Kabanata 21- Marriage Is For Real

14.9K 303 3
                                    

JENELLE'S POV

Kahit mag-e-eight na ay nandito pa rin ako sa kama sa mansion de Rivera. Nakarating na kami kagabi nina Xander at Kasie sa bahay at exactly seven in the evening at kaagad na nagpahinga. Hindi ko rito pinatulog si Xander, at doon na sa kama niya. Wala...may problema rin ako kasi.


Oo, inamin na namin sa isa't-isa ang nararamdaman namin, at hindi ko mapigilan na na hindi umiyak. Napagtanto ko kasi na hindi pala ako si Ella ang taong minahal niya, oo, sasabihin natin na ang pagkatao ko, ang ugali ko ang minahal niya, ang ugali ni Jenelle sa pagkakaalam niyang si Ella. Si Ella ang mahal niya ngayon, at hindi ako. Hindi ang pangalan ko. Iniisip ko na, paano kaya kung magsabi na ako ng totoo? He was really honest in telling everything about him, pero ako, parang guilty na guilty ako sa patuloy kong panloloko sa kanya.


Kinamumuhian niya si Jenelle, galit na galit siya, sa galit niya para na niya itong pinapatay, paano kung malalaman niya na ako pala 'yun? Edi, wasak na rin ako. Mawawasak na ang lahat.


Maybe, being with him in a short time would be enough to prove that I am worthy to be love by his love.


Mahal ko kasi siya at ayaw kong manloko na.


Masira na kung masira basta nasabi ko ang totoo, 'yun naman dapat ang kailangan, di ba?


Kinagat ko ang labi ko na umiiyak, I was hugging my knees, all along with the truth na hindi totoo si Ella. Hindi siya totoo, si Jenelle ako, at ipaglalaban ko 'yun. Ipaglalaban ko na ako ang dapat niyang mahalin at hindi si Ella.


Eh, mawawasak mo ang pangako na hindi mo siya iiwan? Hindi ka aalis sa tabi niya dahil mahal na mahal mo siya.


Hindi naman ako aalis, at hindi ko siya iiwanan, magsasabi lang ako ng totoo, 'yun lang.


Matapos kung magbihis, paglabas ko ng kwarto, ay wala na si Xander sa kama, at mukhang naakalis na papuntang trabaho niya. Pumanaog na rin ako, at magsimulang maghanda ng breakfast sa lunchboxes dahil sinabi sa akin ni Manang na hindi pa kumakain si Xander at wala rin itong ininom na kape sa umaga.


Maybe, siguro, ngayon na ako magpapaalam na makikipag-usap kay Jessica sa bumabagabag sa akin. Siya lang ang makakatanggal nito, at makapagbibigay sa akin ng lakas ng loob.


Speaking of Jessica, tumawag siya kaagad sa akin kahit umagang-umuga pa. Sinigurado ko na walang tao sa loob, at sinagot kaagad si Jessica.


"Jenelle, you should come out now, we need to talk," masaya niyang bati sa akin. Hiyang-hiya naman ako.


"Mukha nga, Jessica. I need you now."


"Sige na, hindi ko na papatagalin ang pagtawag, pumunta ka na lang sa restaurant malapit sa mall, mag-usap tayo ng maayos, may sasabihin ako."


"Sige."


....


The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon