella Salcedo po," sinipat niya ang buong katayuan ko. Hindi maganda ito. Kinakabahan ako, the way she stared at me, parang kumakain ng buhay na tao. Strict siguro siya bilang mayor, ano? Ngayon lang ako natingnan ng ganito. "Pamangkin po ako ni Lourdes Salcedo po." Dugtong ko.


"Do you really intend to dress yourself like that? Your clothes are branded young lady? Please, specify your biodata." Ganoon? Nalaman niyang branded ang mga damit ko? Bakit ganoon? Mabubuking talaga ako ng hindi oras talaga.

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon