JENELLE'S POV
Nag-mall kami ni Xander kanina pa. Gusto raw kasi niyang makasama ako sa mall kagaya ng sinabi niya noong isang araw. Hindi kami namili, we're just holding hands while walking. Ginawang scenic spots ang mall. Kahit ganoon, I'm enjoying the time with him. 'Yung nadadaanan naming mga babae, hindi sila pumapalya sa patingin sa aming dalawa...and I will say, proud akong asawa ko siya.
"Birthday ni Mommy Monday next week, can you come with me, honey," tumungo kami sa isang accessories area, nandoon lahat ng alahas na kinagigiliwan ngayon ng mga mommy's. Mga nice and beautiful watches. Ah—birthday pala ng Mama niya, arggh..ano kaya ang ireregalo ko? Pero, wala pa akong pera. My ATM card ka kaya. Tama nga naman.
Habang namimili si Xander ng mga magagandang relos, napag-isip-isip ko na, kukunin ko na ang allowance ko sa loob ng isang taon. Hindi ko pa 'yun ginagalaw talaga.
"Xander, pwede bang lumabas muna ako, may tatawagan lang ako."
Tumingin muna siya sa akin na nagtataka.
"Sige. Balik ka kaagad, ha." Tumango ako, at lumabas ng department. Tinungo ko ang ATM station na nadaanan namin kanina. Wala naman masyadong tao, nag-widthraw kaagad ako ng pera. My father just deposited my last month allowance, na-email niya sa akin kagabi.
After ng gusto kong gawin sa ATM station, ay tumungo ako kaagad sa may WOMEN'S Department. Nandoon lahat ng kinakailangan ko na ireregalo. Summer scarfs, and shades, corny, noh. Wala talaga akong maisip na iba. Kung bag naman, edi, magpapadilever na lang ako, eh kung gagawin ko naman 'yun, I'm just a maid, baka magtaka si Tita kung saan ako kumuha ng branded bags. Ano kaya?
Eh, kung magtanong ka na lang kaya sa kanya, bukas ka na lang bumuli. Tama ka. Okay, fine. Bukas na lang.
Lumabas ulit ako ng department, at napatago ako sa isang nakahanger na mga damit nang makita ko si Jessica na naglalakad papasok dito. MY GOD! Anong ginagawa niya rito? Dahan-dahan akong naglakad sa likod ng mga naka-hanger na mga dresses at crop top tees, papuntang kabilang pintuan.
Hahanapin talaga ako ng kapatid ko katulad nang sinabi niya sa akin. Dahil sa papaatras kong paglalakad, nakabunggo tuloy ako.
"Oh My God, I'm sorry, Honey?...I'm sorry." Si Xander lang pala. Nagtaka siyang tumitig sa akin nang mapansin siguro na kinakabahan ako. Sinong hindi, eh, baka mabuking ako ni Jessica.
"Are you okay, honey? Mukha kang tinakot ng unggoy," nag-aalala niyang tanong na may halong biro.
"Yeah...I'm okay."
"Sure?," pinahid niya ang pawis ko sa noo. Hay kahit maginaw ang paligid, kinakabahan pa rin ako. Hay naman, oh. Mabubuking talaga ako ng asawa ko nito. Tumango ako sa kanya, at hinawakan ang beywang niya papalayo ng department.
"Anong binili mo?," nagtanong ako nang napanaog na kami mula sa second floor.
BINABASA MO ANG
The Perfect Fake Marriage (BOOK 1 COMPLETE)
RomanceR-18. Bumagyo? Check. Sa isang kubo. Check. Nagkayapakan. Check. Nagkatabing matulog sa buong magdamag. Check na check. Jenelle Alexandra Oriento spent a night with her boss in a nipa hut with nothing happened just they slept beside each other's arm...