JENELLE'S POV
Dahil apat na araw na hindi nagtrabaho si Sir Xander, dahil nga doon sa malaking sugat sa binti niya na nagdalaga ng sakit na hindi siya makalakad ng maayos. Ngayon, ang resulta, hindi siya nakadalaw sa Lola raw niya na ginagawa niya thrice a week. May sakit kasi ang Lola niya sa Zambales, kaya dinadalaw daw niya, then, ako pa ang na-tripan ni madame na isama sa kanya.
At, dalawang linggo kami sa Zambales. Ano naman ang gagawin ko sa dalawang linggo, aber? At, alam ko na nandoon si Jessica sa Ilocos, hinahanap ako, maybe.
Dahil ito na ang trabaho ko, ang sundin lahat ng inuutos ni Madame, kaya sumama ako nang hindi umaangal. Gusto ko kasing mamaysal minsan, dahil, nakakapagod din naman puro lang business ang aatupagin ko, di ba? So, I wanted new in my life, new experiences.
Nasa harapan ko ang isang malaking bahay, old historian house. 'Yung mga houses sa Vigan na parang may nakaukitna nakaraan sa isang bahay, bakas 'yun sa aura ng bahay. A Filipino way of house, all woods, but furnish. Marami ring mga manggagawa sa labas, nag-aalaga ng mga halaman at naglilinis. Ano kaya ang ginagawa ng mga tao rito? Sa Ilocos kasi, nasa bahay lang ang mga tao at inaasikaso ang mga utos nila Madame, dito, sana iba?
Bumaba ako ng sasakyan, nauna sa kanya. Kinuha ko kaagad ang bag niya na may lamang damit na kasya sa dalawang linggong pananatili rito. At, syempre, nagdala rin ako ng akin.
Naka-shades at mayamang-mayaman na bumaba si Xander mula sa kotse. Inilibot niya ang kanyang panigin sa paligid. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanya, 'yung mga kapit-bahay, pati na rin 'yung mga manggagawa na masinsinan na nagtrabo pero naudlot dahil sa paglabas niya.
Nagkibit lang ako ng balikat, ganito talaga kung sa tingin ng mga tao ay kaaki-akit kang tingnan, parang center of attention ka na nila.
Kahit mabigat, dinala ko pa rin ang mga bag papasunod sa kanya. At, salamat nang may sumalubong sa akin na Tatay at tinulungan akong magbuhat.
"Salamat po." Ngumiti ako sa kanya.
"Iha, girlfriend ka ni Sir Xander?," interesado niyang tanong.
"Po? Hindi po, ako 'yung bagong maid ni Madame, nautusan lang po akong samahan si señorito," mahinahon kung paliwanag kay Tatay, sabi kasi ni Madame, kapag nandito ka raw, kailangan señorito ang itawag mo sa amo mo, o Madame.
"Ganoon ba? Sige, sige, pumasok ka na," siya 'yung nagdala sa bag ni Xander at ako naman sa akin.
Pumasok kaming dalawa ni Tatay kasunod ni xander sa isang malaking bahay. Hindi ko maiwasan na mamangha sa mga antique furniture na nabubuhay pa simula sa mga taon ni Joze Rizal or Jose P. Laurel. I love history, at kung nakikita ko lang ang mga gamit ay maalala ko na ang nobela ni Joze Rizal ang Noli at El Fili. The stories that brought great history in the Philippine freedom.
Nang mabalik na ako sa mundo, may sumalubong kaagad kay Xander na matanda na may edad na siguro seventy-five or eighty, between those numbers or beyond. I can't guessed.
"Iho, kamusta? Masaya akong nandito ka na, hindi ka kasi pumunta noong unang linggo?," niyakap niya si Xander, at hinalikan ang pisngi. Niyakap naman ni Xander ang Lola niya na may higpit, dahil na-miss siguro.
![](https://img.wattpad.com/cover/78614312-288-k534068.jpg)
BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomanceR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...