Kabanata 16- Trip To Boracay

14.9K 322 6
                                    

JENELLE'S POV

Nagluto ako ng adobo at nilaga para sa hapunan. Well, miss na miss na miss na miss ko na kasi ang adobo lalong-lalo na kapag si Mama at nagluto. Well, kahit hindi naman magandang magluto ngayon, sinubukan ko pa rin. Sa buong maghapon kasi, walang Xander ako nakita sa bahay. Inasikaso na naman ang trabaho niya slash boyfriend's duty sa girlfriend niya. Wala na akong pakialam doon, di ba?


Baka nandito na rin maya-maya sila mayor at governor, nakakapagod ba naman ng nasa munisipyo ka. Kahit nga sa kompanya ay ang computer lang 'yung aatupagin mo. 'yung problema pa kaya ng mga tao.


Pumasok si Kasie na parang pagod na pagod.


"Ho, nakakapagod naman. Ang dami ba kasing halaman sa bahay na ito. Nakakapagod mandilig." Reklamo niya saka kumuha ng baso at nilagyan ng tubig. "Oh, Ella, ikaw na naman nagluto. Hindi ka ba napapagod?"


"Hindi naman. Passion ko talagang magluto. Gusto mong tikman, adobo ito, the best Filipino food ever."


"Talaga? Okay, pahingi isa. Na-miss ko rin ito," binigyan ko siya ng tinidor matapos siya uminom ng tubig, at tumuhog ng isang piraso ng baboy, at kinain. "Da best. Wow," siniko niya ang tagiligran ko. "Swerte ni Xander sa'yo, galing mong magluto. Hindi magugutom talaga."


"Oh, kailan ba ang due date mo sa pagtratrabaho, Kasie? Di ba, anak ka ng congressman, why bother working?"


"Hello, Ella, anak ng congressman nga, kailangan ko raw matutong magtrabaho ng gawaing bahay. Wala bang gawaing bahay sa bahay namin, bakit dito pa ako pinatapon."


"Well, natuto ka naman?"


"Sobra. Pero, sana, makita 'yun ni Papa, alam mo kasi, gimik there, gimik here lang kasi ang peg ko sa amin. I felt free way back home. Hindi pala madali ang pinagdadaanan ng ibang tao, at ako nagwawaldas lang ng pera."


"That's the lesson. Very good, friend." Tinapik ko ang balikat niya. Nagsandok ako ng adobo at inilagay na sa bowl para ihain sa hapunan nang umupo ulit si Kasie sa harapan ko, at tumingin sa akin ng taimtaim.


"What?"


"Friend, may problema ako..."


"Ano?," nilagay ko muna sa tabi ng stove ang pagkain at tinabihan siya. Mukhang bagsak na bagsak talaga ang mukha niya. Napakamot siya ng ulo dahil mukhang mahirap sabihin at e-open up.


"Um- naka-experience ka na ba...ng ano...ng...s...with big x." Napamilog ang mata ko sa sinabi niya.


"Why?" nauutal kong sabi. "Fortunately, hindi pa talaga."


"HUWAW!, hiyang-hiya ako sa'yo talaga. Ikaw ang may asawa sa ating dalawa, at ikaw pa ang hindi nakipaglandian. Naku naman. Hot hot ng asawa mo, hindi ka pa naka-points."


"At, ako pa talaga ang makapoints, ganoon?," nginitian ko na siya, "Oh, anong problema dun?"

The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon