JENELLE'S POV
Hindi na ako katulong o kung ano man ni Xander, ako na rin ang pinagsisilbihan ngayon, pero, ayaw ko namang mangyari 'yun. Hindi ako sanay na ako ang pinagsisilbihan, kaya, bumangon na ako at nagluto ng maaga. Natulog ako kagabi, katabi ang asawa ko, pero walang nangyari, he just explored my neck, my body, and kissed my lips hundred times, gusto niyang may mangyari, pero, biglang tumunog ang cellphone niya, eh, kaya wala na siyang nagawa, nakakahiya nga, talaga. Hindi ko na e-she-share sa inyo ang pulang-pula kong mukha.
Magana akong nagtimpla ng apat na tasa ng kape pagkatapos maghanda ng umagahan. Nakita ko na kasing papasok na ang tatlong matatanda, at parang pagod na pagod pa rin.
"Magandang umaga, Nanays, at Lola, kape po ninyo," tinulungan kong umupo si Lola sa upuan niya, at inusugan ng kape. Binigyan ko rin ng kape ang dalawang Nanays.
"Apo, ikaw pa rin ang nagluluto? Hindi mo na gawain iyon," sabi ni Lola.
"Pero Lola, gusto ko pong pagsilbihan kayo, hindi po kasi ako sanay na pinagsisilbihan ng ibang tao," paliwanag ko sa kanila, at tumango-tango lang. "Sige po, daldalhan ko muna ng kape si Xander."
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan ng kwarto ni Xander nang makaabot na ako sa itaas. Hindi na madilim ang kwarto dahil binuksan ko na ito kanina bago ako umalis. At, maayos na ang kama, gising na si Xander? Pumasok ako ng nagtataka, nang sinara ko ang pinto, may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
"Good morning, honey," bulong niya sa teynga ko.
"Good morning," nakangiti kong sabi. "Want some coffee?" Kinuha niya ang kape sa mula sa kamay ko, hinila niya ako papalapit sa kama, inilapag ang kape sa lamesa, at pinaupo ako sa mga hita niya pagkatapos.
"Gusto ko ng umagahan, eh," sabi niya habang naglalambing.
"Okay, tara na, tapos na akong magluto." Yaya ko sa kanya, at hinila-hila siya. Hinila niya ulit ako papaupo sa hita niya.
"I want this..." hinalikan niya ako sa pisngi, sa leeg, at madiin sa labi. Hindi pa siya nakuntento sa mga halik niya sa akin kagabi. May kakaibang talagang sensation ang dala niya sa akin, sa pamamagitan ng halik niya, parang, naaadik na ako. Siya na lahat ang nagbigay sa akin ng first times,..first love, first kiss, first heartbreak, first savior, and first guy who slept with me.
"Xander, may trabaho ka pa, di ba? Kahit nasa two weeks vacation ka, hindi ka naman nilalayuan ng trabaho mo. Kaya, sige na, tumayo ka na."
"Arggh...I want to be with you today, can we have date, honey?" ano ba ang nakain ng lalaking ito at biglang naglambing. Noong isang araw nga, parang hindi na ako kinakausap dahil sa galit at inis sa tradition ng lugar. Ngayong kasal na kami, parang, na-overload naman sa kalambingan ito.
"O...okay, that is, if you stand up now," hinila ko siya patayo. Nahila ko nga, pero, sinugod naman ako ng halik kaagad. Hindi ba siya nagsasawa? Parang kakainin na niya ang labi ko sa kahusayan niya sa paghalik.
"Damn your sweet, honey," parang uhaw na uhaw siya sa halik kaya para na niyang lalamunin ang labi ko. Napasandal kami sa pader, hindi niya binibitawan ang halik hanggang sa natapat kami sa pintuan ng CR. Bahagya ko siyang itutulak ng dahan-dahan, pero, wala na talaga akong ibang magawa para hindi na ako halikan, hangga't...

BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomanceR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...